Tambuling Batangas Publication October 31-November 06, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
The Do’s and Don’ts when in Boracay... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
P2B proposed budget ng
Batangas City for 2019
inaprubahan ng SP p. 2
DENR-BMB holds
consultations on IP-based
biodiversity policies p. 5
20 scholars sasanayin ng DICT
sa online job p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 45
October 31-November 6, 2018
P6.00
Mga estudyante nagpakita ng
livelihood skills sa Technolympics 2018
IDINAOS ang Technolympics 2018
sa ikatlong pagkakataon sa Batangas
National High School, October 16,
kung saan nagtagisan ng galing ang
mga lumahok na estudyante mula sa
pampubliko at pribadong paaralan sa
iba’t ibang livelihood skills.
Ayon
kay
Maritess
Manalo, teacher 2 sa BANAHIS at
tumatayong pangulo ng samahan,
layunin ng Technolympics na mahasa
sa ibat-ibang kasanayan o skills
ang mga kabataan upang maging
produktibong mamamayan.
Kabilang sa competition
ang dish gardening at Tshirt printing
para sa grade 5 at 6 students, food
production (meat, fish at vegetables),
bread and pastry production at
dressmaking para sa mga Junior at
Senior HS students at mga mag-aaral
sa Alternative Learning System at
Special Education..
Ang magwawagi dito
ay ilalaban sa regional level na
gaganapin sa November 7-10 sa
Laguna. Lubos ang pasasalamat
ng grupo sa pamahalaang lungsod
sa suportang ipinagkakaloob nito
partikular ang lahat ng kagamitan na
kailangan sa kompetisyon.
Hangad ng grupo na higit
pang mapalago ang kakayanan
at kakayahan ng mga mag-aaral
sa paggamit ng teknolohiya at
paggawa ng mga makabagong bagay
(technology and innovation).
Plano nila na magsagawa
ng mga seminar at pagsasanay upang
mabigyan ang mga guro ng National
Certificate II.
Samantala, pinangunahan
ni Mayor Beverley Rose Dimacuha
ang pormal na panunumpa sa
tungkulin
ng
mga
opisyales
ng
Edukasyong
Pantahan
at
Pangkabuhayan
/Technology
Livelihood
Education
Division
Organization sa BANAHIS. (PIO
Batangas City)
Proposed ordinance sa
septage management
tinalakay sa public hearing
TINALAKAY sa public hearing
ng
Sangguniang
Panglungsod,
October 22, ang panukalang “The
Batangas City Septage Management
Ordinance” na inakda ni Konsehal
Nestor Boy Dimacuha bilang
pagtupad sa ipinaguutos ng Republic
Act 9275 o Philippine Clean Water
Act.
Dumalo rito sina City
Administrator Narciso Macarandang,
City
Legal
Officer
Teodulfo
Deguito, mga kinatawan ng Prime
Water Corporation, Batangas City
Water District (BCWD), Provincial
Environment and Natural Resources
Office (PGENRO), City Environment
and Natural Office (CENRO) at
kinatawan ng City Engineer’s Office.
Narito rin ang mga barangay officials,
mga estudyante at kinatawan ng
paaralan at iba pang sektor.
Ayon
kay
Councilor
Sundan sa pahina 2..
Technolympics 2018 sa ikatlong pagkakataon sa Batangas National High School
Mga kababaihan sa barangay
nagseminar sa cancer awareness
BATANGAS CITY- Kaugnay ng
observance ng Cancer Awareness
Month ngayong Oktubre, dumalo sa
Breast-Cervical Cancer Awareness
and Screening Seminar ang mga
kababaihan sa cluster 1 at 2 ng
Poblacion, na binubuo ng 11
barangay.
Layunin ng seminar na ito na
itinaguyod ni Mayor Beverley
Rose Dimacuha at sa pangangasiwa
ng Kalipunan ng LIping Pilipina
(KALIPI) na mabigyan ng kaalaman
ang mga kababaihan kung ano ang
mga sintomas ng breast cancer at
kung papaano ito maiiwasan.
Sa datos ng City Health Office
(CHO), ang lahat ng klase ng cancer
ang isa sa mga nangungunang dahilan
ng kamatayan sa lungsod.
Ayon kay Dr. Liza Gonzales ng
CHO, bagamat ang bukol ang isa sa
mga sintomas ng cancer, maliit na
porsiyento lamang ng mga bukol ang
nagiging breast cancer. Ngunit kung
may madiskubreng bukol, agad itong
ipatingin sa duktor sapagkat ang
tagumpay sa paggamot ng cancer ay
nakasalalay sa maagang diagnosis.
Sinabi naman ni Lucia Rosuello,
Nurse II ng CHO ang hindi pag-
eehersisyo, pag-inom ng alak,
pagiging overweight , pag-inom
ng partikular na klase ng oral
contraceptive na pills, ang unang
pagbubuntis sa edad na 30 pataas
ay ilan lamang sa mga bagay na
nakakataas ng risk ng pagkakaroon
ng breast cancer. Paalala pa rin ng
CHO na gawin kada buwan ang
breast self-examination isang lingo
matapos ang buwanang dalaw.
Kailangan kumunsulta kaagad sa
doktor kung may bukol sa suso. (PIO
Batangas City)
Financial Assistance ibinigay sa
Mahihirap na Senior Citizen
May 2,494 higit na nangangailangang senior citizens ang tumanggap ng kanilang unconditional cash transfer (UCT) na P2,400 mula
sa Department of Social Welfare & Development Office
BATANGAS CITY- May 2,494
higit
na
nangangailangang
senior citizens ang tumanggap
ng kanilang unconditional cash
transfer (UCT) na P2,400 mula
sa Department of Social Welfare
& Development Office kasunod
ng pagtaas ng bilihin bunsod ng
Tax Reform for Acceleration and
Inclusion (TRAIN) law.
Saklaw nitong UCT ang
mga mahihirap na pamilyang
hindi makasabay sa pagtaas ng
presyo ng mga bilihin dahil sa
TRAIN. Nasa 200 kada buwan
ang ayudang itinakda ng batas
pero nagdesisyon ang DSWD na
ibigay na ang pang-buong taong
ayuda na P2,400.
Ang pamamahagi ay
isinagawa sa Batangas City
Coliseum noong October 16-
17 kung saan kasama ng mga
senior citizen beneficiaries ang
mga Pantawid Pamilya Pilipino
Program (4 Ps) grantees.
Ayon
kay
Mila
Española, hepe ng City Social
Welfare and Development Office,
“hindi naman po ito malaking
halaga pero malaking tulong
din ito sa pang araw-araw na
pangangailangan.”
Sinabi pa niya na ito ay
isang “safety net” o proteksiyon
para sa mga mahihirap upang
matulungan silang makahabol sa
Sundan sa pahina 3..