BALITA
Konsehal Serge Atienza, chairman ng Committe on Appropriations
Dating Mayor Eddie Dimacuha
at iba pa pinarangalan sa 12th
anniversary ng CLB
October 31-November 6, 2018
P2B proposed budget ng
Batangas City for 2019
inaprubahan ng SP
INAPRUBAHAN ng Sangguniang
Panglungsod, October 17, ang P2
billion- Proposed Annual Budget
(Local Expenditure Program) of
the City Government of Batangas
for Calendar Year 2019. May
pinakamalaking budget ang Office
of the Mayor na nakakuha ng
P823.5 million para sa personnel
services, maintenance and other
operating expenses, capital outlay,
financial expense at program
projects. May 13 na divisions sa
Office of the Mayor. Ang sunod
na may pinakamataas na budget
ay ang City Health Office-P142.2
million, Office of the General
Services-P93.4 million, Office of the
City Engineer-P91million at Office
of the Sangguniang Panlungsod-P72
million.
Nakasaad rin dito ang
Special
Purpose
Appropriation
kung saan nakalagay ang subsidies
sa national government at non
government organizations/people’s
organizations; aid sa barangay,Boy
Scout at Liga ng Barangay;
loans/interest
payable,
Gender
Development P:rogram, LDRRMF
at 20% Development Fund na may
kabuuang budget na P444.2 million.
Proposed...
Binigyan ng award ang mga naging miyembro ng Committee on Creation and Establishment of Colegio ng Lungsod ng Batangas na pinamunuan nina
Atty. Narciso Macarandang bilang chairman at Atty. Teodulfo Deguito, vice-chairman nito, kabilang ang mga miyembro na sina Atty. Victor Reginald
Dimacuha, Dr. Rosanna Barrion, Engr. Januario Godoy, Dr. Angelito Bagui, Atty. Edelwina Sabido, Idel Perez, Leticia Chua, Manolo Perlada, Ma. Elena
Boongaling. Iginawad ang Posthumous award kina Benjamin Pargas at Luz Amparo.
PINARANGALAN ng Colegio
ng Lungsod ng Batangas (CLB)
si Mayor Eddie B. Dimacuha at
ang lahat ng nakatulong niya sa
pagtatatag ng CLB noong 2006
sa isang Gala and Awards Night
noong October 23, sa Convention
Center. Ito ay bahagi pa rin
ng 12th founding anniversary
celebration ng kolehiyo.
Binigyan ng award
ang mga naging miyembro
ng Committee on Creation
and Establishment of Colegio
ng Lungsod ng Batangas na
pinamunuan nina Atty. Narciso
Macarandang bilang chairman
at Atty. Teodulfo Deguito, vice-
chairman nito, kabilang ang
mga miyembro na sina Atty.
Victor Reginald Dimacuha, Dr.
Rosanna Barrion, Engr. Januario
Godoy, Dr. Angelito Bagui, Atty.
Edelwina Sabido, Idel Perez,
Leticia Chua, Manolo Perlada,
Ma. Elena Boongaling. Iginawad
ang Posthumous award kina
Benjamin Pargas at Luz Amparo.
Ang iba pang mga
awardees ay ang mga naging
kasapi ng 2006 Board of Trustees
na pinamunuan ni dating
Mayor Eddie Dimacuha bilang
chairman at ang 2006 College
Officers kung saan naging
College Administrator si Atty.
Deguito; College Secretary, Luz
Amparo; Dean of Instruction,
Dr. Lito Bagui; Program Head
for Commerce, Maria Elena
Boonggaling; Program Head for
Education Dr. Feliciana Adarlo
at ICT Program Head, Manolo
Perlada.
Binigyang pagkilala rin
ang mga 2006 city government
officials kabilang na ang mga
miyembro
ng
Sangguniang
Panlungsod na siyang nag
apruba ng pagtatag ng CLB.
Kapwa ginawaran ng award
sina Cong. Marvey Mariño na
naging chairman ng Committee
on Education ng Sangguniang
Panlungsod noong 2007-2012 at
Coun. Alyssa Cruz simula 2013
hanggang kasalukuyan.
Kinilala rin ang mga
guro at non-teaching personnel
na naglilingkod sa CLB ng 10 at
higit pang taon.
Iginawad naman kay
Mayor Eddie Dimacuha ang
CLB Founding Father award na
tinanggap nina Mayor Beverley
Dimacuha, Cong. Marvey Mariño
at Atty. RD Dimacuha.
Nagpasalamat si Mayor
Beverley Dimacuha sa mga
nakatulong ni dating Mayor
Eddie Dimacuha sa pagbuo ng
CLB, mga naging opisyal nito
at kasalukuyang pamunuan, sa
patuloy na pagtulong sa pagtupad
ng pangarap ng kanilang ama, at
pangarap rin ng mga estudyante
na makapagtapos at magkaroon
ng magandang buhay. “Nawa
po’y patuloy na gabayan ninyo
ang mga mag-aaral upang
maging kapaki pakinabang na
mamamayan ng lungsod at ng
bayang ito,” hiling ni Mayor
Dimacuha sa pamunuan at mga
guro ng CLB. (PIO Batangas
City)
Alyssa Atienza-Cruz, chairman ng
Committee on Laws, Rules and
Regulations, ang nasabing ordinansa
ay isang “mahalagang bahagi upang
maging isang reyalisasyon ang Clean
Water Act at isa ito sa hinihingi ng
batas upang maisakatuparan ang
mithiing magkaroon ng malinis na
tubig ang ating bansa. Nakasaad din
sa nasabing batas na dapat sa taong
2020, lahat ng local government
units ay mayroon nang septage
management systems.”
Ilan sa probisyon ng
ordinansa ay ang pagkakaroon ng
mandatory na paglilinis ng mga poso
negro o septic tanks ng bawat bahay
at establisimiento. Kailangan ding
magsagawa ng pagsasaayos ng mga
poso negro.
Ayon kay Lala Fabella,
Waste Water Treatment Program
officer-in-charge ng Prime Water
na siyang nangangasiwa ngayon ng
water services sa lungsod kasunod
ng isang kasunduan sa Batangas City
Water District, nakasaad sa batas
na dapat baguhin na ang lumang
istraktura ng mga septic tanks, ang
tinatawag na earth and pit. Ito ay
ang nakagisnang hukay na walang
dingding at flooring.
“Ang bagong disenyo
ng septic tank ay magkakaroon
ng dalawang chambers kung saan
selyado ang bawat dingding maging
ang sahig nito. Sa isang chamber,
iipunin ang mga solid wastes
samantalang sa kabilang chamber
naman dadaloy ang clarified water
na maaaring dumiretso sa ating mga
kanal. Sa 2-chamber design na ito,
madaling masisipsip ng ating mga
truck ang mga dumi upang dalhin
sa ating itatayong septage treatment
plant. Dito, ang mga dumi ay lilinisin
at pag malinis na, ito ay padadaluyin
na sa ating mga sapa,” sabi ni Fabella.
“Kung hindi po natin
gagawin ang improvement sa ating
mga septic tanks, at mananatili tayo
sa earth and pit system, didiretso ang
Sinabi ni Konsehal Serge
Atienza, chairman ng Committe
on Appropriations, na maituturing
na “historic” ang pagkakapasa ng
naturang ordinansa sapagkat halos
isang aaraw at kalahati lamang nila
ito tinalakay sa committee hearing.
Kumpleto rin aniya ang mga konsehal
at mga ahensiyang may kinalaman sa
annual budget.
“Masasabi
ko
pong
efficient ang ating annual budget
sapagkat bukod sa kumpleto ang
mga konsehales at department
heads, naging napakabilis ng naging
proseso. Wala ring grand standing
na nangyari sapagkat lahat ng mga
naging katanungan at suhestyon ay
para sa ikagaganda ng ordinansa. Ito
po ang resulta kung iisa ang layunin
ng bawat isa, ang mapaganda ang
serbisyo para sa mga mamamayan ng
Batangas,” sabi niya.
Ayon pa rin kay Atienza,
naipaliwanag ng maayos at malinaw
ng mga concerned offices at
departments ang tungkol sa annual
budget. Kumpleto rin ang mga
dokumento at records na kanilang
isinumite bago pa man ang hearing.
(PIO Batangas City
mula sa pahina 1
mga dumi sa mga aquifer kung saan
dito natin kinukuha ang ating mga
tubig-inumin,” dagdag pa ni Fabella.
Ipinaliwanag din niya na
ang Septage Management Program ng
lungsod ay may tatlong components.
Una ay ang regular desludging o
pagpapahigop ng isang beses kada
limang taon upang malinis ang mga
poso negro. Ikalawa ang pagpapatayo
ng septage treatment plant at ang
huli ay ang proper disposal ng mga
outflow.
Pinuna naman ni City
Administrator Narciso Macarandang
ang mabigat na penalty ng ordinansa
sa mga lalabag kung saan ang multa
ay mula P 1,000 hanggang P5,000
kasama ang community service.
Iminungkahi niya na pag-aralan
munang maige ang ordinansa bago
ito ipasa.
“Ang nakakuha talaga ng
aking pansin ay ang nakalagay sa
ordinansa na maaari tayong idemanda
kung hindi tayo maka-comply sa
pagbabago ng design ng septic tanks.
Napaka-higpit nito kumpara sa ibang
septage management ordinances na
nabasa ko sa ibang lugar,” sabi niya.
Itinanong naman ng ilang
mga barangay captains ang tungkol
sa paraan ng pagbabayad para sa
pagpapasipsip ng poso negro.
Sagot ni Fabella na “ito po
ay babayaran ng instalment at isasama
sa water bill ng ating consumers
buwan-buwan. Pumapatak po ito sa
P3.92 per cubic metre o P78 kada
buwan sa limang taon. Malaking
mura po ito kumpara sa mga private
services na nagkakahalaga ng
P6,000-P7,000 per service.
Samantala,
may
nagkomento sa mabagal na serbisyo
ng tubig lalo na sa ilang parte ng
lungsod. Sinigurado naman ng
mga kinatawan ng Prime Water na
tututukan nila ang mga reklamong
ito upang maging mas maayos ang
kanilang serbisyo.(PIO Batangas
City)