Sino si Mateo Ilustre?
Matataguriang Ama ng Kalayaan ng Ibaan at maningning nating inspirasyon sa Klub Iba sa pagtataguyod ng kapakanan ng ating bayan.
MATEO SAEZ ILUSTRE (1861-?), isang komandante ng mga hukbo ni Hen. Miguel Malvar sa Unang Republika ng Pilipinas, 1898-1902; juez de paz ng Ibaan, 1902-1905; at presidente municipal (mayor), 1906-1908.
Magiting niyang ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas sa dalawang laban ng Himagsikan at ng Digmaang Filipino-Amerikano.
(Pinagkunan: Maikling Kasaysayan ng Lungsod at Lalawigan ng Batangas ni Aurea G. Ilustre, 1981)
12
Payong
ni Huberto Caiga, Jr.
makata at guro, DJAPMNHS
Minsan isang hapon umuulan noon
Dilim ang langit, masama ang panahon
Magkagano'n pa man, katawa'y nanganlong
Sa dala-dala kong kulay ubeng payong.
Mamaya-maya pa'y may tawag sa akin
Wikang pakiusap, "Pwedeng pasukubin?
Pagkat ang payong ko'y nalimutang dalhin,
Sama ng panaho'y di ko akalain."
Sa ubehin kong payong ay nanganlong kita
Makulay na hapon ng pagkikilala
Kalabit sa pusong agad na nadama
Ay ang dalangin kong makasukob ka pa.
Sa maraming ula't init ng panahon
Laking pakinabang nitong aking payong
Na kung laging dala't ako'y nanganganlong
Kasangga sa ulan, init, hangin, ambon.
Ngunit ay ang higit makulay na yugto
Nang dahil sa payong ika'y nakatagpo
Pagkakakilalang yumabong, lumago
Puso'y nakasukob sa iyong pagsuyo.
At ngayong kupas na itong abang payong
Sa maraming taon na kita'y nagkanlong
Di ko malimutang nang dahil sa payong
Yaring abang puso sa yo'y nakasilong.
ADHIKA
Isyu 01, Pebrero 2016
Mga Patnugot:
Manolito Sulit
Larry Roallos
Inilalathala tuwing ikatlong buwan ng Klub Iba Inc. sa 410 Coliat, Ibaan, Batangas. Tel. blg. 414-1190.
Ang naritong mga akda ay pananaw ng mga sumulat at hindi inaaring opisyal na paninindigan ng buong pahayagan o ng samahang sumasaklaw dito.
RESERBADO ANG MGA KARAPATANG-ARI
Ipinagbabawal ang pagkopya at muling paglalathala nang walang pahintulot, liban sa ipinagkaloob na kalayaang magprint ng personal na kopya.
LIBRE AT HINDI IBINEBENTA
MOTIBASYON... mula sa pahina 5
Habang ginaganyak sa paraang intrinsic o extrinsic ang bata sa pamilya, naisasalang siya sa kaligiran ng pag-aaral at patuloy na ikinukondisyon sa pag-aaral na mabuti. Dito mahuhubog ang bata tungo sa pagiging self-motivated. Magawa sana ito ng mga magulang upang masabi namin na lahat ng bata ay nagsusumikap sa pag-aaral. Anuman ang maging kahinatnan ng kanilang gagawin, siguradong pahahalagahan namin.