Ayon sa report ng International Food Policy Research Institute, magiging
PANGUNAHING PROBLEMA ANG INUMING TUBIG SA TAONG 2025 at lalala pa sa taong 2050. Ano'ng panama ng oil crisis sa paparating na water crisis? Hindi natin kakayanin ang uhaw!
Kung wala tayong gagawin ngayon para isalba ang mga ilog na siyang pangunahing
FRESH WATER RESOURCE, ibig sabihin, nakahanda ka nang harapin ang daranasing
HIRAP, GUTOM AT UHAW mula sa taong 2025.
Ilan lang kayong may kagagawan nito, ngunit dahil sa walang pakundangang pagkakalat
at pagsira ninyo sa yamang tubig--LAHAT NADADAMAY!
HUWAG IBASURA ANG BUKAS - MAY MAGAGAWA KA
KILOS KONTRA KALAT
“Dahil sa lusong, nabago ang pananaw ko pagdating sa kalikasan, na hindi dapat basta lang ito gamitin, kundi nararapat din itong bigyan ng angkop na pagpapahalaga upang sa susunod na henerasyon ay makita nila ang kagandahan nito. Ang pangangalaga sa ating kalikasan ay isang malaking responsibilidad sapagkat ito ay biyaya sa atin ng Poong Maykapal.” -Hannah Isabeau A. Caringal
Marami pang bukod-tanging pananaw ng mga kabataan ng Klub Iba ang mababasa mo
sa susunod na isyu. Subaybayan...
15
“Nabago ng lusong ang buhay ko dahil sa pamamagitan nito, naging bukas ang aking isipan. Natuto akong makisama sa lahat ng taong kabilang dito, hindi lang sa pansariling interes kundi upang makatulong sa paglutas ng problema ng kapaligiran. Kung paanong ang kalinisan ay naisasakatuparan sa simpleng pagsama sa lusong, kaya nating
gumawa ng anumang pagbabago sa lipunang ating ginagalawan.”
-Catherine R. Caponpon
“Dahil sa lusong, nagkaroon ng buhay ang natutulog kong diwa para sa pangangalaga ng ating Inang Kalikasan lalo na sa mga anyong tubig. Dito ako natutong sumunod at manghikayat na patuloy na maging huwaran sa tamang pangangalaga ng ating katubigan. Alam naman natin na responsibilidad ng bawat isa na pangalagaan ang kalikasan at
panatilihin ang kanyang angking kagandahan.”
-Benjie C. Panganiban
Malinis na ilog—bakit baga inaayawan ng ilang indibidwal na walang habas magpadaloy ng dumi? Kung ilang kababayan nating umaasa sa karampot na kita mula sa pangingisda at pagtatanim ang sana’y natulungan nito. Sana magising na sila sa kanilang kasalaulaan bago mahuli ang lahat.
- Olympio Pereña
Coordinator, Ibaan Volunteers