Tambuling Batangas Publication October 03-09, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Vegans versus butchers... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Mountain bike champion
pinarangalan p. 2
My Top 10 Favorite
Underrated Songs of
Taylor Swift p. 5
Barangay at SK officials
sumailalim ng orientation
seminar sa mga health
programs p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 41
October 3-9, 2018
P6.00
Iba’t ibang sektor lumahok sa International
Coastal Clean-up
NAKIISA ang lungsod ng Batangas
sa
isinagawang
International
Coastal Clean-Up noong September
22, na pinangunahan ng National
Youth Commission (NYC) at City
Environment and Natural Resources
Office (CENRO) katuwang ang City
Social Welfare and Development
Office (CSWDO). Ito ay may temang
“Building a Clean Swell for Future
Generations.”
Layunin nito na linisin
ang mga dalampasigan at karagatan,
at mahikayat ang mga mamayan na
iwasan ang pagtatapon ng anumang
uri ng basura sa mga baybayin,
dagat, ilog, sapa at iba pa. Gayundin
ay maitaas amg kamalayan ng mga
mamamayan sa pangangalaga ng
kalikasan.
Naging prayoridad na
linisin sa lungsod ay ang baybayin
at karagatan sa barangay Cuta,
Wawa at Malitam, kung saan
pinangunahan ng mga barangay at
Sangguniang Kabataan (SK) officials
ang paglilinis dito. Nakatulong nila
ang mga empleyado at volunteers ng
NYC, mga kawani ng pamahalaang
lungsod, mga estudyante, ROTC
students at senior officers at mga
civic organizations.
Nakiisa rin ang mga
malalaking industriya sa lungsod
kagaya ng Pilipinas Shell na naglinis
sa kanilang nasasakop na baybaying
dagat at paligid ng kanilang planta.
Nakatulong nila dito ang Rotary Club
of Batangas.
Ang
iba
namang
commercial establishments, mga
institusyon at organisasyon ay
nagsagawa ng paglilinis sa loob at
paligid ng kanilang establisimento.
Ang mga residente ng mga
barangay sa Poblacion ay naglinis ng
mga kanal at estero. (PIO Batangas
City)
Rehabilitasyon ng
Calumpang River
nakaplano na
NAKAPALOOB sa Annual
Investment Program for 2019 ang
total rehabilitation ng Calumpang
River na patuloy na nasisira ng
polusyon dulot ng dumi buhat
sa mga piggeries sa lungsod at
karatig na munisipalidad.
Ito ang pahayag ni
City Planning and Development
Coordinator Januario Godoy sa
isinagawang joint committee
hearing ng Committee on
Laws, Rules and Regulations at
Committee on Engineering and
Public Works ng Sangguniang
Panlungsod noong September 24
para sa pag-apruba ng proposed
Annual Investment Plan for 2019.
Ayon kay Godoy, kung
sakaling
maaprubahan
ang
naturang AIP na nagkakahalaga
ng humigit-kumulang sa P13.5
bilyon, may nakalaang pondo
para sa total rehabilitation ng
Calumpang River.
“Ilan sa mga nakalatag
na programa dito ay ang
Calumpang River Eco-Tourism
Development Project. Layunin
Sundan sa pahina 1..
National Youth Commission (NYC) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang City Social Welfare and Development
Office (CSWDO)
Recreational area itatayo sa tabi ng
Calumpang
ISANG esplanade kung saan
pwedeng mamasyal at mag relax
ang mga tao ang pinaplanong
itayo sa tabi ng Calumpang
River, sa Sitio Ferry Kumintang
Ibaba, isang proyekto na
inaasahang magpapalago sa
turismo ng Batangas City.
Ito ay ang proposed
Batangas City Esplanade Project
na inendorso ng Sangguniang
Panglungsod sa pamamagitan
ng resolusyon noong September
25 sa Department of Budget
and Management (DBM) para
mapondohan at maisakatuparan
ang
naturang
proyekto.
Inaasahan itong masisimulan
sa isang taon. Ang pondo na
manggagaling sa DBM ay mula
sa share ng lungsod para sa
Local Government Support Fund
Assistance to the Cities(LGSF-
AC) in the FY 2018 General
Appropriations Act or R.A. No.
10964 for the Development of
City’s Open Spaces.
Ayon sa resolusyon,
ang Batangas City Esplanade ay
magbibigay ng isang magandang
recreational avenue para sa mga
mamamayan. Layunin din ng
proyekto na ma-maximize ang
mga ‘open spaces’ sa lungsod
upang hindi magsilbing ‘eyesore’
at mas mapakinabangan ng mga
tao.
Sa
isinagawang
committee
hearing
noong
September 24, inihayag ni Arch.
Gerry Palas ng City Engineer’s
Office ang ilan sa specifications
ng naturang plano.
Aniya, ilan sa disenyo
nito ay ang riprap na may murals,
extended balcony, seating areas
with overlooking river view,
paved two-way jogging lane,
planting strip, two-way bicycle
lane, proposed amphitheater,
paved open spaces, at mga
commercial lots.
“Ang ini-expect po
natin dito ay ang karagdagang
boost sa ating turismo. Sa ating
datos, 20,000 pong mga residente
mula sa 10 barangays na malapit
sa area ang makikinabang
dito. Hindi pa po kasama ang
Sundan sa pahina 2..
Batangas City AIP
inaprubahan ng
konseho
Committee of the Whole sa pangunguna ng joint Committe on Laws, Rules and Regulations at Committee on Engineering and Public
Works
ISANG resolusyon na nag-
aapruba sa proposed P13.4
billion Batangas City Annual
Investment Program (AIP) for
2019 ang ipinasa ng Sangguninag
Panglungsod noong September
25 sa lingguhang sesyon nito.
Ang resolusyon na
inilatag ng Committee of the
Whole sa pangunguna ng joint
Committe on Laws, Rules and
Regulations at Committee on
Engineering and Public Works
ay may pamagat na “Approving
the Batangas City Annual
Investment Program (AIP) for
FY 2019 Which Includes the
Programs, Projects and Activities
to be Funded by the General
Fund, the 20% Development
Fund, the City Disaster Risk
Reduction Management Fund,
the Gender and Development
Fund, the Special Education Fund
and other External Sources”.
Ayon sa resolusyon,
nakasaad sa AIP ang mga priority
programs, projects at activities
na nakatuon sa magiging
kinabukasan ng lungsod lalo
na larangan ng infrastructure,
Sundan sa pahina 2..