Adhika Isyu 01, Pebrero 2016 | Page 10

Ang Tao at ang Musika

Ang tao ay nilikha ng Diyos na kaakibat niyang likas ang sining. Maraming uri ng sining at ang isa na nga rito ay ang musika. Ang musika ay hindi lamang para sa mga may kakayanang kumanta, tumugtog, sumayaw at lumikha nito. Ito'y binubuo rin ng mga guro, kritiko, tagapakinig, at imbentor ng mga instrumento.

Sa kabuuan, ito'y parang nagsisilbing pang-araw-araw na pagkain ng ating pandinig, na tumatagos hanggang sa ating puso't isipan, hanggang ispiritwal at minsan pa nga sa ibang kultura, kung anong musika ang ibig nila ay siya ring ginagawa nilang uri ng kanilang pamumuhay.

Sa kada lang salita, ang musika ay isang makapangyarihang behikulo, means of life, o para sa iba ay isang necessity… o influence sa buhay at paglaki ng isang tao.

Ang musika ay hindi dapat maging sa kapakanan ng sining lamang. Sa ayaw man natin at sa gusto, ang isang musikang nalikha ay kusang naghahatid ng kamalayan at impluwensya sa madla.

Tayo bilang musikero ay dapat humubog ng landas at layunin sa buhay musika. Ang ating mga talento ay kaakibat na responsibilidad sa Diyos at sa bayan.

Hindi lamang ang angking talento ang dapat nating hubugin at pagyamanin kundi pati na rin kung papaano natin ito magagamit sa mabuti at marangal na paraan sa ating pamayanan.

Marapat lang na mabigyan natin ng pansin kung anong uri ng musika tayo napapaloob. Kaya naman sisikapin kong tipunin kung ano ang magaganda at kapaki-pakinabang na bagay sa musika sa pagpapatuloy ng seryeng ito.

ni Ismael Quinio,

guitar tutor, accompanist