Tambuling Batangas Publication May 09-15, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Mayo 09-15, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan Tatay Digong “TO ME, it’s a calamity. If my countrymen are suffering I would use it. If you want, I would steal money from the central bank. But they have to come home.” With the above statement, President Rodrigo Duterte made it very clear that the Philippine government will do everything possible to protect overseas Filipino workers (OFWs) from exploitation. It’s only incidental that Kuwait is the country with which the Philippines is having a diplomatic row over incidents of OFWs dying abroad under suspicious circumstances. The messaging of President Duterte reverberates over and above the din of local debates on the propriety or impropriety of that rescue of an OFW caught on video that has since then gone viral. The message is that whatever it takes and whichever other OFW host country is involved, the Philippine government will not renege from its duty of protecting Filipino citizens wherever they may be. Here, President Duterte sets himself apart from his predecessors not only as an action man who minces no words and who backs those words to the end – but as a true father to all Filipinos. No wonder that many Filipinos fondly call our chief executive Tatay Digong. Mga Pakulo sa Opinyong Publiko HINDI militar o simbahan ang magiging mapagpasya sa pagpapatalsik kay Pang. Gloria Macapagal- Arroyo. Kahit sa pagpapatalsik kay Marcos noong 1986 at kay Estrada noong 2001, bagamat mahalaga ang papel na ginampanan ng mga ito, ang lumalawak at tumatapang na kilos-protesta ng masa ang naging mapagpasya sa pagpapatalsik. Ito ang nagtulak sa militar at simbahan para pumanig sa taumbayan. Mahalagang igiit ito sa harap ng pagbaling ng tingin ng publiko sa militar at simbahan para patalsikin si Arroyo. Tinuntungan pa ito ng ilang taong may bulok na utak katulad ni Sen. Juan Ponce Enrile para sabihing militar, hindi taumbayan, ang nagpatalsik kay Marcos noong 1986. Gayundin, nagbabalik- gunita ang simbahan sa naging papel nito sa mga pag-aalsa ng sambayanan para magpatalsik ng pangulo. Madalas sabihin ng mga aktibista na masa ang lumilikha ng kasaysayan. Pinapatunayan ito ng kasalukuyang pagkakataon, bagamat sa kakaibang paraan. Sa bawat hakbang ng pangkating Arroyo, iniiwasan nito ang protesta at pag- aalsa ng taumbayan. Higit sa anumang konsiderasyon – batas, proseso, o kagalingan ng bansa – pagpigil sa protesta ng taumbayan ang batayan ng pangkating ito sa bawat galaw. Sa ganito dapat intindihin ang sinabi ni Dinky Soliman, dating kasapi ng gabinete ni Arroyo, na hindi pamamahala sa bansa ang inaatupag nito, kundi “pananatili sa anumang paraan” (“survival at all costs”). Aniya, “micro- management” ang ginagawa ni Arroyo sa pampulitikang krisis – ibig sabihin, masinsing pangangasiwa hanggang sa detalye ng mga aksyon ng gobyerno para manatili sa kapangyarihan. Malinaw na pagkakaiba ito ni Arroyo kay Estrada. Si Estrada noon, hapon na dumarating sa opisina dahil puyat sa pag- inom ng alak. Si Arroyo ngayon, nakadirekta sa mga taktika at hakbangin ng administrasyon. Kaya kapansin-pansing mas marami talagang taktika at hakbangin ang administrasyon ngayon para pigilan ang protesta at pag-aalsa ng taumbayan at para panatilihin ang sarili nito sa pwesto. Bukod pa sa negosasyon ng panunuhol sa iba’t ibang pangkatin ng mga naghaharing uri at maging sa simbahan, nagpakawala ang pangkating Arroyo ng napakaraming pakulo sa opinyong publiko. Para sa pangkating Arroyo, malinaw na hindi lamang pagsusuri ang ipinauso nitong “pagod sa People Power” (“People Power fatigue”) noong simula ng krisis pampulitika sa bansa. Itinuring nila itong layunin at tungkulin. Nilunod ang talakayan sa impeachment sa teknikalidad at ligalismo. Pinanatili ito sa Kongreso, kung saan marami ang sangkot. Naglabas ng mga gawa-gawang kontra- ebidensya sa wiretapped na usapan at mga dinoktor na dokumento ng eleksyon. Pinaugong ang negosasyon sa oposisyon. Nanuhol sa mga testigo sa jueteng para bumaligtad. Nagpondo sa mga pahayag ng suporta sa pangulo ng iba’t ibang grupo. Iisa lang ang layunin ng mga hakbang na ito: guluhin ang isip ng taumbayan at pagurin sila para huwag makialam sa krisis pampulitika, at huwag sumama sa protesta at lalo na sa pag-aalsa. Sa dalawang matagumpay na pag-aalsang Edsa, malinaw ang moral na dahilan para patalsikin ang pangulo. Ngayon, sa simula pa lamang ay pinapagod na ang isip ng taumbayan para hindi humantong sa ganoong kongklusyon. Hindi kailangang totoo o wasto ang mga pakulo ng pangkating Arroyo sa mga usaping ito. Kadalasan nga ay hindi at madaling masagot o maalpasan. Pero ang punto talaga ay guluhin ang isipan ng taumbayan at pahinain ang kapasyahan nilang lumaban para mapatagal si Arroyo sa pwesto. Sa ganitong kalagayan na nila madaling mailulusot ang paggamit ng pwersa ng mayorya sa Kongreso, halimbawa. Sa pananatili ng mga batayan para patalsikin si Arroyo, sana ay maagap at matalas na tugunan ng mga grupong kontra-Arroyo ang mga pakulo ng administrasyon. Dito lang magiging malinaw sa taumbayan ang dahilan para tuluy-tuloy na kumilos at mag-alsa sa lansangan. Sa mas marami at matapang na pagkilos lamang ng taumbayan makakaasang kikilos din ang simbahan at militar para patalsikin si Arroyo. 09 Setyembre 2005