Tambuling Batangas Publication June 20-26, 2018 Issue | Page 2

BALITA Mary Angeline De Loyola Portugal, 18, nag-iisang anak na babae ni dating Batangas City Councilor Eloisa De Loyola- Portugal at dating Taysan Mayor Dondon Portugal. Apo rin siya ni dating Batangas City Vice Mayor at Batangas Board Member Florencio de Loyola at ng naging mayor din ng Taysan na sina G. at Gng. Victor at Anacoreta Portugal TB mass screening prayoridad ang matatanda at may diabetes BATANGAS CITY- Nagsagawa ang City Health Office (CHO) ngayong Miyerkoles ng tuberculosis mass screening sa may 200 senior citizens at may sakit na diabetes mellitus na siyang prayoridad sa paggamot ng sakit na ito. Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, ang mga matatanda at diabetic ang mga vulnerable o madaling kapitan ng tuberculosis kayat ang mga ito ang tinarget nila para sa TB mass screening. May nakuha silang 900 na TB cases noong 2017 at patuloy nila itong ginagamot ng libre haggang anim na buwan sa ilalim ng kanilang Tuberculosis Control and Prevention Program. Sinabi ni Dr. Barrion na hindi dapat itago o ikahiya ang nakakamatay at nakakahawang sakit na ito sapagkat madali itong gamutin. Ang CHO personnel ay tutok ang gamutan sa mga identified cases at tinutulungan ng Department of Health (DOH) na nagbibigay ng gamot sa mga local government units. Upang maiwasan ang tuberculosis, payo ni Dr. Barrion na kumain ng masusustansiyang pagkain, magehersisyo, magkaroon ng sapat na tulog at disiplina sa sarili upang makaiwas sa mga bisyo at magkaroon ng healthy lifestyle. Target aniya ng DOH na mapalawak pa ang paghahanap ng mga taong may tuberculosis upang magamot ito at tuluyan ng maging TB-free ang bansa. Isa sa mga pasyente si Lorna Paala ng Maalbo De la Paz, 31, at may pitong anak. Aniya, karaniwang pananakit ng likod, pag uubo at sakit ng ulo ang kanyang nararamdaman kaya binalewala nya ito. Subalit habang tumatagal ay tumitindi ang kanyang pag ubo, nagkakaroon ng lagnat at nakakaramdam ng panghinhina kayat agad siya nag punta sa CHO upang mag pa konsulta at dito siya na diagnosed na may tuberculosis. Tatlong buwan na siyang ginagamot at bumubuti na ang kalagayan. Katuwang ng CHO sa TB mass screening na ito ang DOH, Provincial Health Office at Philippine Business Social Progress na siyang may dala ng RAD Tech Van kung saan isinagawa ang X-ray ng mga pasyente. (PIO Batangas City) Hunyo 20-26, 2018 Mary Angeline De Loyola Portugal, Miss Batangas City Foundation Day 2018 ISANG personalidad mula sa angkan ng mga politiko ang nahirang na Miss Batangas City Foundation Day 2018. Siya ay si Mary Angeline De Loyola Portugal, 18, nag-iisang anak na babae ni dating Batangas City Councilor Eloisa De Loyola- Portugal at dating Taysan Mayor Dondon Portugal. Apo rin siya ni dating Batangas City Vice Mayor at Batangas Board Member Florencio de Loyola at ng naging mayor din ng Taysan na sina G. at Gng. Victor at Anacoreta Portugal. Kasama rin sa kanyang political lineage ang kanyang mga tiyo na sina Joel at Ian Portugal na dati at kasalukuyang konsehal ng nasabing munisipalidad. Si Mary Angeline ay nagtapos na 2nd honor sa senior high school sa Stonyhurst Southville International School at ngayon ay incoming freshman sa kursong BSC- Financial Management sa Enderun Colleges, Taguig City. Nationwide... at dinaluhan ng ibat-ibang Local Universities and Colleges (LUC’s), State Universities and Colleges (SUC’s) at state-run technical-vocational schools sa rehiyon. Ang naturang caravan ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Unified Student Financial Assistance for Tertiary Education ( UNIFAST). Binigyang diin ni OIC Executive Director IV, UNIFAST Secretariat na si Atty Carmelita Yadao-Sison na pagkatapos ng ilang dekada ay naisabatas na ang inaasam-asam ng napakaraming pamilyang Pilipino na libreng kolehiyo. Ang mga estudyante at mga magulang aniya ang tunay na makikinabang sa batas na ito. Malaking hamon din aniya sa mga SUCs, LUCs presidents kung paano ipoprogram ang tamang paggamit ng pondong ipagkakaloob ng Commission on Higher Education (CHED) para sa programang ito. Sa press conference na isinagawa sa Batangas State University (BSU), sinabi ng presidente nito na si Dr Tirso Emergency... na silang mag conduct ng sariling training.” Aniya, higit pa sa pinakamagaling na doktor at hospital ang maitutulong ng isang trained sa first aid at BLS sa agarang intervention o pagsaklolo sa isang taong nanganganib ang buhay. Siya ang counterpart ng kanyang inang si Eloisa na naging Miss Batangas City Foundation Day 1991. Idinaos ang “pamanhikan” sa tahanan nila Mary Angeline sa Nueva Villa Subdivision, Alangilan kagabi ng Lunes, kung saan hiniling ng delegasyon ng city government sa pangunguna ni Mayor Beverley Dimacuha ang pagsang ayon niya at ng kanyang pamilya sa pagkakapili sa kanya sa prestigious role na ito. Kasama ng Mayor dito ang mga miyembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee (CAC) at department heads ng city government. Bilang Ms. Batangas City Foundation Day, si Mary Angeline ay magiging tampok sa harana sa kanya, parada at ilang pang cultural activities sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na ito ng lungsod. Siya ay ipakikilala sa publiko pagkatapos ng Misa Pasasalamat sa Foundation Day sa July 23. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Ronquillo na ang edukasyon ay isa sa mga adhikain sa buhay ng isang tao na may pinakamaraming social benefits. Sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng “proper education” malaking tulong aniya ito sa pagresolba ng mga social problem ng bansa. Humigit kumulang sa 30,0000 aniya ang kanilang mag-aaral noong nakaraang taon kayat inaasahan nila na mas marami dito ang mag- eenrol para sa susunod na school year kung kayat lubos nilang pinaghahandaan ang pagdagsa ng mga ito partikular ang konstruksyon ng mga bagong school buildings. Ipinabatid ni Congressman Marvey Mariño ang ilan sa mga ginawa nilang measures sa Kongreso upang makahanap ng pondong pagkukunan upang maisakatuparan ang batas na ito. Nanawagan din siya sa mga kabataan na pagbutihin ang pag-aaral at bigyang halaga ang magandang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila na magkaroon ng magandang edukasyon. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Ayon sa isang participant, malaking tulong ang seminar na ito sa kanila dahil bukod sa nadadagdagan ang kanilang kaalaman ay makakapagturo pa sila sa komunidad, paaralan at barangay.(PIO Batangas City)