BALITA
September 26-October 2, 2018
Kambingan Festival,
muling ipinagdiwang
sa bayan ng Tuy
By Mamerta P. De Castro
Palakasin ang pamilya
panawagan ni Mayor Dimacuha
NANAWAGAN si Mayor Beverley
Rose Dimacuha sa mga magulang na
patatagin ang pamilyang Batangengyo
at palakihin ng maayos ang mga anak
sa pagdiriwang ng Buwan ng Pamilya
ngayong Setyembre.
Ayon
kay
Mayor
Dimacuha, bukod sa edukasyon,
pinakamagandang maiipamana ng
magulang sa kanilang mga anak
ay ang buo, nagmamahalan at may
respetong pamilya. “Kami na po
ang bahala sa lungsod, sinisikap po
namin sa makapagpatupad ng mga
programa at mapaunlad ang Batangas
City, kayo na po ang bahala sa inyong
pamilya, sa maayos na pagpapalaki
ng inyong mga anak, patatagin po
natin ang pamilyang Batangenyo,”
pagdidiin ni mayor. Bahagi ng
pagdiriwang na ito ay ang “Kasalan sa
Lungsod” o maramihang pagkakasal
na isinagawa ng City Social Welfare
and Development Office (CSWDO)
katuwang ang City Registrar’s
Office (CRO)noong September 21 sa
Batangas City Convention Center.
Ikinasal ni Mayor Beverley
Dimacuha ang 16 na pares na matagal
ng nagsasama.
Bago
simulan
ang
seremonya ay nagbigay ng ilang
paalaala sina Mayor Dimacuha at
Congressman Marvey Mariño para sa
maligaya at mas matatag na relasyon
ng mag-asawa. Anila dapat ay may
respeto sa bawat isa, nagsusuportahan
o tulungan sa pagtataguyod ng
pamilya, may panahon para sa isa’t
isa at iba pang pangaral.
Pinarangalan
din
sa
okasyong ito ang mga Huwarang
Pamilyang Pilipino sa lungsod ng
Batangas sa iba’t ibang larangan.
Napili bilang natatanging
Pamilyang Matagumpay sa larangan
ng Pagsasaka ang pamilya nina
Romeo at Flordeliza Landicho ng
barangay Dumuclay; Pamilyang
Training...
Sa pamamagitan ng
IDMRS, malalaman ang lahat
ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa mga surrenderers at
ma-eevaluate kung naipagkaloob
ng pamahalaan ang assistance
na nararapat para sa mga ito.
Ito ay dinaluhan ng mga
DILG city and municipal officers
at focal persons ng ADAC ng
ibat-ibang bayan at lungsod sa
Matagumpay sa Pag-aalaga ng
Hayop sina Jose at Petra Aguila ng
Ilijan; pamilyang Matagumpay sa
Larangan ng Sustainable Livelihood
Program (Familiy Enterprise) ang
pamilya nina Pedro at Teresita
Doce ng Conde Itaas; Natatanging
Solo Parent na Nagtaguyod ng mga
Anak at Hanapbuhay sina Mercy
Mandigma mula Pinamucan Silangan
at Mely B. Lopez ng Conde Labac.
Napili bilang Huwarang
Mag-Asawang
Nagsasama
ng
Mahabang Panahon na Maunlad
at Maligaya sina Andres at Luning
Catapang ng barangay Talumpok
West na 68 taong kasal, at ang pamilya
nina Ricardo at Marifi Ramirez
ng Mabacong ang kinilala bilang
Huwarang Pantawid Pamilyang
Batangenyo 2018. Ang pagdiriwang
na ito ay may temang “Tungo sa
Maginhawa, Matatag at Panatag na
Pamilyang Pilipino” (PIO Batangas
City)
mula sa pahina 1
probinsiya ng Batangas.
Ipinabatid
din
na
magkakaroon ng audit sa naging
actual performance ng mga
City at Municipal ADAC noong
2017.
Kabilang
sa
Five Pillars of Action na
pagbabasihan ng performance
audit ng mga ADAC ay ang
drug supply reduction, drug
demand reduction, alternative
development, civic awareness
and responses at regional and
national cooperation.
Hiniling ni PD Mauleon
sa mga myembro ng Barangay
ADAC na syang frontliners sa
pagtugon sa problema sa droga
na maging masigasig sa kanilang
tungkulin sa pagsugpo sa illegal
drugs. (PIO Batangas City)
TUY,
Batangas,
Setyembre
18 (PIA)-
Sabay-sabay na
ipinagdiwang sa ika-walong
taon ang Kambingan Festival
sa bayang ito noong buwan ng
Agosto 2018.
Isinagawa sa Municipal
Gymnasium at Municipal Park ng
naturang bayan ang mga aktibidad
ng lokal na pamahalaan.
kambing
cooking
contest na nilahukan ng mga
barangay kung saan itinanghal
na 1st place ang entry ng Brgy.
Sabang na pinangalawahan ng
Brgy. Tuyon-Tuyon at sinundan
naman ng Brgy. Guinhawa. Sila’y
tumanggap ng premyo P10,000,
P7,000 at P5,000 kasama ang
trophy.
Nanguna naman sa
puwesto para sa adobong kambing
cooking contest ang Brgy. Dao,
sinundan ng Brgy. Palincaro at
pumangatlo ang Brgy. Toong
na nakakuha din ng premyong
P10,000, P7,000 at P5,000 na
may kasamang trophy bawat isa.
Ginanap din sa nasabing
gymnasium
ang
dancing
competition na nilahukan ng mga
piling mag-aaral mula sa iba’t-
ibang mababang paaralan sa
boung bayan ng Tuy. Tinanghal
na Best in Choreography, Most
Disciplined Group, Best Dancer
at Best Props, ang Group 3 na
binubuo ng mga mag-aaral ng
Bolbok Elementary School,
San Jose Elementary School at
Gregorio Agoncillo Elementary
School.
Hinirang naman bilang
Best in Indigenous Attire ang
Group 1 na binubuo ng Grergorio
Paradero Elementary School,
Lumbangan-Talon Elementary
School at Dalima Elementary
School.
Nauna na dito ay
nagsagawa ng Tuy Bike Race
Contest kung saan tinanghal na
kampeon sa male category si
Reynaldo Navarro at sa female
category naman ay si Lyka
Donato na parehong nagkamit ng
P7,000 at tropeo.
Nagkaroon
din
ng
painting contest na may temang
“Tuy Municipal Hall:Now and
Then” kung saan tinanghal na
panalo si Kristian dela Vega at
nagkamit ng halagang P20,000 at
tropeo. (MDC, PIA4A)
Ulat... mula sa pahina 1
Juvenile Intervention and Support
Center at evacuation center.”
“Ito ay para sa mga
Lipeno
na
nangangailangan
ng kaukulang atensyon, mga
kabataang kailangan ng proteksyon
dahil sa kanilang espesyal na
kundisyon, mga inabandona at
nakaranas ng pagmaltrato, mga
nagkasala sa batas, mga kababaihan
at matatandang nangangailangan
ng pansamantalang tirahan o
interbensyon para manumbalik sa
dating normal na buhay. Maging ang
mga hindi taga-Lipa ay maaaring
serbisyuhan dito,” ani Sabili.
Sa
larangan
ng
kalusugan,natutugunan
ang
pangangailangan sa pamamagitan
ng Ospital ng Lipa kung saan iba’t-
ibang mga treatment at prevention
ang ginagawa tulad ng laboratory
tests, ultrasound, 2D Echo, CT
Scan, ECG, X-ray, hemodialysis,
maternity care gayundin ang
pagkakaroon
ng
outpatient
department para sa mga nagnanais
magpakonsulta sa kanilang mga
karamdaman.
“Sa taong ito umaabot
sa P49M ang inilaang budget
ng pamahalaang lungsod para
matugunan at matutukan pa ang
serbisyong pangkalusugan ng ating
mga kababayan,” dagdag pa ni
Sabili.
Naging
awardee
rin
ang lungsod ng Lipa mula 2012
hanggang sa kasalukuyan dahil
sa pagpapalawig ng disease
surveillance system bukod pa sa
pagtaas sa 98% ng success rate
kaugnay ng National Tuberculosis
Control program.
Sa
pangangalaga
ng
kapaligiran
ipinagbawal
ang
paggamit ng plastic at inilunsad ang
pagkakaroon ng MRF o Materials
Recovery Facility sa mga barangay bukod sa pagpapatibay ng Solid
Waste Management Commision
para sa lungsod.
Mula 2010 ay naglaan ng
budget ang pamahalaang lungsod
para sa scholarship program kung
saan sa kasalukuyan ay umaabot na
sa 72,102 recipients ang nasabing
programa. Operasyunal na rin ang
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
na nagbibigay ng de-kalidad
na edukasyon kung saan noong
nakaraang 2017 Board exams
sa Criminology ay nakakuha ng
96.15% na passing rate.
Ang Lipa Academy for
Sports, Culture and Arts ay nasa
completion stage na at maaaring
magamit na ng mga kabataang
nagnanais magkaroon ng kaalaman
sa palakasan, sining at kultura.
May 11 short courses naman na
ibinibigay ang Lipa City Center
for Training and Development
at sa kasalukuyan mahigit 6,000
benepisaryo na ang nagtapos dito at
nagkaroon ng disenteng trabaho.
Sa tulong naman ng
programa I-HELP, ang mga Lipeno
ay nabigyan ng tulong puhunan
para sa pagpapasimula ng maliit
na negosyo kung saan ang City
Cooperative ang nagkakaloob nito.
Patuloy
rin
ang
pagpapaigting ng ugnayan sa mga
kapulisan upang mapanatili ang
katahimikan at kaayusan sa buong
lungsod upang mas lalo pang
makapaghimok ng mga investors at
maninirahan na malaki ang impact
sa ekonomiya.
Alinsabay ng pag-uulat
serbisyo sa bayan ay ipinagkaloob
ni Mayor Sabili ang dalawang patrol
vehicle na karagdagang sasakyan na
magagamit ng kapulisan sa kanilang
pagpapagtrolya at pagpapanatili ng
katahimikan sa lungsod. (BHABY
P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)