Adhika Isyu 01, Pebrero 2016 | Page 11

“Music is enough for a lifetime

but a lifetime is not enough for music.” - Unknown

Maliit o halos walang income ang serbisyo ko sa musika. Ngunit sa maraming grupo sa bansa, pinagkakakitaan talaga ito. Para akin, ang serbisyo ko sa Musika sa aking kapwa Ibaeno ay mananatiling bunga ng pagmamahal at pagmamalasakit na maibahagi ang talento sa maraming kabataan.

Sa loob naman ng aking silid-aralan, nakikita ko ang marami kong mag-aaral na mababa sa ibang subject na magagaling sa musika; mahinang magbasa sa Ingles ngunit masaya at mabilis magbasa ng ritmo sa musika. Isa itong drive sa akin para pagbutihin ko pa at palawakin ang proyekto sa Music Performance.

Ambition: To Be a Musician

Iyan ang palagi kong isinusulat kapag sumasagot ako sa autograph, nung nasa Basic Education pa lamang ako. Sinundan ko lang ang hilig at pagmamahal sa musika at naging isang Music Educator ako.

“I am a Music teacher for a lifetime.” Ito ang realisasyon ko ngayong nasa pagtuturo na ako. Simula 4th year High School, nagtuturo na ako ng music sa mga bata. Nagsimula ako sa piano lessons, hanggang sa makabuo ng banda, string ensemble, choir at rondalya sa Music College Classes ko at ngayon, Rondalla Group sa paaralang pinagtuturuan ko. Hindi naman talaga ako magaling umawit o tumugtog, natutunan ko lang ang paraan para mas mabilis na maturuan ang mga estudyante ko. Nagsimula rin naman ako sa pagiging estudyante, walang kaalaman at kasanayan, pero nagsikap at nagtiyaga para matutunan ang mga instrumentong ngayon ay itinuturo ko.

Sa church namin, kada kabilang taon kaming nagsasagawa ng Summer Music Camp. Samantalang sa San Agustin Elementary School, dalawang bakasyon na rin ang naisagawa naming Rondalla Summer Camp na nagtapos sa isang Mini Concert na isinagawa noong Abril 30, 2015.

ni Sarha Arellano,

guro ng musika, SAES