Tambuling Batangas Publication September 26-October 02, 2018 Issue | Page 4

OPINYON September 26-October 2, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan Duterte’s revocation of Trillanes’ amnesty: A valid claim or a diverting excuse? Ni: John Christoper Lara Another issue divided the Philippine Nation these past few days. This is about the previous announcement and declaration of Pres. Rodrigo Duterte revoking the amnesty goven to Senator-elect Antonio Trillanes IV. for those who are not familiar, an amnesty is the official pardon granted to people who have been convicted of political offenses. In the case of Sen. Trillanes, this was connected to what had happened years ago in the Manila Peninsula wherein they tried to take over the Philippine Government and drive away then President Gloria Macapagal Arroyo from office through their failed mutiny or coup d’état back in 2007. Along with the revocation was an order for his immediate arrest which he was able to evade by staying at the senate for a couple of days where he cannot be arrested. This is what sparked countless debates regarding the decision of the President against Trillanes which was known to be a critic ever simce the President took his post. Political Persecution? This is the call of his other critics. some from Magdalo which is the group of men who accompanied Trillanes in the coup and were also granted amnesty. on the defense of the chief-executive, several malacañang personalities cited grounds and reasons that invalidates the amnesty of Trillanes one of which says that he was not able to comply with the given requirements. But when the Senator presented his copy of the documents supporting his innocence and amnesty validity, another argument was raised which many considered funny. The government has ‘no copy’ which turned out later on as ‘missing.’ So what’s the real issue here? Senator Trillanes and his supporters continued to defend their part by presenting more documents which is composed of his application and many more. On his part, there is strong evidence that what he had received was clearly constitutional and valid. However, the burden to disprove and invalidate the amnesty was not being handled properly by the accusing side. Instead, they just continued to raise more arguments that is just messing it all up. So, the President’s order was not fulfilled due to lack of supporting grounds. It is also clear the only the officials of the judiciary branch of government can issue an arrest warrant on this case. which makes Duterte’s order void. When asked about it, Duterte cited the golden rule, “ Do not do unto others what you don’t want to be done unto you.” which reflects a more personal intent of the president on attacking the senator. Aside from this, the continuous shift of flawed arguments regarding their real point of saying that the amnesty is really revocable is becoming unacceptable. especially now that another point was being raised contrary to the first claims. They say now that the past administration who gave the amnesty didn’t do it properly. President Duterte along with his men can’t seem to find any concrete evidence to support their allegations. Somehow, it is becoming more relevant that these issues seemed to be used effectively to divert our attention from the bigger problems of the country which the government can’t put solutions to. PART 1 MA’AM ALICE SIYANG maliit na babae ay tinatawag na “isa sa mga higante ng kilusan ng rebolusyunaryong pangkultura ng Pilipinas.” Noong Hulyo 29, pumanaw sa edad na 80 si Alice G. Guillermo matapos ang matagal na karamdaman. Para sa publiko, kaugnay ang pangalan niya ng sining- biswal, sining at kultura – bilang kritiko, awtor ng maraming libro at sulatin, at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Para sa mga aktibista, kilala siya bilang isang guro, na mas nababasa kaysa napapakinggan, tungkol sa rebolusyunaryong sining at kultura at sa rebolusyon mismo. Noong dekada ’90, unang maririnig ng bagong aktibista ang pangalan ni Guillermo sa pag-uusap ng mga mas naunang aktibista. Siya si “Alice Cooper” Guillermo, kasama nina “Jelly Ace” Guillermo, “Bien Tumbling” Lumbera, “Neil Young” Doloricon, at iba pang progresibong intelektwal. Binigyan sila ng tawag-paglalambing, silang laging planong kuhaning tagapagsalita sa mga porum at hingian ng mensahe at tulong- pinansyal rin. Maririnig uli ang pangalan ni Guillermo sa isang pag-aaral. Noong panahon daw ng kalituhan sa loob ng progresibong kilusan pagkatapos ng Edsa 1986, maraming tumatawag sa sistemang pampulitika sa bansa na “liberal na demokrasya” at sa paksyon ng naghaharing uri na kinakatawan ni Cory Aquino na “liberal-demokrata.” Kakatwa, pero kasama rito ang mga insureksyunista na gumagawa noon ng mekanikal na pagtutulad sa Rusya ng 1917: Marcos = Czar, rehimeng Cory = Provisional Government, Pebrero 1986 = Pebrero 1917. Ang kailangan daw ay ang “Oktubre ng Pilipinas,” ang pagtatagumpay ng mga Bolshevik na Pinoy. Si Guillermo raw ang isa sa naglinaw na hindi liberal na demokrasya ang iniluklok ng paksyong Cory – sa popular na pakahulugan ng pagtataguyod sa indibidwal na karapatan sa pamamagitan ng paghahari ng batas (liberalismo) at paghahari ng mga mamamayan (demokrasya). Ang kinatawan nito ay patuloy na paghahari ng iilang kapangyarihang dayuhan at elite at paggamit ng pasismo laban sa mga mamamayan – nang may demokratikong pagpapanggap. Katotohanan itong mas madali nang matanggap ngayon, kahit mayroong mga intelektwal na sentimental sa rehimen ni Cory dahil sa sahol ng rehimen ni Duterte.Noon, nangailangan ng tapang at talas para sabihin ito. Kaya siguro natandaan si Guillermo ng instruktor ng nasabing pag-aaral – isang mas naunang aktibista galing Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na bagamat mahilig magbasa ay nakatutok sa mga sulating may direktang kinalaman sa pakikibaka. At tila mahalaga sa henerasyon nila ng aktibista si Guillermo: may isang buong isyu ng Commitment, opisyal na pahayagan ng League of Filipino Students, noong maagang bahagi ng dekada 1990 na nakalaan sa isang sanaysay niya. Hinggil ito sa kabuluhan ni Mao Zedong, lider ng sosyalistang rebolusyon sa Tsina, sa pulitikang progresibo sa Pilipinas at mundo, taliwas sa deklarasyon noon ng mga reaksyunaryo na “tapos na ang kasaysayan” sa kapitalismo at “demokrasya.” Kaya ang isang aktibistang palabasa, mahihikayat basahin ang The Covert Presence and Other Essays (1989) ni Guillermo. Kabilang ito sa mga koleksyon ng sulatin ng mga progresibong intelektwal na inilimbag ng Kalikasan Press noong 1989-1990. Bagamat mas tungkol sa mga usaping pansining, pangkultura at maging teoretikal sa Pilipinas at sa mundo noong panahong Marcos-Aquino, makabuluhan pa rin ang nilalaman ng mga sanaysay hanggang ngayon. Mababasa rin ang iba’t ibang sulatin niyang nagbubunyi sa mga “artista ng bayan,” lalo na ang mga alagad ng sining sa larangang biswal na nagsusulong ng Social Realism. May mga sulatin din siyang nagpapatampok ng mga makabuluhan at progresibo kahit sa mga likhang-sining ng mga hindi aktibista. Sa ganito, maaalala sa kanya ang isa pang paboritong intelektwal sa parehong larangan, ang Ingles na si John Berger, magkasabay ang malalim na pagdama sa sining at Marxistang pulitika – at sa wikang puno ng buhay. 10 Agosto 2018