OPINYON
Hunyo 27- Hulyo 03, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
The law giveth,
the church taketh
THE Catholic Bishops’ Conference of the Philippines
(CBCP) has warned that priests found carrying guns for
self-protection, even those facing actual death threats,
will face sanctions.
The CBCP’s rationale is that priests and bishops
are supposed to be men of peace, and it runs against the
grain of that dogma for them to be armed.
This point of view is rather myopic considering
that our gun control law – Republic Act 10591 – includes
men of the cloth among those who may legally carry
firearms outside of their residence without proving their
lives are actually under threat.
Under RA 10591, two groups of people who may
apply for permits to carry firearms are: 1) those who are
actually facing threats; and 2) those whose professions
put them in “imminent danger.”
Priests and church ministers belong to the second
category, as do lawyers, certified public accountants,
accredited media practitioners, cashiers, bank tellers,
physicians, nurses, and engineers.
Businessmen who, “by the nature of their business
or undertaking, are exposed to high risk of being targets of
criminal elements” are also considered to be in “imminent
danger.”
Those in the first group will have to actually prove
that their lives are in danger by, among other means, filing
police reports on attempts already made on their personal
safety.
The CBCP, just like any organization operating
under the laws of the land, can impose rules and regulation
on those under it but only insofar as those internal rules
do not run counter with the law and do not infringe on
personal freedoms.
The right to self-preservation is an inherent human
right guaranteed by the Constitution. For this reason, the
law recognizes the right to self defense and the right of
each individual to have the means to defend one’s self.
The CBCP should not be so rigid as to take away
from member-priests the opportunity to avail of what the
law (RA 10591) has granted them – the opportunity not to
be like meek lambs being led to a slaughter.
At the very least, the CBCP should treat the threats
to its members on a case-to-case basis. This is not to say
that priests should be armed, but to remind church leaders
to be open-minded and revisit many of their outdated
dogmas.
Ni Teo S. Marasigan
Ang mga Unibersidad sa Panahon ng Krisis
ISANG
PATUNAY
NG
malalim na diskuntento ng
taumbayan sa rehimen ni
Pang. Gloria Macapagal-
Arroyo ang pagkakaisa ng mga
nangungunang unibersidad ng
bansa sa panawagan para sa
kanyang pagbibitiw. Simula
pa noong nakaraang taon, ang
mga guro ng Unibersidad ng
Pilipinas (UP) gayundin ang
mga administrasyon ng De La
Salle University (DLSU) at
Ateneo de Manila University
(ADMU),
ay
pawang
tumutuligsa sa rehimen at
nagbuo ng panawagan kay
Arroyo na magbitiw. Naging
tampok din sila sa malakas na
pagkondena sa Presidential
Proclamation 1017 at sa
panawagang alisin ito.
Katulad
noong
panahong pinapatalsik ng
taumbayan sina Marcos at
Estrada, lutang na laman ng
iba’t ibang pampulitikang
pwersang kalaban ng pangulo
ang mga personalidad mula sa
mga unibersidad na ito. Tampok
sa mga pagkilos sa lansangan
ng mga alyadong organisasyon
ng AnakBayan ang mga
estudyante ng UP. Namumuno
naman sa mga pagkilos ng
alyansang Laban ng Masa ang
magkaibigang
personalidad
ng UP na sina Prop. Francisco
Nemenzo, Jr. na dating pangulo
ng UP at si Prop. Randy David.
Aktibo naman sa Bukluran
sa Katotohanan ang mga
personalidad ng DLSU at
ADMU.
Bagamat
nakikilala
ngayon sa kanilang tindig sa
pampulitikang krisis ang DLSU
at ADMU, at bagamat matagal
nang nakilala ang UP sa
pagiging “sentro ng aktibismo,”
sa kabuuan ay konserbatibo
ang mga pamantasang ito. Ibig
sabihin, mas nag-aambag sila
sa pagpapanatili ng sistema
at istruktura ng bansa kaysa
sa pagbabago nito. Bagamat
pawang nakapagpalitaw na
ang mga paaralang ito ng mga
aktibista at “rebolusyunaryo”
– at maging ng mga lider ng
mga ito – mas marami pa rin
ang nililikha nilang taguyod
ng sistema ng bansa. UP din,
halimbawa, ang lumikha ng
isang Arroyo at Mike Defensor.
Kaya hindi sa katangian
ng mga pamantasang ito
ipagpapasalamat o uugatin
ang ganitong pagtugon nila sa
pampulitikang krisis sa bansa
ngayon, at ang pagiging kilala
sa aktibismo ng UP. Nasa mga
partikular at kongkretong
pampulitikang pwersa na
nakalubog o umuugnay sa
mga pamantasang ito ang
paliwanag. Nasa pagsisikap
ng mga aktibista sa UP
ang pagiging kilala nito sa
aktibismo. Nasa pagsisikap
ng mga sosyal-demokrata o
kaibigan ng mga ito marahil
ang pagtugon ng DLSU at
ADMU sa pampulitikang
krisis. O maaari ring sa
mga kaibigan dito ng mga
pulitikong oposisyon.
Sa ganitong kalagayan
mailulugar ang tindi ng
kabulukan
ng
rehimeng
Arroyo: Naitulak nito ang
nasabing mga pamantasan na
magsalita at magkaisa laban
sa kanya. Hindi pa man sila
kritikal at tutol sa pekeng
demokrasya ng mayayaman
at
makapangyarihan
sa
bansa, tinutuligsa nila ang
pandaraya sa halalan at ang
pekeng pangulong iniluklok
nito. Hindi pa man sila tutol
sa sistemang pampulitikang
kontrolado ng mga dayuhan
at mga naghaharing uri na
siyang ugat ng korupsyon at
katiwalian sa pamahalaan,
nilalabanan na nila ang
korupsyon at katiwalian ng
gahamang pangulo at ng
kanyang mga tauhan.
Hindi pa man sila
tumutuligsa sa pasismong
esensyal sa estadong hawak
ng mga naghaharing uri,
lumalaban na sila sa panunupil
sa mga kilos-protesta at
paglabag sa karapatang pantao
ng mga lumalaban kay Arroyo.
Hindi pa man sila naglalantad sa
mga ideolohiyang nagkukubli,
bahagyang nagtatakip, at
lantarang nagbibigay-katwiran
sa pagsasamantala at pang-
aapi sa nakakarami nating
kababayan, kumikilos na sila
laban sa pagsisinungaling at
panggagago ng pangulo at mga
tagapagsalita nito. Sa madaling
salita, nagbubukas si Arroyo ng
pinto sa kanilang radikalisasyon
at lalong pagkamulat.
Mahalaga
ring
banggitin na nakaluklok sa
pamunuan at kaguruan ng
mga pamantasang ito ang
henerasyong nakasaksi sa
aktibismo ng 1960s at sa
paglaban ng taumbayan sa
Batas Militar ni Marcos. Kung
hindi man sila aktibista o
naging aktibista, nakasaksi at
nakalahok sila sa matitinding
pampulitikang pagbabagong
naganap sa ating bansa.
Matalinong hinala o palagay na
napag-iiba sila ng karanasang
ito sa mga nauna sa kanila.
Kailangan lang tiyakin, lalo na
ng DLSU at ADMU, na hindi
lamang paglalabas ng pahayag
ang alam nila. Kailangan nilang
kumilos sa lansangan kasama
ng taumbayan.
Iyan ang aral ng
dalawang Edsa: Mahalaga ang
papel ng mga estudyante at
guro sa mga pamantasan, pero
hindi sapat. Dapat sumanib sila
sa pagkilos ng taumbayan.
11 Marso 2006