Tambuling Batangas Publication June 13-19, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
Hunyo 13-19, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Going green
THE Department of Transportation (DoTr) last May 17
announced the rollout this month of the first batch of
electric jeepneys in Metro Manila.
Some 300 e-jeepneys will ply routes in Paranaque,
Pasig, Pasay, Quezon and Taguig cities.
Last week, the Department of Energy (DoE) also
announced the distribution of 900 electric tricycles in Las
Pinas, Muntinlupa, Pateros and Valenzuela cities.
The DoE will also help establish charging stations
for said e-trikes and other electric vehicles.
Even before these rechargeable battery-powered
jeepneys and tricycles were deployed by the DOTr and
the DoE, some private versions of e-trikes have been
serving commuters in the Makati City area.
The number of e-jeepneys plying the Cubao area
of Quezon City has increased, while some subdivisions
have started using e-jeepneys to shuttle residents to and
from their homes.
The advent of such green vehicles with zero
emission will eventually benefit Metro Manila dwellers
when they replace nearly 56,000 jeepneys, 30,000 taxis,
at least 14,000 buses and more than 125,000 tricycles that
are powered by diesel and gasoline.
A study by the University of the Philippines’
Institute of Environmental Science and Meteorology
on air quality shows that one jeepney emits 22 tons of
particulates, while one tricycle emits 22.55 tons. These
two vehicles throw into the atmosphere each year
the equivalent of almost 800 50-kilo bags of cement,
according to the study.
That is the kind of air pollution that the nearly
13 million inhabitants of Metro Manila inhale outdoors.
The smaller the particulate matter like sulfate, nitrates
and black carbon is, the more likely it would reach and
damage a person’s lungs and cardiovascular system.
In the Philippines, about one in four deaths
from non-communicable diseases such as heart disease,
stroke, lung cancer and chronic respiratory diseases is
attributed to air pollution, according to the Department of
Environment and Natural Resources.
The introduction of electric jeepneys and tricycles
in the capital and other major cities in the country will
do more than make the environment clean. It will greatly
help ensure the health of the populace who may now
breathe fresh air.
The other benefits of emission-free e-jeepneys and
e-trikes are people being productive at work and lesser
healthcare expense for families and the government.
Millions of pesos are spent annually in the medical
treatment of indigents afflicted with air pollution-related
illnesses.
We have been inhaling pollution for the longest
time. It’s about time we breathed fresh air.
Ni Teo S. Marasigan
Biglang-Isip
(1) “What’s wrong with
this picture?” Tanong ito sa
pabalat ng huling labas ng
magasin ng Philippine Center
for Investigative Journalism
(PCIJ). Nasa harapan ito ng
larawan, kinuha marahil noong
Pebrero 24, ng martsang kapit-
bisig nina dating Pang. Cory
Aquino at Sen. Loi Estrada –
kasama sina Jinggoy Estrada,
Franklin Drilon at iba pa. Alam
natin ang tinutukoy na ”mali”
ng PCIJ: Na ang mga dating
magkalaban – tampok noong
panahon ng rehimeng Marcos
at Estrada – ay ngayo’y
magkakampi. Sentimyento ng
panggitnang uri: ”Mali” ang
salawahan at balimbing na
paga-alyansa ng mga pulitiko.
Malulusaw
ang
ganitong ideyalismo – hindi
nostalgia sa nakaraang katulad
lamang ng ngayon – sa
pagbabalik sa mga batayan
ng pagkakaisa ng angkan ng
dalawang
pinaka-popular
na presidente pagkatapos ni
Marcos: Pandaraya sa halalan,
katiwalian, kasinungalingan
at matinding paglabag sa
karapatang pantao. Dahil
ipinagpapalagay
na
mas
”malinis” siya sa pagkakamali,
si Aquino ang mas binibira ng
ganitong tanong. Pero tiyak na
nasa panig ng tama si Aquino
ngayon, dahil kinukumpirma
ng paghahambing ni Arroyo
kay Estrada ang batas ng
patuloy na pagsahol ng krisis
at kalagayan ng bansa.
Sa puntong ito ng
paglaban ng dalawang dating
pangulo – at oo, masasama
ring mga pangulo – sa
pangulong namumuno ngayon
sa panahon ng mas matinding
krisis at kalagayan ng bansa,
dito makikitang tanong din
ang: ”What’s right with this
picture?”
(2) “Komunistang Duwag”
ang titulo ng maliit na
polyetong ikinalat sa mga
istasyon ng MRT noong Mayo
1. Nilagdaan ng ”Mamamayan
Ayaw
sa
Komunista”
(MAK), tinutuligsa nito ang
”kaduwagan” ng tinaguriang
”Batasan 5” – ang limang
kongresistang mula sa mga
progresibong
party-list.
Parang ipis daw na nagtago sa
”kadiliman ng mga sulok-sulok
ng Batasan” sina Ocampo,
Mariano, Maza, Virador at
Casiño dahil ”naduwag”
madakip ng gobyerno. Dati
raw ay ”malakas ang loob
nilang pagsamantalahan ang
demokrasya at gamitin ang
batas laban sa mga opisyal ng
gobyerno” ayon sa pahayag.
Nagmumula
at
tumutungo ang ganitong
mga argumento sa mga
anti-komunista sa bansa.
Para sa mga taong ito, ang
mga komunista ay hindi
pwedeng umiral sa lipunang
demokratiko at hindi rin
pwedeng gumamit ng mga
umiiral na batas. Una sa
kanila ang pagiging anti-
komunista, hindi ang pagiging
taguyod ng demokrasya
o batas. Katulad ng mga
relihiyosong papatay ng mga
hindi naniniwala sa Diyos,
matatanggap lamang nila ang
pagpapahayag kung hindi nito
hahamunin ang itinakda nilang
hangganan nito. Kahit pa ang
ipinaglalaban ng isang grupo
ay kalubusan ng demokrasya
at ng diwa ng batas.
Marami
sa
mga
grupong maka-Kanan at anti-
komunista ngayon ay kaisa
ng Batasan 5 sa paglaban sa
rehimeng Arroyo. Iisa ang
tampok na kalaban ng Batasan
5, galit na galit dito, maka-
Arroyo at maraming pondo
para maglabas ng polyeto: Ang
grupo ni National Security
Adviser Norberto Gonzales,
ang Partido Demokratiko-
Sosyalista
ng
Pilipinas
(PDSP). Dating anti-Marcos
si Gonzales na ngayon ay
nasa likod ng mga taktikang
mala-Marcos ng rehimeng
Arroyo. Sa dami ng pinapatay
na mga lider-aktibista sa
parehong pamamaraan, hindi
na maikailang pananagutan ito
ng rehimeng Arroyo.
(Rurok ng tapang niya
ang imungkahi sa pulong ng
gabinete, para raw matapos ang
rebelyon sa bansa, na ipapatay
si Prop. Jose Ma. Sison. Kapag
namatay si Sison at may dugo
sa kamay niya, mag-ingat
siya sa posibleng yakap ng
isangsuicide bomber.)
Duwag ang Batasan 5?
Noong binantaang aarestuhin
ng Senado si Gonzales dahil sa
bulok na kontrata ng gobyerno
sa Venable LLP, nagsakit-
sakitan siya, nagpatakbo
sa ospital at idinahilan ang
sakit para maligtas. Alam ni
Gonzales na tama para sa
isang grupong pampulitika
na umiwas sa pagkadakip.
Ginamit ng Batasan 5 ang mga
alyado sa gobyerno at ang batas
para makaligtas. Si Gonzales
ang duwag: Ginamit ang gawa-
gawang karamdaman. Sino
nga naman ang makikipagtalo
sa tawag ng kalikasan?
06 Mayo 2006