Tambuling Batangas Publication June 20-26, 2018 Issue
BUTONG
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
D I N I K D I K O D A H O N G P I N A K U L U A N ? ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Mary Angeline De Loyola
Portugal, Miss Batangas
City Foundation Day 2018
p. 2
TINDER FOR ALL THE
SINGLES
p. 5
Kababaihan nagsanay sa
paggawa ng modernong bag at
banig gamit ang buli p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 26
Hunyo 20-26, 2018
P6.00
Nationwide Information Caravan tungkol sa
libreng tertiary education idinaos sa Batangas City
LIBRE na ang edukasyon sa
bansa!
Ito ang magandang
balitang hatid ng Nationwide
Information
Caravan
for
Republic Act 10931 o ang
Universal Access to Quality
Tertiary Education Act of
2017” (UAQTEA) na ginanap
sa Batangas City Convention
Center noong ika-19 ng Hunyo.
Layunin
nito
na
maipabatid sa lahat na isang
malaking
oportunidad
ang
ipinagkakaloob ng pamahalaan
na makapagtapos ng pag-aaral
ang mga kabataan ng libre sa
mga public tertiary at vocational
schools alinsunod sa UAQTEA.
Ang naturang batas ay nilagdaan
ni Pangulong Rodrigo Duterte
noong Agosto ng nakaraang taon.
May P41 bilyon ang kabuuang
pondong inilaan para dito kung
saan may 1.2 milyong mag-aaral
ang magiging beneficiaries nito.
Bukod sa libreng tuition
fee, wala na ding kailangang
bayarang miscellaneous fees
tulad ng library fees, computer
fees, laboratory fees, school ID
fees, athletic fees, admission
fees, development fees, guidance
fees, handbook fees, entrance
fees, registration fees, medical
and dental fees, cultural and
other similar or related fees.
Ang
nasabing
pagtitipon para sa Region IV A
(CALABARZON) ang ikalawa
sa huling leg ng naturang caravan
Sundan sa pahina 2..
Earthquake drill sa isang public
school maayos na nagawa ng mga
guro at estudyante
MAAYOS na nakalabas ng
kanilang mga classrooms ang
mga eskwela sa Banaba West
Elementary at National High
School sa kanilang paglahok
sa 2nd quarter nationwide
simultaneous
earthquake
drill ng City Disaster Risk
Reduction and Management
Council(CDRRMC) noong
ika-21 ng Hunyo bandang
2:00 ng hapon.
Sunod sunod na
lumabas ng paaralan ang mga
mag-aaral at guro habang
naka duck, cover and hold
nang tumunog na ang sirena
hudyat ng simula ng drill.
Nang tumigil ang
sirena, nagtungo ang mga ito
sa bakanteng lote ng paaraalan
na nagsilbing evacuation
center.
Kaagad nagreport sa
evacuation officer ang mga
guro hinggil sa bilang ng
kanilang mga estudyante.
Nabigyan din agad ng first aid
treatment ang isang batang
sumama ang pakiramdam.
Sa
kanilang
Sundan sa pahina 3...
Nationwide Information Caravan for Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017”
(UAQTEA) na ginanap sa Batangas City Convention Center noong ika-19 ng Hunyo
Nutrition management magiging bahagi ng
paghahanda sa kalamidad
Emergencies noong June 6-8 sa
BATANGAS
CITY-Magiging
bahagi na ng disaster risk
reduction
and
management
program
ng
pamahalaang
lungsod ang pangangasiwa ng
nutrisyon upang mapanatili ang
kalusugan, maiwasan ang paglala
ng malnutrisyon at pagkamatay
ng mga tao sa panahon ng
emergencies
at
kalamidad.
Ito ay alinsunod sa National
Nutrition Council Governing
Board Resolution No. 1 series
of 2009. “Adopting the National
Policy on Nutrition Management
in Emergencies and Disasters
“ kung saan sinasabi na ang
nutrition committees sa local
level ay ay magsisilbing Local
Nutrition Cluster at sa context
ng emergency management ay
ituturing na bahagi ng Local
Disaster Coordinating Council.
Kaugnay
nito,
nagsagawa
ang City Nutrition Division
ng Training on Nutrition in
conference room ng Office of the
City Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS). Lumahok
dito ang mga kinatawan ng ilang
national at city government
departments at offices kagaya ng
City Administrator, Budget, City
Health, City Social Welfare and
Development, Department of
Interior and Local Government,
City Planning and Development,
City Disaster Risk Reduction
Sundan sa pahina 3...
Emergency responders nagsanay
bilang trainors sa first aid
Ang mga responders na ito ay mula sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP),
Batangas City PNP, City Health Office (CHO), Philippine Coast Guard at Batangas Medical Center
BATANGAS CITY-Sumailalim
sa trainor seminar sa Basic Life
Support (BLS)and Standard
First Aid ng Department of
Health (DOH), Region IV-A
Calabarzon ngayong June 14 ang
mga pangunahing responders
ng lungsod sa panahon ng
emergencies o kalamidad. Ito
ay upang makapagturo sila sa
mga concerned sectors kung
papaano sumagip ng buhay
bago pa man madala sa ospital
ang isang taong nasa kritikal na
kondisyon. Ang mga responders
na ito ay mula sa City Disaster
Risk Reduction Management
Office (CDRRMO), Bureau of
Fire Protection (BFP), Batangas
City PNP, City Health Office
(CHO), Philippine Coast Guard
at Batangas Medical Center.
Itinuro rin sa kanila
kung paano mag assess,
organize, grade, record at
evaluate ng pagsasanay.
Sinabi ni Dr. Voltaire
Guadalupe ng DOH Region 4-A
Calabarzon na “nais po namin na
pagkatapos ng training na ito ay
magkaroon na po ang Batangas
City ng sarili niyang mga
trainors upang mas maikalat
pa ang kaalaman tungkol sa
BLS na hindi na kailangan pa
kumuha ng taga labas at maari
Sundan sa pahina 2..