Tambuling Batangas Publication September 26-October 02, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
PANGANIB SA TRABAHO... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Kambingan Festival, muling
ipinagdiwang sa bayan ng Tuy
p. 2
Nangungunang problema
sa Pinas, no. 1 pa din! p. 5
Bike Patrol muling inilunsad
ng Batangas City PNP p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 40
September 26-October 2, 2018
P6.00
Ulat sa Bayan isinagawa ng Mayor ng Lipa
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS,
Setyembre 27 (PIA)- Nagsagawa
ng ulat serbisyo sa bayan si Mayor
Meynard Sabili sa Lipa Academy
for Sports, Culture and Arts dito sa
lungsod noong Setyembre 14.
Ang
aktibidad
ay
isinagawa upang iulat ang iba’t-
ibang
accomplishments
ng
pamahalaang lungsod ng Lipa
simula 2010 kung saan nakatuon ito
sa serbisyong panlipunan para sa
ikabubuti ng mga Lipeno.
Ayon sa ulat, mula sa
budget na P 890M noong 2010
ay tumaas ang taunang budget ng
lungsod kung saan sa taong ito ay
umabot sa P1.69B.
Sa
bahagi
ng
imprastraktura ay isinaayos ang
mga farm to market roads upang
ang malalayong mga barangay ay
maging madali ang pagdadala ng
kanilang mga produkto at maging
ang mga mag-aaral ay hindi
mahirapan sa biyahe.
Nagkaroon
din
ng
traffic lights sa mga pangunahing
lansangan ng lungsod na isa sa
mga sagot sa mabigat na trapikong
nararanasan dito. Sa pakikipag-
ugnayan din sa pamunuan ng SM
City Lipa ay naitayo ang grand
terminal sa ilalim ng Public Private
Partnership. Nagkaroon ng Lipa
Parking Building, Lipa City Center
for Training and Development at
Lipa Academy for Sports, Culture
and Arts.
“Kamakailan ay naipatayo
na rin ang Social Welfare Village
sa City Park Subdivision kung
saan makikita ang administration
building, Women’s Center, Bahay
Pag-asa para sa Kalalakihan at
Kababaihan, Center for Older
Persons and Persons with Disability,
Lipa City Mayor Meynard Sabili led the turnover of two patrol vehicles for the use of Lipa City Police Station. Deputy Chief of Police Cabana with other
officials from LCPS received the ceremonial key. Said vehicle will be used by the PNP in their day-to-day activities in maintaining peace and order in the
city. (PIA-Batangas)
21 entrepreneur nagtapos sa DTI Kapatid
Training sa pagpapalakas
Mentor ME Program sa Batangas
ng local anti-drug abuse
councils isinagawa
Sundan sa pahina 2..
By Mamerta P. De Castro
NAGKAROON ng dalawang
araw na Roll-out Training on
Strengthening Anti-drug Abuse
Councils sa Lima Park Hotel
sa Lima Technology Center
sa Malvar, Batangas noong
ika-20 hanggang ika-21 ng
Setyembre sa pagtataguyod
ng Department of Interior and
Local Government (DILG).
Ayon
kay
DILG
Provincial Director Adelma
Mauleon,
ang
naturang
pagsasanay ay kaugnay ng mas
pinaigting na kampanya ng
pamahalaang nasyunal laban sa
ilegal na droga.
Layunin
nito
na
mapalakas ang kapasidad ng
mga local Anti-Drug Abuse
Councila sa coordination at
monitoring ng mga drug-related
incidents at mabigyan ng sapat
na kasanayan ang mga Local
Government Unit focal persons
at DILG field officers hinggil sa
Integrated Drug Monitoring and
Reporting System (IDMRS).
Sundan sa pahina 2..
MATAAS NA KAHOY, Batangas,
Setyembre 14 (PIA)- Nagtapos
kamakailan sa Kapatid Mentor
Micro Enterprise (KMME) Program
ang 21 entrepreneur sa lalawigan ng
Batangas.
Ayon kay Marissa Argente,
pinuno ng Business Development
Division, DTI Batangas isa sa mga
criteria upang maging bahagi ng
Kapatid Mentor ME Program ay
kinakailangang may existing na
negosyo,may commitment upang
matapos ang programa, at may
pagpapahalaga sa matutunan dito
dahil kailangan itong isakatuparan.
“Ang programang ito ay
isang paraan upang magkaroon
ng entrepreneurial revolution o
pagkakaroon ng kamalayan ng
pagnenegosyo at isang mabisang
paraan upang magawa natin ang pag-
unlad para sa sarili at pamayanan,”
ani Argente
Katuwang ng Department
of Trade and Industry (DTI)
Batangas ang mga eksperto sa
pagnenegosyo tulad ng Philippine
Center for Entrepreneurship na
siyang nagsisilbing tagagabay sa
mga mentee.
Ito ang ikalawang batch
ng KMME graduates na sumailalim
sa tatlong buwan na pag-aaral
kung saan may 10 modules na
kailangang tapusin ang bawat
mentee upang matutunan ang iba’t-
ibang aspeto ng pagnenegosyo
tulad ng entrepreneurial mindset,
taxation, accounting, production
management plan, marketing plan
at iba pang areas ng pagnenegosyo
upang makapag-compete sa panahon
ngayon.
Walang anumang bayad
na hiningi sa mga mentee ngunit
kinakailangang maka-attend sila
sa 10 modules na dapat nilang
pag-aralan. Hiniling lamang ng
DTI Batangas na magdala ng
produkto ang mga mentee upang
mas maipakita ang mga ito lalo na
at nagkaroon ng defense ang bawat
mentee para sa kanilang inihandang
business improvement plan upang
ipakita ang kanilang natutunan sa
programa.
Target ng DTI Batangas
na magkaroon ulit ng isa pang
batch para sa taong 2019 at kung
sila ay mabibigyan ng karagdagang
pondo ay maaaring magkaroon ng
dalawang batch sa loob ng isang
taon. (MDC, PIA4A)
79 hired on-the-spot sa 3-Day
Job Fair ng pamahalaang lokal
ng Batangas
hanapbuhay sa mga Batangueno
By Mamerta P. De Castro
More than 900 job seekers joined the three- day job fair conducted by the Provincial Government of Batangas thru the Public
Employment Service Office at the Provincial Auditurium,Capitol Compound Batangas City from September 18-20,2018. A total of 79
were hired on-the-spot. (PIA-Batangas)
LUNGSOD NG BATANGAS,
Setyembre 26 (PIA)- May 70
hired on-the-spot mula sa 920
job seekers na nakibahagi sa
isinagawang three-day job fair
ng pamahalaang panlalawigan
ng Batangas sa Provincial
Auditurium dito sa lungsod mula
Setyembre 18-20 nitong taon.
Ayon kay Dra. Razel
Ingco, pinuno ng Provincial
Public Employment Service
Office (PESO), hangad ng
kanilang tanggapan ang patuloy
na pagbibigay ng trabaho o
upang mas maisaayos nila at
mapaganda ang kanilang buhay
gayundin ang pamilya.
“Bukod sa ganitong
malakihang job fair natin,
nagkakaroon rin tayo ng mga
Special Recruitment Activities
(SRA) para sa mga piling
kumpanya
na
nakikipag-
ugnayan sa ating tanggapan na
nangangailangan ng mga taong
magtatrabaho para sa kanilang
mga kumpanya,” ani Ingco.
Sinabi
naman
ni
Governor Hermilando Mandanas
na patuloy ang pamahalaang
Sundan sa pahina 2..