Tambuling Batangas Publication May 16-22, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Mayo 16-22, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Are peaceful polls possible? DO Filipinos take elections seriously—no, make that too seriously—that they are willing to kill and maim just so they can get their candidates to win? Consider, for instance, the forthcoming barangay and Sangguniang Kabatataan (SK) elections where, according to the latest count of the Philippine National Police (PNP), 21 people have been killed in 16 suspected poll-related violent incidents. From April 14 to 29, nine people were killed in 12 incidents which are believed to have been triggered by intense political rivalry in different parts of the country. From April 30 to May 6, a total of 12 more people were killed in suspected election-related incidents. The PNP has therefore ordered all territorial units to heighten security measures in their respective areas of responsibility to prevent election-related violent incidents. The Department of the Interior and Local Government, for its part, has ordered the PNP to intensify the conduct of regular checkpoints and other security measures in all election hotspots. The PNP is monitoring 5,744 barangays nationwide where intense rivalry among candidates, a history of election-related violence, and private armed groups are present. This is a correct move to prevent any escalation of poll- related violence. Free, orderly, honest, peaceful and credible elections are a hallmark of a truly democratic system. On the other hand, attempts to influence the outcome of elections through intimidation, violence and vote-buying can only mean one thing: our people have yet to reach a level of political maturity that would allow them to make informed choices. Ni Teo S. Marasigan Isang Bilyong Pisong Dagdag sa Pondo SA kulturang Pilipino, kinakatawan ng magulong buhok ang problema sa utak o masamang budhi ng isang tao, o pareho. Ang baliw, mangkukulam, aswang, sira-ulong mamamatay-tao, at maging ang bagong gising na hindi dapat biruin, ay kadalasang inilalarawang mayroong magugulong buhok. Kaya naman angkop na angkop ang itsura ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa telebisyon noong isang araw. Sa Isabela, idineklara niya ang pagbibigay ng isang bilyong piso (P1 B) sa paglaban ng gobyerno at Armed Forces of the Philippines sa rebeldeng New People’s Army. Aniya, gagamitin ang pondong ito sa pagbili ng mga helicopter at iba pang armas-militar para durugin ang NPA. Masyadong mahaba, aniya, ang naunang inanunsyong target ng gobyerno sa pagdurog sa NPA na sampung (10) taon. Kaya raw durugin ng gobyerno ang NPA sa loob lamang ng dalawang (2) taon – ibig sabihin, hanggang sa tinatanaw niyang katapusan ng kanyang termino sa 2010. Sa midya sa mga sumunod na araw, kinilala ang pahayag ni Arroyo bilang deklarasyon ng todong gera (all-out war) laban sa mga rebelde. Palaban ang mga salita sa pagtatalumpati ng pangulong magulo ang buhok. Sumuporta, syempre, si Presidential Management Staff Secretary Michael “Mike” Defensor. Katulad ni Arroyo, tiwala siyang kayang durugin ang NPA sa loob ng apat (4) na taon. Pero magagawa raw ito hindi lamang sa pamamagitan ng mga opensibang militar. Kailangan din, aniya, ang pagbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan sa mga komunidad sa kanayunan na kinikilusan ng NPA. Kailangan niyang sabihin ito – at balansehin ang purong militaristang hakbanging sinabi ni Arroyo – dahil puhunan niya sa paghahanap ng mga posisyon sa gobyerno ang pagiging dating aktibista niya. Ito ang naging tuntungan niya sa pagpuna sa aksyong protestang ginawa nina Ma. Theresa Pangilinan kamakailan. Aniya, mas may paggalang sila noong mga aktibista sila. Na nagpapaalala ng sinabi ni Prop. Luis V. Teodoro hinggil sa kanya: Nagsisinungaling siya o hindi niya alam ang kilusang sinalihan niya. Maagap ang mga tugon at tuligsa sa pahayag at patakarang ito ng rehimeng Arroyo. Ayon sa pananaliksik, 40% ng pondo ng gobyerno ang napupunta lamang taun-taon sa kurakot – pangunahin, tiyak, ang matataas na opisyal ng burukrasyang sibil at militar. Kaya makabuluhang basahin ang paglalagak ng P1 B sa militar bilang pagpapalaki ng kurakot ng mga opisyal sa larangang ito ng gobyerno, o ng kurakot na makukuha sa mga pamamaraang narito. Kahirapan, pagsasamantala, pang-aapi at pagkabusabos ng nakakarami sa ating mga kababayan ang matabang lupa para sa rebelyon ng mga NPA. Kaya naman ipinapakita ng kasaysayan na kinaya nitong mabuhay, at lumago pa nga, sa ilalim ng mas mapanupil na rehimen ni Marcos, halimbawa. Kaya rin naman nakakabahala – at nakakagalit – na militarista at patay-kung- patay ang solusyong ihinahain ng ekonomistang pangulo ng bansa. Bagamat tiyak na bahagi ang pahayag-patakarang ito ng matagalang plano ng gobyerno para labanan at supilin ang rebolusyunaryong kilusan sa bansa – kasama, tiyak, ng pagpatay sa mga aktibista sa mga ligal na organisasyon – sa balangkas ng paglaban sa “terorismo”, may partikular na gamit dito ang rehimeng Arroyo. Iyan ay ang pahinain ang kilusan para patalsikin si Arroyo sa pwesto. Mangyari, pinatunayan na ng kasaysayan na ang Kaliwa ang matatag at masigasig sa pangunguna sa pagpapatalsik kina Marcos at Estrada – bagamat nawala sa eksena sa dulo ng pagpapatalsik sa una. Simula pa lamang ng pananalasa ng mga rehimeng ito ay nagpoprotesta na ang Kaliwa. Sa patuloy na pagkalantad ng mga kabulukan ng mga rehimeng ito, nahikayat at nahatak nito ang iba pang pwersang pampulitika na sumuong sa mas matapang na paglaban sa mga rehimeng ito hanggang napatalsik. Pinakamatatag at pinakamasigasig na pwersa sa malapad na nagkakaisang prenteng kontra-Arroyo ang Kaliwa. At ang ganitong taktika ng pag-atake sa Kaliwa ay angkop sa isang pagtaya sa sitwasyong nagsasabing nasa pinakamahinang antas ngayon ang nasabing malapad na nagkakaisang prente. Ibig sabihin, sa pagbasa at pagtaya ng rehimen, mahina – at, sa harap ng halalan sa 2007 na hihigop ng mga pulitiko pabalik kay Arroyo, papahina – ang kilusan para sa pagpapatalsik kay Arroyo. Kaya pwedeng birahin ang Kaliwa nang hindi natatakot ang rehimen na mailalagay sa panganib ang pagkapit-tuko nito sa kapangyarihan. Kaya naman kabi-kabila ang pagpapakita ng rehimen ng “normalidad” sa pagtakbo ngayon ng gobyerno. Kaya rin naman lumutang talaga sa balita ang “pag-buska” kay Arroyo ng mga estudyante at manggagawang pangkalusugan sa Philippine General Hospital kamakailan. Sa kanyang aklat na You Can’t be Neutral on a Moving Train (1994), ipinaliwanag ng Amerikanong progresibong historyador na si Howard Zinn kung bakit sa nakaraang siglo, palaging nasosorpresa ang mga tao at tagamasid sa pagsulpot ng mga progresibong kilusang masa sa buong mundo. “Tayo ay nagugulat dahil hindi natin nakikita na sa ilalim ng paimbabaw ng kasalukuyan, nariyan ang mga pantaong materyal para sa pagbabago: ang sinusupil na pagkondena, ang sentido kumon, ang pangangailangan sa komunidad, ang pagmamahal sa mga bata, ang pasensya para maghintay sa tamang yugto para kumilos kasama ang iba. Ito ang mga elementong sumusulong sa harapan kapag ang isang kilusan ay lumilitaw sa kasaysayan.” Sa aroganteng pagbasa nito sa kasalukuyan, kinakalimutan ng rehimen Arroyo ang napakaraming aral ng kasaysayan. Magbabayad ito nang mahal. 25 Hunyo 2006