Tambuling Batangas Publication September 12-18, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
P r a y e r : T h e M o s t P o w e r f u l W e a p o n ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Halos P13.5 billion- Batangas
City
Annual
Investment
Program
for
FY
2019
inaprubahan p. 2
Go lauds PH athletes
in Asian Games p. 5
Residente ng 17 barangay nag
donate ng dugo p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 38
September 12-18, 2018
P6.00
Panlimang barangay idineklarang
drug-free
BATANGAS CITY-Magandang
halimbawa ang ipinakikita ng
barangay Maapaz sa mahigpit
na paglaban nito sa ilegal na
droga at nagbunga ang ginagawa
nito ng ideklara ito ng Batangas
City Police Station na drug-free
barangay.
Pinangunahan ni P/Supt
Sancho Celedio, acting chief of
police, ang pag didikit ng drug-
free barangay sticker sa mahigit
na 50 bahay sa Maapaz noong
Septmeber 3 kasama ang ibang
pulis, barangay officials, mga
pastor ng simbahan at Barangay
Anti-Drug Abuse Council.
Ayon kay Pangulong
Vlademir Arellano, hindi pa
siya ang pangulo ay strikto na
ang barangay officials sa mga
taong nadating o maninirahan
sa kanilang barangay kaya na
momonitor nilang maige ang lahat
na nakatira sa kanilang lugar.
Sinabi pa niya na bago makakuha
sa kanila ng residence o barangay
clearance ang isang indibidwal
ay kailangan muna mag pa drug
test at ipakita ang resulta na siya
ay negatibo sa droga.. Hindi rin
sila basta nag papapasok o nag
papatira ng hindi lehitimong taga
barangay. Nag sasagawa rin sila
ng unannounced random drug test
sa mga kabataan.
Sinabi rin niya na
malaking responsibilidad sa
pamunuan niya ang pagiging
drug- free ng kanilang barangay
dahilan upang lalo silang maging
mapagmatyag
sa
kanilang
residente. (PIO Batangas City)
Buwan ng Wika
ipinagdiwang
BATANGAS
CITY-
Ipinagdiwang
ng
Cristo
Rey Institute for Career
Development (CRICD) ang
Buwan ng Wika noong Agosto
sa pamamagitan ng iba’t ibang
kompetisyon.
Ayon
kay
Ed
Borbon,
president at school director
ng CRICD, layunin ng
pagdiriwang ng Buwan ng
Wika na mas mapaigting
pa ang paggamit ng wikang
Filipino upang lubos na
maipaunawa sa nakararami
na wala nang mas hihigit
pa sa sariling wika kung ito
ay gagamitin sa matuwid at
mabisang pagpapahayag o
komunikasyon.
Nagdaos
ng
Lakan
at
Lakambini
2018
kung
saan ang mga lumahok
ay
minarkahan
sa
mga
sumusunod na pamantayan:
Pilipinong Anyo, Kaakmaan
ng Kilos at Gawi, Tindig at
Tikas, Pagdadala ng Kasuotan
at Pagdadala ng Sarili.
Tampok din ang paligsahan ng
pag awit ng solo at dueto, pag
bigkas ng tula at dagliang pag
talakay. Hinirang na Lakan at
Sundan sa pahina 3..
50 bahay sa Maapaz noong Septmeber 3 kasama ang ibang pulis, barangay officials, mga pastor ng simbahan at Barangay Anti-Drug Abuse Council
Business establishments tutupad sa
mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003
NAGPAHAYAG ng kooperasyon
at pakikiisa ang mga business
establishments sa Batangas City
sa istriktong pagpapatupad ng
R . A. 9003 o Ecological Solid
Waste Management Act of 2000
na sisimulan sa October 1 sa
pagpupulong sa kanila ng Batangas
City Solid Waste Management
Board noong September 4 sa
Batangas City Convention Center.
Ang pagpupulong ay ipinatawag
ng
Enforcement
Committee
ng SWMB na pinamumunuan
ni PSupt Sancho Celedio na
kinatawan dito ni PCI Apolinario
Palomino. Sinabi niya na kasama
ang Monitoring Committee ay
iikot randomly sa mga barangay
at commercial establishments ang
enforcement committee simula
sa October 1, kung kaya’t dapat
lamang ay may sapat na kaalaman
ang mga establisimyento ukol
sa batas na ito. “Hindi po namin
gusto na kayo ay mahuli para mag
multa o makasuhan, ang gusto po
namin tayo ay magkaintindihan
at magkaisa sa pangangalaga ng
kapaligiran,” sabi ni PCI Palomino.
Mahigpit
na
ipinagbabawal ng RA 9003 ang
paggamit ng plastic, partikular
ay plastic, labo, linaw at sando
bag, pagtatapon ng mga basura
sa kanal, ilog, dagat at iba
pang lugar na hindi itinakdang
tapunan, pagpapatupad ng waste
segregation, recycling at paggamit
ng reusable products.
Sumang-ayon ang mga
establishments sa paggamit ng
re-sealable plastics (zip lock) na
maaring ilang ulit na gamitin,
reusable containers para sa mga
take-out na pagkain, paper cups
sa halip na plastic cups para sa
mga liquid products, kagaya ng
kape, frappe’, juice, palamig at
iba, eco-bags o malalaking supot
para sa mga laundry shops na
maaring sariling dala ng customers
o bibilhin nila sa shops.
Napagkasunduan rin na
maari gamitin ang plastik para
sa display at taguan lamang ng
mga panindang damit, sa halip ay
ilalagay ito sa supot o store bag
kung bibilhin ng customer. Walang
plastic na dapat ilalabas ang mga
boutique. Ang plastic ay iipunin ng
boutique at ibabalik sa supplier ng
produkto. (PIO Batangas City)
CHO
magsasagawa
muli ng blood donation
campaign
blood donation ng Batangas City Health Office (CHO)
MAGKAKAROON
ng
blood
donation project ang Batangas City
Health Office (CHO) sa September
10, mula ika-8:00 ng umaga sa
Pallocan West covered court.
Inaasahan na pangunahing
magbibigay ng dugo ang mga
residente ng mga barangay na
kabilang sa Rural Health Unit 6
kagaya ng: Pallocan West, Pallocan
East, Sampaga, Tulo, Paharang East,
Paharang West, Bilogo, Maapaz,
Sico, Gulod Labac, Gulod Itaas,
Mahacot East, Mahacot West,
Catandala, Dalig, San Pedro at
Dumantay.
Inaasahan
din
ang
pakikiisa ng lahat ng taga-lungsod
sa proyektong ito ng Department of
Health na binibigyang prayoridad ng
CHO.
Noong nakaraang taon ay
ginawaran ng award ang ang Batangas
City bilang Most Outstanding City
in the Province of Batangas dahil
sa mahusay na implementasyon ng
CHO ng mga programa at proyekto
na naayon sa Republic Act 7719 o
ang National Blood Service Act of
1994.
Layunin ng CHO na
magkaroon ng sapat na supply ng
dugo sa lungsod upang makatulong sa
pagliligtas ng buhay. (PIO Batangas
City)