Tambuling Batangas Publication June 20-26, 2018 Issue | Page 5

OPINYON Hunyo 20-26, 2018 TINDER FOR SINGLES Ni: Mark Francis Olivarez PINAKAMAHIRAP na sigurong mararanasan satin ay yung tigilan yung mga bagay na nakasanayan nating gawin. Isa na dito ang masasamang bisyo katulad ng pag inom. Nakasanayan na natin mag inom pag may okasyon sa pamilya, pag na pag trippan lang ng barkada, pag walang magawa at pag broken ang isa sating mga kaibigan. Ang sabi nila ”lahat ng masarap ay bawal” pero ALL bakit kung ano pa nga ba yung masarap ayun pa yung bawal? Katulad na lang din sa pag iinom, sabi nila ang masarap daw ang alak pero mas masarap daw ang kwentuhan ng hatid nito. Hindi natin alam sa bawat inom natin ng alak may kapalit ito. Alchol is an addictive substance, pag tinuloy tuloy mo ang pag aabuso sayong katawan tiyak na may paglalagyan ka. Dahil nga nakaka- adik ang alak, minsan makakaramdam ka na lang na ang araw mo ay ‘di kompleto pag walang alak. THE Gigising ka na lang isang umaga na hindi mo na kaya mabuhay ng walang alak. Dahil ang alak, katulad nga ng nasaad kanina ay nakaka-adik, pag na punta na yan sating system hahanapin na yan ng ating utak at katawan. Kaya mas pipiliin mo na lang lumaklak ng alak kesa mag ehersisyo na mas kailangan ng ating katawan. Alam naman natin na once nakainom na tayo hindi tayo uuwing hindi wasak, walwal nga kung tawagin ng mga kabataan. Oo sa inuman masaya tayo, nakakalimutan natin kahit BUTONG DINIKDIK O DAHONG PINAKULUAN? C O F F E E O R T E A B AT T L E Ni: Sarah San Pedro PUMASOK na naman ang Hunyo, buwan kung saan nagsisimulang ng hindi magkandamayaw ang panahon at una-unahan na lamang ang bagyo sa pagsulpot sa Pilipinas. Dahil dito hindi lang labahan natin ang naantala, kung hindi pati na rin kalusugan ay naaapektuhan. Noong nakaarang mga buwan lamang, kulang na lang ay tanggalin na natin lahat ng saplot natin sa katawan sa sobrang santing ng init kahit na may nakatapat ng bentilador at air-con sa mukha mo ay talagang hindi matinag-tinag yang mala-impyernong init na yan. Ngayon naman ay nagtatago na tayo sa mainit at malalambot na lana na nakabalabal sa ating katawan. Bawat hampas ng ihip ng hangin na dadampi sa ating balat ay parang pakiramdam na may kung anong maligno kang katabi. Kaya kung noong nakaraan lamang ay uso ang sakit sa balat, ngayon ay sakit naman sa sistema ng katawan ang dumadali. Andiyan ang sipon at ubo na hindi lang kabataan ang naapektuhan pati na din ang may mga edad. Pero dahil tag-ulan na nga ulit, hindi mawawala ang dalawa sa pinaka nagbibigay sa atin ng serenity. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang suwak sa panglasa nating mga Pinoy.? Pinaniniwalaang nagmula ang butong ito sa mga taga Hilaga, dahil sa maliit, maitim at mabangong butong ito nagsimula ang pinagmulan ng isa sa mga paboritong inumin nating lahat, ang kape. Mapamainit man o mapalamig ay hindi mawawala ang alindog ng kape sa atin, bukod kasi sa pwede I;l;tong timplahan at haluan ng iba’t-ibang pang lasa ay maaari rin itong bigyan ng bagong buhay tulad ng gawing flavor ng gelatin ang kape tas lagyan mo ng gatas at nestle cream, sino ba namang hindi maglalaway sa sarap neto at maraming pang iba. Mapa-agahan, tanghalian, merienda, hapunan miski midnight snack eh talaga nga namang nilalagok ito. Maraming magandang benepisyo ang kape lalo na ito ang pinagmumulan ng mga antioxidants na siyang nagpipigil ng mga nakakasirang materiyal na maaaring maging dahilan ng sari-saring sakit na nakukuha natin sa ating kapaligiran. Ayon sa isang artikulo mula sa healthline, nakakatulong din daw ang kape sa pagpapapayat dahil ang caffeine ay nakakatulong sa pagpapabilis ng metabolismo at nakakatulong din ito sa pagtaas ng adrenaline levels kaya maganda ito para mapabuti ang iyong pisikal na paggalaw. Nakasaad din dito na nakakapagpababa ang kape sa tsansa ang isang tao sa pagkaakron ng II Diabetes, Alzheimer’s Disease, sakit sa atay, sakit sa puso at kanser. Ngunit sa kabilang banda, ang pag-inomnaman nito ng labis ay may masama ring epekto. Lahat ng labis ay masama. Ang caffeine ay isang sangkap kung saan nakakatulong ito sa ating nervous system upang tayo ay hindi antukin o makatulog, ngunit sa kabilang dako, tulad ng ibang droga ay may masama itong epekto na maaaring pagmulan ng anxiety disorders at ng iba pang sakit gaya ng depression at pabago-bago ng ugali. Nakakasasama din ang sobrang pag-inom ng kape lalo na sa mga buntis. Isa din sa sanhi ng hypertension at di magandang pagtulog ang sobrang pag-inom ng kape. Pinapayuhan na tatlo o hanggang apat lang na baso na kape ang dapat inumin kada araw upang maiwasan ang ganitong mga karamdaman. Sunod naman ang tea o tsaa sa isa sa iniinom panandalian ang ating problema dahil sa alak, pero may disadvantage yan. Katulad ng ginagawa mong pulutan yung katabi mo, nagkakaroon ng isang rape ng hindi namamalayan dahil wala sa wisyo, tinatawagan si ex at naalala ang lahat ng sakit na nararamdaman, nagkakainitan sa isang maliit na bagay na kung minsan ay umaabot pa to sa suntukan at ang pagmamanehong lasing at kung minsan ay nababawian ng buhay ang kung sino man ang nag maneho nito. Iisa lang naman talaga ang advantage ng pagiinom ito yung makapaglibang lang sa sandaling nalulumbay. Pero sa pag iinom may side effects yan na hindi maganda sating katawan. Maaring maapektuhan ang ating atay o liver na syang nag lilinis ng mga kemikal sating katawan. Isa sa maaring maging sanhi sa pag inom ng ang alak ang Alcoholic Hepatitis. Kung ang Hepatitis A ay nakakahawang sakit, ang Hepatitis B naman ay may seryoso dahil maari itong mag dulot ng cancer, liver failure at cirrhosis (ang cirrhosis ay komplikasyon sa atay na pagkawala ng liver cells). Kahit ako, ‘di ko din alam kung paano ka makakaiwas sa alak. Pero mas magandang unti- untiin mo na ang pag inom hanggang sa dumating na ang panahon na ‘di mo na gugustuhin ang alak. Ngayong tag-ulan, piliin uminom ng mainit na sabaw kesa uminom ng malamig na alak. Hindi madali mag bago ng buhay, but if you’ll put your brain to work it will not be difficult. Marami ka pang oras para itigil ang bisyo mong pag inom. Pag dating ng araw, ‘di man ngayon pag sisisihan mong natuto kang mag inom. Pero syempre ‘di ka pa nagsisisi dahil wala ka pang nararamdaman, mag iintay ka pa ba ng may maramdaman sa katawan mo para itigil ang iyong bisyo? Isipin mo na lang yung mga taong nagmamahal sayo para makatulong sayong pagbabagong buhay. Kaya mong mabago ang life style mo, kung gusto mo. Ika nga nila “pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan”. Mas masayang mabuhay sa future ng walang iniindang sakit. natin ngayon tuwing ganito ang panahon. Ito ay nagmula na dito sa ating kontinente, ito ay pinakuluang dahon na kadalasang iniinom ng matatanda dahil sa mapakla at mapait nitong lasa. Ngunit sa paglipas ng panahon at sa pagiging malikhain na ng mga tao, binigyan na din nila ito ng ibang buhay at lasa. Marami na ngayong tsaa ang may iba’t-ibang flavor na talaga nga namang di lang amoy ang nakakabighani pati na rin ng lasa nito. Dahil nga isinasabay na sa henerasyon ngayon ang uri ng pagkain na inihahain sa masa, ngayon ay patok na ang inuming flavored milk tea. Masarap pa rin naman ang nakasanayan nating mainit na tsaa pero ang isang ito ay talaga namanag hindi ka makakapagpigil miski ganito ng panahon. Gaya ng kape ay mayroon din itong antioxidants at nutrients na talaga nga namang malaki ang magandang epekto sa ating kalusugan. Halos pareho lang sila ng nabibigay na benepisyo ng kape, subalit gaya din ng kape, may hindi rin ito naidudulot na maganda sa ating katawan na hindi natin alam na ganon na pala ang epekto sa atin. Kahit mula ang tsaa sa herbal at mas kakaunti ang caffeine content nito, ang sobrang pagkonsumo pa din ay masama. Nakakapagpababa din ito ng pagtanggap ng ating katawan ng iron, isang elemento na kailangan ng ating dugo, na maaaring sanhi ng pagkakaroon natin ng anemia, sakit kung saan mababa ang ating dugo na nagiging dahilan ng kulang na pagtanggap ng ating katawan ng oxygen. Ilan pa sa maaaring maging epekto nito ay ang pagsakit ng tiyan, pagkahilo, hindi magandang pagtulog, pagtibok ng mabilis ng puso, pagkahina ng buto at marami pang iba. Simple lang naman ang gusto ipahiwatig sa atin ng artikulong ito, lahat ng sobra ay masama, masarap man o nakakapagpasaya ito para sa atin. Moderation pa din ang dapat pakatandaan sa lahat ng bagay lalo na sa mga nilalagay natin na pagkain sa ating katawan. Bilang isa sa mga natangkilik sa parehong inumin na ito, ayokong maging bias sa dalawa, ngunit base sa aking karanasan, mas pabor na ko sa pag-inom ng tsaa kaysa sa kape dahil kadalasan nag- aalboroto ang aking sikmura kapag nainom ng kape. Sa kabuuan ng artikulo itong, hindi na mahalaga kung sino ang mas tinatangkilik o mas pinapaboran ng mga mamimili. Ang mahalaga ay mahalin natin ang ating katawan at laging paalalahanan ang ating mga sarili na dapat nating bantayan hindi lang ang ating mga kinikilos kung hindi pati na rin ang ating iniinom o kinakain upang hindi tayo magsisi sa huli. Maging mainit sana ang inyong maulan na araw katuwang ang dalawang inuming ito!