UAP Regional District A5 Souvenir Program | Page 19
United Architects of the Philippines
REGIONAL DISTRICT A5
O Kay bilis ng panahon. Parang kelan lang ay naging District Director
ako ngayon naman ay patapos na ang aking termino.
Isang malaking pagsubok at hamon sa sino man ang humawak ng
isang pangkalahatang posisyon, di tulad ng sa sariling Chapter na mas
madaling gampanan ang tungkulin. Subalit ang hamon ay aking tinanggap
at sinubukang gampanan ang nakaatang sa aking tungkulin. Isang taon ng
pakikipag ugnayan sa bawat myembro ng nasasakupang distrito. Nakipag
ugnayan sa bawat presidente upang maisakaturan ang tungkuling iniatang
ng Pangulo ng Organisasyon.
Isa ang aking distrito sa nag ambag ng mga proyecto upang makamit
ng United Architects of the Philippines (UAP) ang ika LIMANG BEST APO
ng Professional Regulation Commission. Isang napalaking karangalan para
sa organisasyong kinabibilangan sa dahilang UAP pa lamang ang nakaka
limang award sa lahat ng Professional Organization sa Pilipinas. Kay sarap
namnamin ang tagumpay na ito ng UAP.
Sa aking mga miyembro sa districto, Ar. Boy Baclit, Ar. Joel Galletes, Ar.
Ivan Vergara, Ar. Carmen Yatco, Ar. Tina Bautista, Ar. Banger Estepa, Ar. Noel
Salac, Ar. Reggie Yaneza, Ar. Benny Martinez , Ar. Jojo Ochoa at dalawang
Foreign Chapters, labis ang aking pasasalamat sa inyong suporta at tiwala
na ibigay nyo sa akin.
Aking dalangin na mas marami pang makasatuparan ng ating oranisasyon
sa mga darating na panahon.
MABUHAY ANG ARKITEKTONG PILIPINO!
Juanito A. Vinta,
uap
Outgoing District Director A-5
Regional District A5 • Joint Turnover &
Induction Ceremony
| 17