Tambuling Batangas Publication September 26-October 02, 2018 Issue | Page 5

September 26-October 2, 2018 OPINYON Nangungunang problema sa Pinas, no. 1 pa din! TUMATAAS na naman ang presyo ng mga bilihin. Dagdag bigat na naman ang idudulot nito sa bulsa ng mga mamamayan. Mas malalaking tagaktak ng pawis na naman ang kailangang ilabas ng bawat manggagawa. Dahil kasi sa kakarampot ng kinikita nila, hindi na ito sapat para tugunan ang bawat pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaliwa’t kanan, kitang-kita ang bigat ng presyo ng mga paninda. Inanunsyo ng Department of Trade Industry (DTI) na magdadagdag raw ng Suggested Retail Price (SRP) sa ilang brand ng sardinas. Madadagdagan raw ng 50 sentimos ang kasalukuyang presyo ng ilang brand nito samantalang 25 sentimos naman ang iba. Kasabay nito ay inanunsyo ng DTI na hindi raw dapat mag-aalala ang mga mamamayan dahil ilang brands lang naman daw ang magtataas. Paanong hindi? Kabi- kabilang paninda sa pamilihan ang nagtaas-presyo. Wala namang pagbabago sa normal na sinisuweldo ng mga Pilipinong manggagawa. Paano nila ngayon mapagkakasya ang maliit na kita sa pagbili sa malaking presyo para lamang matustusan ang pang araw-araw na buhay? Ang bigas na pangunahing pangagailangan ng tao ay grabe na rin ang itinaas. Ang masakit, tumaas na nga ay kulang naman ang suplay. Pero iginiit naman ni Pres. Duterte na wala naman daw krisis sa bigas. Marami lang daw mga gahamang negosyante ang itinatago ang mga ito kung kaya’t napipilitan tayong mag- angkat mula sa ibang bansa. Kung iisiping mabuti, isa ang Pilipinas sa kilala pagdating sa mga produktong agrikultura. Ngunit tayo na ay nag PANGANIB SA TRABAHO by Kenneth Roland A. Guda DAGDAG na armas-legal ang RA 11058 o Occupational Health and Safety Law ng mga manggagawa para igiit ang kaligtasan nila sa trabaho. Pero mapagpasya pa rin ang sama-sama nilang pagkilos. Araw dapat nila noon, araw ng lahat ng katulad niya. Sa halip, naranasan ni Mae Ann Gausit, 30, ang pinakamasakit at malupit na karansan sa kanyang buhay noong Mayo 1, 2018, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Nagtatrabaho siya sa isang pabrikang gumagawa ng mga materyales sa konstruksiyon, ng iba’t ibang parte sa bahay na gawa sa bakal at plastik. Matatagpuan ito sa sinasabing “plastics capital” o sentro ng mga pagawaan ng plastik sa bansa— Valenzuela City. Walang pasok o holiday dapat ang Mayo 1. Pero ang iba sa mahigit 30 manggagawa sa pabrika, inobligang magtrabaho. “In-alternate nila (kami). Halimbawa, holiday ngayon, papasukan pa namin, sa sunod na araw, wala po kaming pasok. Hindi siya double pay, o wala po siyang (dagdag na) bayad,” paliwanag ni Mae Ann. Alas-singko ng hapon noon. Door pad (iyung nakapatong sa door knob sa ilang mamahaling pinto) tinatakbo ng mga makina. Operator si Mae Ann ng isa sa mga makina na nagmomolde ng door pad. “Pagkuha ko (ng door pad), yung dulo ng damit ko, pumasok sa switch,” kuwento niya. Hinawi niya ang damit niya. Nahatak ang switch. Ang nakabukas ang dalawang nag- uumpugang bakal na nagmomolde ng door pad, biglang nagsara. Sakto, nasa gitna pa ang kaliwang kamay niya. “Noong panahong iyon, ako lang ang nasa machine. Wala kaming kasamahan kasi holiday. Wala rin ‘yung bossnamin. Wala rin ‘yung operator,” aniya. Durog ang kamay ni Mae Ann. Nakalaylay ang natitirang laman at buto, pero hindi pa gaanong dumudugo ito. “Tumakbo ako palabas, dala-dala ko pa yung kamay ko. Hawak- hawak ko,” sabi pa niya. Humingi siya ng saklolo sa nagulat niyang mga kamanggagawa. Maya- maya, nawalan na siya ng malay. Dinala si Mae Ann sa sasakyang pang-delivery ng kompanya. Hindi man lang nakatawag ng ambulansiya. Mula sa Valenzuela, tinakbo si Mae Ann sa Philippine Orthopedic Center. Isang oras din ang tinagal ng biyahe. Pumila pa siya, sa dami ng pasyente. Maraming pang biktima Karima-rimarim ang nangyari kay Mae Ann. Pero hindi siya ang una o huling naaksidente—sa kompanya pa lang nila. “Pangatlo na ako. May mga naputulan ng daliri dati. Pero ako na ang pinakamalubha,” aniya. Noong araw ring iyon, may isa pang manggagawa, tinamaan ng bakal sa ulo. Ani Mae Ann, dinala lang siya sa canteen. At ginamot—ng dinikdik na dahon ng malunggay. “Wala man lang first aid,” aniya. Mistulang bukas na sikreto sa lungsod ang mga kuwento ng aksidente sa mga manggagawa sa loob ng mga pagawaan. Matindi ang kalagayan ng mga pagawaan: Kadalasang maiinit, kulang sa bentilasyon, kulang o walang kagamitang proteksiyon sa manggagawa. Langhap ang amoy ng mga kemikal na ginagamit sa mga plastik at bakal. Maiinit at mapanganib ang mga makina. Kulang sa maintenance. Laging nasisira. Sa pabrika ng Sampson Build Product Corporation sa Valenzuela, nagtrabaho si Aling Lea (di tunay na ngalan). Nagtatrabaho siya sa mga tela, pero langhap niya ang lahat ng alikabok at amoy ng mga kemikal ng plastik sa buong pabrika. Dahil dito, nagkasakit siya ng matinding sinusitis. At dahil sa sakit niya, tinanggal siya sa trabaho. “Kaya nireklamo ko sila sa DOLE (Department of Labor and Employment),” ani Aling Lea. Nakakuha siya ng backwages. Ngayon, wala na siyang trabaho, at nagtitinda na lang ng lutong pagkain sa kanilang bahay sa Pearl Island, Valenzuela. Pero kapag inaatake ng matinding ubo, hindi siya nakakapagluto. Walang mapakain sa mga anak kapag di nakakapagtrabaho. Samantala, inilalaban din ni Mae Ann ang kaso niya sa DOLE. Noong una, aniya, inalok siya ng settlement na P80,000. Habambuhay ang pagkawala ng kamay, at pagkawala ng kabuhayan. Ang P80,000, sa ilang buwan lang, ubos na. Hindi siya pumayag. Tinanong din niya sa manedsment ng kompanya kung papaano ang pagkubra niya sa Social Security System (SSS). Ang sabi ng kompanya, sa kanyang ahensiya (dahil kontraktuwal siya, at sa ahensiya “regular”) itanong. Pero ang ahensiya, hugas-kamay rin. Inakyat sa P130,000 ang alok ng kompanya. Basta huwag na raw kumubra sa SSS. “Napag-alaman kong hindi pala sila nagbabayad sa SSS ko, kahit kinakaltasan ako,” kuwento pa ni Mae Ann. Kaya pala ayaw na siyang pakubrahin sa SSS, kasi tiyak na mabubuking ang ahensiya at kompanya na binubulsa lang nila ang kontribusyon ng mga manggagawa sa SSS at di binabayad. Tumanggi siya sa iimport na din ng bigas mula sa ibang bansa. Anong nangyari? Kamakailan lang ay inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 6.4% ang inflation rate ng bansa. Ito raw ang pinakamataas sa mahigit syam na taon. At dahil dito ay naging kakaunti na lamang ang nabibili ng mga mamamayan dahil sa kakarampot nilang kinikita. Hindi na sapat para karaniwang tao. Samantala, hindi naman maiiwasan na sisihin ng iilan ang pagkakaroon ng TRAIN LAW sa bansa. Mula raw kasi nang ipatupad ito noong Enero kung saan mataas ang ipinataw na buwis nito sa mga produkto kabilang na ang mga petroleum products. nagkaroon na ng sunud-sunod na oil price increase. Nagtaas ng 1.00 ang gasoline at diesel. Sinasabing lahat ay apektado sa nasabing oil increase dahil sa pagdedeliber ng produkto. Napakaraming mahihirap sa bansa. At isa ito sa nais solusyunan ng gobyerno. Kahirapan. Pero paano matutulungan ang mga mahihirap na makaahon, ang mga manggagawang kulang pa nga ang kinikita sa araw- araw, kung kasabay naman nito ang pagtaas rin ng mga pangunahing produkto? Paano sila makakalaya sa walang pagbabagong takbo ng kanilang kinabukasan kung hindi naman talaga nabibigyang solusyon ang kahirapan? Taasan ang sweldo ng mga manggagagawa. Iyak yan ng karamihan. Dapat ay tignan ito ng pamahalaan. Marami ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa kakulangan. Gumawa tayo ng aksyon. Huwag sanang hayaan ng mga nasa posisyon ang problemang ito. Sana kahit papaano ay naiisip nila na ang bawat pera na binubulsa nila mula sa ilegal na pamamaraan ay pera rin ng bayan. Mayaman lang ang nakakaahon. Ang mga mahihirap ay nananatiling nakasadlak sa kahirapan. bagong alok, at inireklamo na sa DOLE. “Sa ngayon, wala pa rin silang kontak sa akin,” ani Mae Ann, patungkol sa kompanya at manedsment. “May nakapagsabi sa akin (na dating katrabaho sa pabrika) na di na raw ako makakapasok sa compound (ng pabrika).” Di biro ang dinaranas niya: Araw araw na sakit ng katawan, pangangalay. Wala pa riyan ang pakiramdam na hindi na siya kumpleto, wala nang kamay, hindi na pantay ang katawan, tagibang na. May panahong nagkulong lang siya sa bahay, sa hiya, at para iwasan ang pangungutya. Napangibabawan lang niya ito nang magdesisyong ilaban ang kanyang kaso— sa tulong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan at iba pang progresibong grupo sa lugar. Bulnerable kasi kontraktuwal Bulnerable ang mga manggagawang tulad nina Mae Ann at Aling Lea sa mga aksidente sa di-ligtas na trabahuan. Bukod sa di-ligtas na mga pagawaan, bulnerable rin sila sa kanilang istatus sa trabaho—bilang mga kontraktuwal. Si Mae Ann, pinagpasa- pasahan sa pagitan ng kompanya at agency noong nagtatanong na tungkol sa kompensasyon niya bilang biktima ng aksidente sa trabaho. Nagtuturuan ang dalawa sa kung sino ang dapat managot. Nitong Lunes, Agosto 20, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11058 o An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards (OSHS). Batay ito sa panukalang batas ng Gabriela Women’s Party. Bagamat “napahina” ang mga probisyon nito sa proseso ng deliberasyon sa Kongreso, maituturing na dagdag na legal na kasangkapan ito ng mga manggagawa para igiit ang karapatan sa ligtas na lugar ng trabaho. Ayon kay Rochelle Porras, executive director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), medyo kumapos ang naturang bagong batas, halimbawa, sa pagpataw ng P100,000 lang kada araw na multa sa bawat araw ng paglabag ng kompanya. “Gusto sana natin i-criminalize (ang mga paglabag ng mga kompanya),” aniya. Gayunman, magagamit ang batas, halimbawa, para igiit ang inspeksiyon sa mga pabrika sa loob ng export processing zones, anumang oras. Gagawin din umanong mas istrikto ang pagpapatupad ng maayos na pagsasanay sa mga manedsment at manggagawa kaugnay ng safety. Para sa Institute for Occupational Health and Safety Development (Iohsad), “Malaking ganansiya pa rin ang makasaysayang pag-apruba sa OSH Bill para sa hangad ng mga manggagawa at biktima para sa hustisya. Positibong hakbang ito sa kampanya natin para igiit ang batayang karapatan ng mga manggagawa sa kalusugan at kaligtasan.” Gayunman, tulad ng iba pang deklarasyon o hakbang ni Duterte kaugnay ng mga manggagawa, ang mahalaga’y maayos na maipatupad ang batas na ito—para bigyan-hustisya ang mga biktima (tulad ng 74 manggagawang nasawi sa sunog sa pabrika ng Kentex sa Valenzuela din, noong Mayo 2015). Ang problema, kung pagbabatayan ang implementasyon sa deklarasyon ni Duterte kontra sa kontraktuwalisasyon, malamang na hindi basta-basta maipapatupad ang batas ng mga kapitalistang gusto laging nakakatipid kahit napapahamak ang mga manggagawa. Para kina Mae Ann at Lea, natutulak lang ang gobyerno at mga kapitalista kung kumikilos at nagbubuklod ang mga manggagawa sa paggiit ng kanilang mga karapatan. Pareho silang matapang na nagsampa ng kaso sa mga kompanyang pabaya sa kanilang kalagayan. Pero higit dito, nakikiisa sila sa kolektibong pagkilos ng mga manggagawa—tulad ng mangyayaring Martsa ng Manggagawa sa Agosto 27 sa Mendiola para igiit ang pagpawi sa kontraktuwalisasyon at paggalang sa kanilang mga karapatan. BY: Kathryn A. Arlan