Tambuling Batangas Publication June 27-July 03, 2018 Issue | Page 5

OPINYON Hunyo 27- Hulyo 03, 2018 PAGASA launches new website Susan G. De Leon QUEZON CITY – The country’s weather agency, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), launched its new website on June 11, 2018 at the Sequoia Hotel in Quezon City. P A G A S A Administrator, Dr. Vicente Malano, said the new website, www.bagong. pagasa.dost.gov.ph, not only features weather forecast of the day but also for the next five days. Another feature predicts the number of structures or houses that an approaching tropical cyclone might hit. It also provides information as to the volume of rain a particular area might have and which areas are flood- prone. Aside from these features, the new website Expectations Vs. Reality: Showdown Ng Mga Nagpaasa At Umaasa Ni: Sarah San Pedro NAKARANAS ka na ba na nag-expect ka pagkatapos ganito lang ang kakalabasan, iyong nag-exert ka ng efforts, ng love, tapos ganito lang ang ibabalik sa iyo? Sampalin kaya kita diyan ng bloke-blokeng reyalidad ng magising ka. Sa artikulong ito, ating pag-uusapan ang “Expectations vs. Reality”, dito tayo magkakasubukan kung hanggang saan iyang pagiging assumera mo sa mga bagay-bagay. Hello, it’s 2018. We should wake up from our fanciful dreams kung saan akala mo ikaw iyong nakakulong na prinsesa sa mataas na tore tapos may darating na gwapong prinsipe na hahalik sa iyo at magtatanggol sa iyo sa malaking dragon na nagbabantay sa mahiwagang kastilyo tapos sasakay ka sa magara at matipuno nitong kabayo. Kina Shriek at Fiona lang nangyayari iyon, actually hindi pa nga ganoon kabongga. Hindi lang naman kasi sa pag-ibig tayo nagkakaroon ng expectations eh, in fact, sa lahat ng bagay. At sa lahat ng bagay na iyon, sadyang nakakautas lang isipin na ganito ang reality sa likod ng nakakaloka nating pag-a- aasume. Top notcher natin diyan ang mga food advertisement. Lakas nila kung makapag-advertise ng mga pagkain na tunay nga namang hindi lang balahibo mo sa panga ang titindig, maaaring kung anong balahibo pa iyan. Iyong sa pakete ay ang laki at ang sarap tingnan, pagkatapos pagtanggal mo sa lalagyan ang sarap na ihagis pabalik sa lungs ng manufacturer, isama na natin iyong kahon. Sunod pa diyan iyong advertisements ng mga fast food, kitang kita doon na ang fluffy at ang laki noong burger, at iyong fries, ang hahaba at mukhang malulutong. Kaya ito tayo, si bili naman kaagad tapos, reality check mga bes, hanggang esophagus ko lang ito. Mas humpiyak pa sa hinaharap ng kaklase mo iyong bun don sa burger, then iyong fries kulang na lang magmano ka doon sa nakalupaypay na patatas sa harapan mo. Tapos mayroon din silang commercials about sa manok na akala mo kay laki at kay lutong sa telebisyon, pero ga-hita at ga-pakpak lang ata ng nagdadalagang sisiw namin iyan eh. Matatawa ka na lang kapag maiisip mo iyong mga ganitong bagay pero kahit na may halong inis, mapapaisip ka na lang sa konsepto ng buhay, na hindi lahat ng in-a-assume or in-e- expect mo nagkakatotoo. Sunod na diyan, dahil tayong mga Pilipino ay mahilig sumabay sa uso, nahilig na tayo manood sa iba’t-ibang entertainment sites kung saan either andoon ang ating idolo or talagang trip mo lang siyang panoorin kasi maganda siya o trend siya. Kaya iyon, ito ang iilan sa mga expectations versus reality na eksenahan. Iyong dutdot ka ng dutdot ng kung anong kolorete sa mukha mo para maging kamukha mo iyong idolo na napanood mo tapos ending maganda pa si Annabelle sayo, mukha ka ng espasol na mayroong rainbow dahil kumpleto na lahat ng kulay sa mukha mo. Tapos nood ka ng nood ng morning or night routine secrets ng mga koreana sa pink pearl skin nila, iyong tipong winaldas mo na lahat ng salapi ng nanay mo sa mga produkto nila, ending pumuti ka nga at kuminis, kakantahan ka naman bigla ng mga tropa mo ng, ”makinis maputi siya pero ba’t ganon?” May ibang eksena naman na gumagaya ka ng magagandang anggulo ng mukha or katawan na kapag kinuhanan ka ng camera, you will look stunning, but rather nagmukha kang may aning- aning, may pag-pout ng ka pa ng lips, mukha ka namang suso. Syempre kung nakikisabay na nga lang din sa uso, pati damit at porma ng mga napapanood mo ay hindi mo palalampasin. From tops hanggang sa sapatos gusto mong bilhin, ngunit sa kasamaang-palad ay wala kang pangbili sa mga branded attires na iyon, kaya dito papasok ang mga online shopping sites. Dahil dito mas mapapadali ang paghahanap noong damit na gusto mong gayahin, ngunit dahil nga mapait ang kapalaran, yung in-e-expect mong magiging kasing ganda mo na sila kapag nagaya mo na yung kanilang outfits, nagmukha ka lang sinabitan ng kurtina o nangulimbat ng mantel sa patungan ninyo ng telepono. Baka akalain pa ng iyong nanay ninenok mo iyan sa kapit bahay kasi wala naman kayong telepono. Isa pa ito sa kadalasang nangyayari sa atin, iyong nood tayo ng nood ng healthy diet routine, home workout routine, normally pangpaliit ng tiyan, secrets ni ganto ni ganyan, bakit sila namayat. Ano na teh, kalahati na ng taon parang pangpasko at bagong taon pa rin ang katawan natin. also provides climate forecast for farmers which serves as a guide to the ideal cropping season, and for farmers to know when it is safe to sail for fish. It will also provide impact-based forecasting and warnings that can estimate the number of houses to be affected, number of people to be affected by incoming Tropical Cyclones by using data from the Nationwide Operational Assessment of Hazards program. Also included are contour maps that visualizes various near-real time weather information on weather parameters generated from Automatic Weather Stations (AWS) located across the country. “To view the hazard maps, check the PAGASA website and at the lower right corner, click “Hazard Maps” and choose the hazard you want to check,” Malano explained. “The site will redirect you to another website. From there, you will be able to see the hazard maps in your area which are also available for viewing in NOAH’s website,” Malano said. (PIA-NCR) Iyong new year’s resolution ko ngang magandang dyeta, nawala na aatupagin ko pa ba iyan. Hindi ba, mapapaisip ka naman talaga kung bakit sa dinami-dami sa mundo ng nabiyaan na mala-diyosa ang awrahan, tinalo mo pa iyong bulaklak na hindi nadiligan ng isang linggo. Tuyot na, hindi na fresh, patapon na. Siguro noong nagpabagyo ang Panginoon ng kagandahan andoon sa looban ang iyong nanay at tatay, nagbabato-bato piks pa kung iluluwal ka pa, nagdadalwang-isip kung dapat ka pang masilayan ng mundo eh daragdag ka lang naman sa libo-libong populusyon ng mga di kanais-nais ang itsura. Pero, hindi. Ang totoo niyan, wala naman kasing pangit. We are all made with His own image, with God’s image. Siguro hindi ka pa lang nauuso, malay mo soon. Basta ang point ko lang dito is hindi naman masamang manggaya at mangarap na maging kamukha natin ang ating mga idolo. Sadya nga lang talagang nagiging epic fail iyong mga ginagawa natin. Siguro ito na iyong isa sa pinaka makaka-relate ako, pag-e-expect sa goals. Kahit na ano pang goals iyan, basta iyong mukhang may patutunguhan, i-pu-push natin iyan. Unahin na natin iyong sa kakiligan, tutal para naman kayong mga bulate na inaasinan palagi dahil gusto ninyo lagi eh puro kilig. Tatalakayin natin ay iyong relationship goals. Oo, sa una lahat ng gusto mo, pangarap mo, luho mo, kulang na lang pati pangtuition mo punan niya tutal parang stage father na siya sa sobrang pagsuporta sayo. Lahat ng romantic places dadalhin ka niyan, with surprises pa nga kahit wala namang okasyon. Halos 24 hours na full-time communication kayo, kulang na lang magtayo kayo ng call center sa bahay niyo. Tapos iyong sweetness ninyong walang humpay, sarap niyong hagisan ng bahay ng hantik. Reality check tayo mga teh, sa una lang naman yang mga lalaki magagaling, ngangawa ka din dyan. Panis yang I love you ninyo pag pinadampot ko kayo sa bantay bata, kay babata pa eh. Sunod diyan ay BFF goals. Ang rami ng lumalabas sa social medias na, “They nailed it!”, mga photos ng mag-bff na hindi lang goals sa outfits pati sa bodies din. Pero dahil food and walwal is life dito sa Pinas, reality: lahat ng magbebeshi dito, mga mukha ng patiwakal sa buhay, mukhang mga wala ng kapararakan ang pag- iral nila dito sa mundo. Pero biro lang, just overreacting. I mean, tulad namin ng besi ko, kagandahan lang ang goals namin, share ko lang. Lastly, hindi mawawala syempre iyong barkada goals. For sure lahat naman ng magbabarkada o magkakatropa mayroong mga goals iyan lalo na sa mga destinasyon na maaari nilang puntahan ng sama- sama at kung saan makakabuo sila ng mga alaalang hindi malilimutan. Iyong weekend getaway plans ninyo kung saan magpapakalungad kayo sa saya at lulubusin ang moment ninyo ng malayo sa reyalidad at sa inyong mga magulang. Iyan na ang pinaka bright idea for hangouts ng barkada. Makalipas ang ilang linggo, buwan, taon, ano na buhay pa ba kayo? Reality: sa barkadahan, pakapalan. Iyan lang ang ilan sa mga karaniwan na mga pangyayari sa buhay natin kung saan tayo ay umaasa sa isang pag-asa, kahit alam naman nating ito ay paasa. In fact. hindi naman masama ang mag- expect, ngunit may kasabihan na, “The world is not here to fulfill your expectations”. Actually, isa pa nga itong paraan kung saan mas pinag- iigihan pa natin ang ating sarili upang tayo ay mapabuti sa mga bagay na sa tingin natin ay kulang tayo. Ipinapakita din dito na ang tao ay unti-unting gumagawa ng paraan upang umunlad. Gawing basehan ang reyalidad, dahil dito tayo nabubuhay.