Tambuling Batangas Publication October 03-09, 2018 Issue | Page 2

BALITA Marlen Marasigan na nanalong national champion sa Batang Pinoy 2018 Mountain Bike Challenge sa Baguio City Division Sports Competition binuksan na BATANGAS CITY- Pormal na binuksan ng Department of Education, Region IV-A Calabarzon Batangas City Division ang limang araw na Division Sports Competition 2018 na nilahukan ng mga public at private elementary at secondary schools sa Batangas City Coliseum ngayong Lunes, September 24. Sa pagsisimula ng programa, nagkaroon ng entrance ng mga athletes, coaches, school officials at iba pang participants mula sa sports oval football field papunta sa loob ng coliseum. Sinabi ni Dr. Donato G. Bueno, OIC Schools Division Superintendent, Division of Batangas City na kada taon ay isinasagawa ang event na ito upang piliin ang mga excellent athletes na sasanayin at ilalaban sa regional at national sports competition kasama na dito ang Palarong Pambansa. Sina Jake Ellis Evangelista at Antonio Miguel Pascual, 2018 Palarong Pambansa athletes, ang nanguna sa Lighting of the Games Urn. Si Lilian Margaret Ebora ang nagbigkas ng Athletes Oath of Amateurism habang pinangunahan naman ni Nicolas Asi, education program supervisor I MAPEH ang Oath of Conduct for Officiating Officials. Ang Raising of Units Flag ay pinangunahan ng Distric Cluster Head, district sports coordinator. Nagbigay din ng special number ang SPED athletes habang ang BNHS School for the Arts students ay nagtanghal ng modern dance. Nanguna ang sports coordinatos ng elementary at secondary athletes sa Unity Dance na 2018 Campus Wellness Dancercise na ginaya naman ng mga manlalaro. (PIO Batangas City) October 3-9 2018 Mountain bike champion pinarangalan BINIGYAN ng Gawad Pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Batangas si Marlen Marasigan na nanalong national champion sa Batang Pinoy 2018 Mountain Bike Challenge sa Baguio City noong September 15-21 sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission. Siya ay 15 taong gulang at grade 9 student ng Westmead Academy of Science and Technology Foundation Inc. Nakakuha siya ng gold medal sa Mountain Bike Cross Country Olympic at isa pang gold sa Mountain Bike Downhill category. May 152 local government units (LGUs) ang lumahok dito kung saan si Marasigan lamang ang tanging kinatawan ng lungsod na naging pampito sa mga LGUs na nakakuha ng medals. Ayon sa ama ni Marlen na si Aldrin Marasigan na nagsilbing coach niya sa contest, bata pa lamang ang kanyang anak ay kasa kasama na niya ito sa pagba bike. Hindi lamang ito nagsilbing bonding time sa mag-ama kundi naging daan upang madevelop ang galing at pagmamahal ni Marlen sa biking. PIO Batangas City Rehabilitation... mula sa pahina 1 nito na i-transform ang ilog at ang mga baybayin nito na maging isang tourist attraction. Magagawa natin ito kung lahat tayo ay seryoso at magtutulungan sa muling paglilinis ng Calumpang River,” sabi niya. Ayon pa kay Godoy, isa sa tinitingnan na paraan upang malinis ang ilog ay ang pagsasagawa ng dredging kung kaya’t “nakatakdang bumili ang city government ng dredging equipment upang makapag- dredge sa barangay Wawa at Malitam.” Ikinatuwa naman ito ng miyembro ng konseho. “Sana ma-isama sa pagpaplano ang mga munisipalidad na dinadaanan ng ilog. Alam naman natin na hindi lamang tayo ang may hurisdiksyon dito, kailangan na pare-pareho tayo ng objective upang mabilis nating maisalba ang Calumpang River,” sabi ni Konsehal Nestor Boy Dimacuha. Agad namang sinang- ayunan ito ni Godoy. “Opo, yan nga po ang ating nais iparating sa mga kababayan natin. In fact, magtatayo po tayo ng waste water treatment facility para sa mga livestock wastes sa Tinga Itaas Recreational... Division Sports Competition 2018 sa Batangas City Coliseum Segregated collection ng basura sisimulan sa October 1 Simula October 1, 2018, dalawang magkahiwalay na trak na ang hahakot ng nakabukod na basurang nabubulok at di nabubulok kung kayat pinapayuhan ang lahat ng bahayan sa 65 barangay na kinokolektahan ng hauler ng pamahalaang lungsod na ibukod na ang kanilang mga basura. Ito ay alinsunod sa pinaigting na pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nagkaroon ng pagpupulong ang Batangas City Solid Waste Management Board (SWMB) at ang mga officials ng 65 barangay na hinahakutan ng basura noong September 24 sa Teachers Conference Center kung saan napagkasunduan na magiging segregated na o nakabukod ang basurang hahakutin simula October 1. Ang CSWMB ay kinatawan ng chairperson ng Technical Working Committee nito at General Services Officer, Joyce Cantre at City Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Oliver Gonzales, kung saan hiniling nila ang kooperasyon ng mga opisyal para maipatupad ang waste segregation sa kani-kanilang barangay. Ilan sa napagkasunduan sa pagpupulong ay magkakaroon ng dalawang magkahiwalay na trak na hahakot ng basurang na bubulok at di nabubulok sa iskedyul ng hakot nito sa bawat barangay, magtatalaga ang punong barangay ng tatlo o higit pang opisyal ng barangay (kagawad o barangay tanod) na siyang magmomonitor at lalagda ng katunayan ay maayos na nahakot ang magkabukod na basura sa takdang iskedyul. Sakaling maaantala ang paggdaan ng trak dapat ito ay maipagbigay alam kaagad sa mga pinuno ng barangay. Muling ipinamahagi ng CSWMB at CENRO ang kopya ng iskedyul ng hakot ng basura sa bawat barangay. (PIO Batangas City karagdagang 10,000 mga tao mula sa nearby barangays na dumadaan sa lugar na ito araw- araw,” sabi ni Palas. Ayon kay City Planning and Development Officer Januario Godoy, hindi maapektuhan ang mga residente partikular ang mga informal settlers sa Sitio Ferry sapagkat ang Esplanade project ay ilang metro ang layo sa residencial area. Binuksan din ang ilang concerns kagaya ng mga rampa para sa mga Persons With Disabilities (PWDs) at mga parking space para sa mga nagbibisikleta. Humingi naman ng kasiguruhan si Konsehal Serge Atienza, acting chairman ng bilang pilot barangay kasunod ang Tinga Labac, Soro-soro, at mga katabing barangay. Sana sa initiative nating ito, sumunod ang mga karatig-bayan natin dahil contributor din naman sila sa pagdudumi ng ilog,” dagdag pa ni Godoy. Bukod sa mga inisyatibong ito, ilan pa sa mga proyektong nakasaad sa AIP ay ang pagtatayo ng City Waste Water Treatment and Management Project at Development of Constructed Wetlands for Waste Water Treatment. Bukod kay Godoy, dumalo rin sa committee hearing ang mga miyembro ng Local Finance Board na sina City Budget Officer Beth Delos Reyes, City Treasurer Nila Olivario, City Accountatnt Sheryl Bool, Arch. Gerry Palas at Engr. Dwight Arellano ng CEO. Bukod kay Vice Mayor Jun Berberabe, dumalo sina Councilors Serge Atienza, Gerry Dela Roca, Ayleen Montalbo, Mando Lazarte, Oliver Macatangay, Hamilton Blanco, Julian Villena, Boy Dimacuha, Glen Aldover at SK Federation President Marjorie Manalo.(PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Committee on Laws, Rules and Regulations, sa paglalagay ng commercial space para sa mga nagnanais magbukas ng negosyo sa lugar. “Dapat nating masiguro na mayroong espasyo para sa mga commercial establishments. Isa ito sa mag-ge-generate ng malaking income at negosyo sa ating mga kababayan ” sabi pa ni Atienza. Samantala, ipinabatid ni Engr. Godoy sa naturang committee hearing na may nakalatag na ring mga programa ang pamahalaang lungsod para sa rehabilitasyon ng Calumpang River na nagiging daluyan ng dumi buhat sa mga livestock sa lungsod at karatig bayan. (PIO Batangas City)