Adhika Isyu 01, Pebrero 2016 | Page 14

MGA PUNLA NG

BOLUNTERISMO

Napakarami ng suliraning patuloy na kinakaharap ng ating bansa. Dagdagan pa ng tone-toneladang basura, hindi ba’t nakakawala ng gana? Sa kabilang banda, may mga tao pa ring hindi nawawalan ng pag-asa, mga simpleng mamamayan at wala mang kapangyarihan, may determinasyon naman at pagmamahal sa kalikasan. Sila ang IBAAN VOLUNTEERS na naglalayong mapanumbalik ang ganda at linis ng ating kapaligiran. Sa paanong paraan kaya binabago ng “lusong” ang pananaw sa buhay ng mga kabataang kabilang dito? Tinanong namin ang ilan sa kanila at heto ang kanilang mga sagot…

“Malaki ang naitutulong nito sa bawat mamamayan. Nagbibigay ito ng kaalaman sa kung ano’ng kasalukuyang nangyayari sa kapaligiran at nakatutugon sa pangangailangan ng komunidad sa kalinisan.”

-Pauline Ann M. Torino

“Sa pamamagitan ng lusong mas nalaman ko ang mga suliraning pangkalikasan na tunay nga namang may malaking epekto sa akin. Dahil dito, mas naging bukas ang aking isipan tungkol sa mga ito at kung paano ito tutugunan kahit sa simpleng paraan. Kagaya nga ng sinabi ni Sir Manolito Sulit ‘Ang Paglusong ay hindi solusyon, ito'y paraan lamang para mabawasan ang problemang pangkalikasan.’’ -Jasmine D. Semira

Maecenas elit nunc, porttitor non tincidunt nec, scelerisque vel dolor. Suspendisse consectetur ma-uris vitae odio semper euismod. Curabitur in enim augue. Curabitur vel tincidunt odio. Integer volu-tpat tempus nunc, sed molestie velit pellentesque eu lacinia purus.

14

“Sa pamamagitan ng pagsali ko sa lusong, narealize ko na malaki ang magagawa nating mga kabataan para sa pagbabago ng ating bayan. Sa simpleng pagsali natin dito, nakakatulong na tayo sa ating kalikasan para alagaan at bigyang halaga ang mga bagay na mayroon tayo. Kaya ang magagawa natin ay magkaisa sa pangangalaga sa ating kalikasan hindi lang sa mga ilog pati na rin sa ating kapaligiran.”

-Mariel M. Reyes

nina Ruth Duque at Regine Solar,

mga mag-aaral, DJAPMNHS

“Malaki ang ginagampanan nito sa mga mag- aaral at sa bawat mamamayan dahil ito ang nagmumulat sa tao para maging aware sa kalikasan. Sa simpleng paraan, nagkakaroon tayo ng ambag at pagtugon sa pangangailangan ng kalikasan sa paraan ng paglilinis.”

-Jade E. Pasia

“Dahil sa lusong, napukaw nito ang aking isipan na mamulat sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Sa simpleng pagboluntaryo sa grupong ito, nakatulong akong maipamulat sa iba ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa kalikasan sa layuning mabawasan ang dumi ng ating bayan.” -Oliver B. Patupat

“Sa aking sarili, marami ang nabago dahil sa pakikiisa ko sa grupong Ibaan Volunteers. Mas naging disiplinado ako pagdating sa pagtatapon ng mga basura at nagkaroon ako ng malasakit sa kalusugan ng taga-Ibaan. Sa halip na tayo ay walang ginagawa, bakit hindi natin subukang ipagpatuloy ang aming nasimulan? Sabi nga ng aming organisasyon: MAY MAGAGAWA KA, MAKIISA!” -Kier Vincent P. Real