Tambuling Batangas Publication March 20-26, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Accessing pediatric ... p.5
Gov. DoDo, pinangunahan
ang 1st Qtr CALABARZON
Dev’t. Council meeting p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
HIV-AIDS: Get tested
to know status p. 5
Indak Kababaihan 2019,
matagumpay na isinagawa sa
Batangas Capitol p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 12 March 20-26, 2019
P6.00
Kababaihan at Kalikasan, Binigyang-
pugay sa Women’s Day celebration
By Mamerta De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS,
(PIA)- Libo-libong kababaihan
ang nakibahagi at lumahok sa
isinagawang National Women’s
Day celebration sa Batangas City
Coliseum sa araw ng kababaihan
noong Marso 8.
May temang “We Make
Change Work for Women,” sinimulan
sa isang banal na misa sa Basilica
Immaculada Concepcion na sinundan
ng parada papuntang Coliseum
kung saan may mga nakahanay
na programa para sa naturang
pagdiriwang.
Sa mensahe ni Mayor
Beverley Rose A. Dimacuha,sinabi
nito na ang kakayahan ng mga
kababaihan ay hindi na matatawaran
sa panahong ito.
“Bilang ilaw ng tahanan,
hangad ko na ituro natin sa ating
mga anak kung paano i-trato ng tama
ang ating mga magulang at kapwa.
Sa panahon ngayon, ang husay at
galing ng mga kababaihan ay hindi
matatawaran lalo na sa paglilingkod
sa bayan. Ang mga babae ay hindi
na lamang pang-kusina o pang
tahanan sapagkat kaya na nilang
makipagsabayan
sa
anumang
larangan sa mga kalalakihan,” ani
Dimacuha.
Tampok
din
ang
mga kalahok bilang Babaeng
Makakalikasan kung saan may 10
kalahok mula sa iba’t-ibang barangay.
Tinanghal
na
Ms.
Confidently Beautiful si Mary Rose
Ebora mula sa Brgy. Malalim; Most
Elegant si Yolanda Macaraig ng
Kumintang Ilaya, Most Simple si
Lucena Mandigma ng Brgy. Conde
Labac at siya ring hinirang na 2019
Babaeng Makakalikasan.
Sundan sa pahina 2..
BFP nagsagawa ng Fire Safety
Lecture sa mga kabataan
By Mamerta De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS,(PIA)- May 30
Grade 9 students mula sa Balete
Integrated School ang sumailalim
sa fire safety lecture na isinagawa
ng Bureau of Fire Protection
(BFP) kamakailan.
Naranasan ng mga mag-
aaral na ito ang scenario ng sunog
at kung ano ang dapat gawin sa
Fire Suppression Simulation
corner at Smoke Evacuation
Simulation corner. Bukod pa
dito, tinuruan din sila ng first
aid treatment tulad ng cardio
pulmonary resuscitation (CPR)
para sa Emergency Simulation
corner.
Nagsagawa din ng
exhibit kung saan tampok ang
display ng fire at disaster rescue
equipment habang mayroong
Kiddie Fire Marshall corner para
sa mga pre-schoolers.
Ayon kay Princess
Aldovino,
marami
siyang
natutunang kaalaman ukol sa
sunog at ano ang dapat gawin
kapag naranasan ito.
“Dapat
ay
balanse
ang
pagbibigay
prayoridad
sa kaligtasan at kasiguruhan
sa tahanan kaya’t kailangang
Sundan sa pahina 2..
Libu-libong Batanguena ang nakibahagi sa isinagawang Women’s Day celebration sa Batangas City Coliseum na pinangasiwaan ng
City Social Welfare and Development Office(CSWDO) kung saan binigyang pagkilala ang mga kababaihan gayundin ang pangangalaga
sa kapaligiran. (caption: BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS/photo: PIO BATANGAS CITY)
Serbisyong Pangkalusugan hatid ng
Prov’l. Health Office
SA tuloy-tuloy na pagbibigay
ng mahusay at angkop na
serbisyong pangkalusugan para
sa mamamayang Batangueño,
inilahad ng tanggapan ng
Provincial
Health
Office
(PHO), na pinamumunuan ni
Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang
ilan sa mga accomplishments,
kasalukuyang updates at mga
aktibidad na isinasagawa, sa
layuning maitaas pa ang antas
pagdating sa health servics sa
Lalawigan.
Batay sa naging datos
ng PHO noong taong 2018, ang
12 pagamutan na nasa ilalim
ng pamamahala ng tanggapan
ay nakapagtala ng ilang mga
pagbabago na magdudulot ng
kaginhawaan sa mas marami
pang nangangailangan. Dito ay
nadagdagan ang mga higaang
pampasyente at tumaas ang bilang
ng mga pasyenteng napagaling na
may halos nasa anim na libo.
Buong
pagmamalaki
namang iniulat ng tanggapan ng
Panlalawigang Pangkalusugan
na ang probinsya ng Batangas
ay isa sa dalawampu’t anim na
lalawigan sa bansa na gagawing
ehemplo sa pagpapatupad ng
Universal Health Care Act na
matatandaang nilagdaan ng
Pangulo noong Pebrero.
Ayon sa tanggapan,
sa natitira pang mga buwan
ng 2019, inaasahan na mas
mapapagtibay pa nila ang patuloy
na pagpapataas ng antas at
gawing huwaran ang Lalawigan
ng Batangas pagdating sa
pagbibigay ng de-kalidad na
serbisyong pangkalusugan.
Upang
mapalawig
pa ang pagtulong sa mga
Batangueño, patuloy din ang
pakikipag-ugnayan ng Provincial
Sundan sa pahina 3..
32 Bagong Lifeguards,
nagtapos sa Calabarzon
By Mamerta De Castro
Makikita sa larawan sina DOH Regional Director Eduardo Janairo at DOT OIC Director Maritess Castro habang nagbibigay ng
sertipiko at mga kagamitan sa isa sa mga nagsipagtapos sa sampung araw na Lifeguard Qualification Training Course sa Punta Aguila
Resort sa San Juan Batangas. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)
SAN JUAN, BATANGAS,
(PIA)-- Nagtapos ang may 32
kataong partisipante ng sampung
araw na pagsasanay sa ilalim ng
Lifeguard Qualification Training
sa isang simpleng seremonya na
ginanap sa Punta Aguila Resort
sa Brgy. Nagsaulay sa bayang ito
noong Marso 13.
Ayon kay Department
of Health (DOH) Regional
Director
Eduardo
Janairo,
napapanahon ang pagsasanay
na ito lalo na at nararamdaman
na ang tag-init kung saan
maraming mga bakasyunista ang
pumupunta sa mga beach resorts
kaya’t kailangang siguruhin ang
kaligtasan ng bawat isa gayundin
ang mga insidenteng maaaring
mangyari sa mga karagatan o
katubigan.
“Ito ay bahagi ng
trabaho ng lahat ng mga
sumailalim sa pagsasanay, dapat
lamang na ma-equipped ang
ating mga life guards ng tama
at sapat na kaalaman upang
makapagsalba ng buhay ng tao
gayundin upang matugunan
ang serbisyong hinihingi ng
kanilang trabaho.
Payo ko
lamang sa mga nagsipagtapos na
sana ay panatilihin ang malusog
Sundan sa pahina 3..