Si Czarina Loren Quinio, 23, taga-Poblacion, ay isang kawani sa National Food Authority. (Pamangkin siya ng ating koordineytor at gitaristang si Ismael "Mike" Quinio.)
Kilalanin ang dalawa sa mahuhusay na pintor na tubong Ibaan. Patikim pa lang ito. Matutunghayan ninyo ang iba pa nilang obra sa mga susunod na isyu ng Adhika. Sino'ng makapagsasabi? Baka nasa tabi-tabi lang ang iba pang malikhain nating kababayan. Diskubrehin natin sila! Mahalaga ang sining sa pagsulong ng isang bayan. Indikasyon ito ng mataas na kamalayan ng mga mamamayan.