Tambuling Batangas Publication June 20-26, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
Hunyo 20-26, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Staying alive
MOST Filipinos who go abroad do so to earn a living
for themselves and their loved ones. In seeking greener
pastures, overseas Filipino workers (OFWs) endure a
lot of sacrifices to earn the distinction of being the “new
heroes” of the working class.
Many OFWs had come home in boxes too as
crime victims, with abusive employers oftentimes being
the culprits. Case in point would be the death of Joanna
Demafelis, an Ilongga who went to work in Kuwait in
2014 but ended up stuffed for a year inside a chest freezer.
A Kuwait court pinned Demafelis’ murder on her
employers, Lebanese Nader Assaf and his Syrian wife
Mona Hassoun, and the two were sentenced to death in
absentia in April.
In South Korea, the skeletal remains of Angelo
Claveria, 34, also from Iloilo, were found hidden in a
septic tank. He had been missing since 2016. Unlike the
open-and-shut Demafelis case, the police in South Korea
are clutching at straws on the still whodunit Claveria case.
On May 20, the body of another Filipina, 24-year-
old working student Jastine Valdez, was found in the
bushes near a mine in Kilternan, Ireland. She was strangled
to death with her abductor, Mark Hennessy, killed in a
police operation.
In Bratislava, Slovakia, locals paid tribute to a
Filipino migrant, Henry Acorda, who died on May 31
after being assaulted by a suspected Neo Nazi. Some
3,000 mostly young Slovaks held a vigil and protest at
the site of the attack.
The brutal killing of 36-year-old Acorda was caught on
CCTV. The suspect, Juraj H., kicked him on the head
again and again even when he was already unconscious
on the ground.
Juraj H. is now under police custody and facing
charges of manslaughter and a 12-year sentence if
convicted.
It’s hard enough that OFWs have to sacrifice a lot
by battling homesickness, although technology now helps
them to be in touch with family members back home
through Internet video calls and Facebook posts.
They also have to stay sane with the culture shock
and the difficulties of adjusting with the laws of their host
countries. In serving as pillars of the Philippine economy
with their billions of dollars in remittances, there is one
primordial concern which OFWs must contend with –
staying alive.
Towards this end of ensuring the self-preservation
of OFWs, the Philippine government, for its part, must
continue to work closely with their host countries if only
to ensure they do not come home, cold as ice, inside
wooden boxes. A lot more can and must be done so their
“Bagong Bayani” tag does not come across as mere lip-
service.
Ni Teo S. Marasigan
Instrumentalismo at Kidapawan
NAPAKALAKING
krimen
ang
ginawang pamamaril at pagpatay sa
mga magsasakang payapang nagprotesta
noong Abril 1 sa Kidapawan City,
North Cotabato. Matalas na nasapul
ng sumikat na hashtag sa social media
na #BigasHindiBala ang kawalang-
katarungan ng paggamit ng baril laban
sa mga magsasakang humihingi lang
ng bigas na makakain bilang tulong ng
gobyerno sa panahon ng tagtuyot dulot
ng El Niño.
Mas malamang, gayunman,
na ang ikinabahala ng mga opisyales
ng gobyerno ay hindi ang mismong
pamamaril at pagpatay sa mga
magsasakang nanawagan ng bigas.
Mas malamang, ang ikinabahala nila
ay ang katotohanang maraming video
footages na nagpapakita na mga pwersa
ng Estado ang siyang nagsimula at
mismong nagsagawa ng karahasan.
Dawit samakatwid silang opisyales ng
gobyerno na nag-utos ng pandarahas.
Sa harap ng mabigat na
krimen at matibay na ebidensya,
maaasahan
nang
hakbangin
ng
gobyerno – kung gusto nitong bigyang-
katwiran ang pandarahas at umiwas
sa pananagutan, at malinaw na ganito
nga ang gusto nito – ang maglabas
ng masasahol na kasinungalingan. Sa
takbo ng mga pangyayari, ang napiling
kasinungalingan ay: Ginamit ng Kaliwa
– militante, Komunista, New People’s
Army – ang mga magsasaka.
Dahil ang Kaliwa ang
gustong idiin ng gobyerno, mahalaga
sa paghahasik nito ng kasinungalingan
ang mga espesyal na ahente nito laban
sa Kaliwa, na mas mapanlinlang dahil
nagpapakilalang galing sa Kaliwa:
ang Akbayan. Hindi kataka-takang
walang kapaguran, halimbawa, ang
mag-inang akademikong Akbayan na
sina Sylvia Estrada-Claudio at Leloy
Claudio sa pagpapalaganap ng naturang
kasinungalingan sa Facebook.
Siguro’y kumuha sila ng payo
kay Gabriel Claudio, bayaw ni Sylvia at
tiyuhin ni Leloy, na tagapayo ni Gloria
Macapagal-Arroyo noong masaker sa
Hacienda Luisita noong Nobyembre
16, 2004: sisihin ang Kaliwa! Kung
may magtatyaga lang, madaling ilantad
ang pagiging reaksyunaryo at mababaw
ng mga sulating “akademiko” nila, at
anumang kasikatan nila sa social media
ay dahil sa mga loyalista ni Noynoy
Aquino at anti-Kaliwa.
Sa
ganitong
konteksto
mailulugar
ang
“Lessons
from
Kidapawan: The left and the question
of accountability,” sanaysay ng isang
Emman Hizon. Nagpapakilala siya sa
artikulo na “research and policy analyst”
ng Active Citizenship Foundation na
ngayon lang narinig ng marami. Pero
noon, nang nantaboy siya ng mga
aktibistang nagprotesta sa presscon ng
Akbayan, tahasan siyang nagpakilalang
opisyal sa propaganda ng grupo.
Para ilusot ang puntong may
kasalanan din ang Kaliwa sa nangyari
sa Kidapawan, todo ang pagpapanggap
ni Hizon. Kesyo ang gobyerno
naman talaga ang pangunahing may
pananagutan. Kesyo 18 taon na siyang
sosyalista, at sinsero at seryoso ang
kanyang pag-aanalisa sa sanaysay.
Kesyo maalam siya sa mga taktika
sa militanteng protestang lansangan.
Kesyo ang layunin niya ay iabante ang
pulitikang maka-Kaliwa sa Pilipinas.
Sa totoo lang, nakakabwisit
basahin ang sanaysay ni Hizon. Sa
bulok na paraan pa lang ng paglalatag
ng argumento, malalaman mong
bulok na ang mismong kongklusyong
tinutumbok. Puro akusasyon na walang
solidong batayan. May mga bahaging
hinay-hinay na pag-iisip, na rururok
naman sa todong kasinungalingan.
Pinahaba nang husto na parang may
bayad ang bawat salita; dinaan sa Ingles
sa halip na sa nilalaman.
Ilan munang sekundaryang
punto na naglalantad sa kung anong tipo
ng “maka-Kaliwa” si Hizon – na kampi
sa neoliberal at mapanupil na gobyerno
ni Aquino. Una, sabi niya, “nabigo” ang
kapulisan na magpatupad ng “maximum
tolerance.” Napakabait na paghatol
nito. Nasa highway ang protesta, pero
nagtatanggol lang, hindi naggigiit ang
mga magsasaka. Bawal magdala ng
baril sa protesta, pero todong ginamit ito
ng pulisya.
Ikalawa, sabi niya, “Ang
pakikibaka para sa mas mainam na
Kaliwa ay pakikibaka para sa mas
mainam na gobyerno.” Hindi ito
opinyong maka-Kaliwa kundi opinyong
liberal. May katangiang makauri ang
gobyerno ngayon: hawak ng malalaking
burges-komprador
at
panginoong
maylupa na tuta ng imperyalismong US.
Kailangan itong ibagsak, hindi ireporma
lang, para makapagtayo ng gobyernong
mas mainam.
Nakasalalay si Hizon sa isang susing
akusasyon sa Kaliwa, sa tinawag
niyang “instrumentalismo.” Kung
isasantabi ang mga pangkalahatang
satsat niya tungkol rito, ito, aniya,
ay ang pagpapasabak ng Kaliwa sa
mga magsasaka sa “reaksyunaryong
karahasan”
para
“matuto
ng
pampulitikang leksyon,” para yakapin
ang “armadong pakikibaka.” Aniya,
ginusto o pinahintulutan ng Kaliwa na
mabaril ang mga magsasaka.
Minsan nang sinagot ni E.
San Juan, Jr., Marxistang intelektwal,
ang akusasyong may “instrumental
na pagtingin sa tao” ang mga maka-
Kaliwa, partikular ang mga Marxista-
Leninista. Aniya, hindi alam ng mga
nag-aakusa ang mayamang tradisyong
Marxista. Mas mahalaga, instrumento ng
mga anti-Komunista noong Cold War,
hindi ng Kaliwa, ang konsepto [“The
Struggle for Socialist Transformation in
the Philippines,” 1996].
Konsepto nga naman ng
mga anti-Kaliwa ang instrumentalismo.
Pilit nitong inihihiwalay ang Kaliwa sa
masang anakpawis na pinaglilingkuran,
inoorganisa, at pinagmumulan ng lakas
nito. Pinagmumukha nitong masama ang
ugnayan ng Kaliwa at masa. Ibinabalik
nito sa Kaliwa ang tuligsa ng huli sa
kapitalismo at mga naunang sistemang
makauri: na pinagsasamantalahan ang
masa na parang mga instrumento.
Para
kay
Hizon,
instrumentalismo ang dahilan kung
bakit ipinagpatuloy ng mga organisador
ng Kaliwa ang protesta kahit “may
tsansang papaputukan ng mga pulis
ang mga magsasaka” dahil “mayroon
nang mga armadong pulis sa lugar bago
magsimula ang marahas na dispersal.”
Pero dapat suriin ang naganap mula sa
mga konsepto at kagamitan sa pagsusuri
ng Kaliwa, hindi ng mga anti-Kaliwa
tulad ng gusto ni Hizon.
Sa panig ng mga organisador, nagpatuloy
ang protesta dahil makatwiran ang
hinaing, at hindi pa nakakamit ang
taktikal na panawagan. Nagpatuloy
ang protesta dahil may nakatakdang
negosasyon kay North Cotabato Gov.
Emmylou Taliño-Mendoza sa hapon ng
Abril 1. Pero agad binalewala ito nina
Kidapawan Mayor Joseph Evangelista at
Alex Tagum, hepe ng Philippine National
Police sa probinsya at sinimulan ang
pamamaril.
Makatwiran man ang protesta
ay marahas ang Estado. Dahil dito,
tungkulin ng mga organisador na tiyakin
ang kaligtasan ng mga nagpoprotesta.
Alam ang lahat ng iyan ng Kaliwa. Sa
kaso ng Kidapawan, hindi nagkulang
ang mga organisador sa usaping ito;
mas namayani ang pagiging mapanupil
ng Estado. Ang problema kay Hizon,
agad ang pagsisi niya sa Kaliwa dahil
sa anti-Kaliwang konsepto niya, ang
instrumentalismo.
Kung susundan pa ang
lohika niya, laging dapat maghanap ang
mga nagpoprotesta ng posibilidad na
magkaroon ng matinding pandarahas,
lalo na ng pamamaril, para iatras
ang pagkilos. Ilang pulis kaya? Ilang
mahabang armas? Ilang distansya mula
sa hanay? Kung susundan ang baluktot na
lohika ni Hizon, walang dapat maganap
na pagmasaker sa nagpoprotesta, pero
iyan ay dahil walang dapat maganap na
militanteng protesta.
07 Hunyo 2016