Tambuling Batangas Publication June 13-19, 2018 Issue | Page 2

BALITA Katunayan sa Galing ng Kabataang Batangueño. Muling namayagpag ang galing ng mga atletang Batangueño sa larangan ng palakasan na kung saan humakot ang tatlong atleta na may kabuuang 3 Gold, 2 Silver and 1 Bronze medal sa nakaraang 25th International Taekwondo Festival 2018 noong May 19-20 sa California, USA. ✐Mark Jonathan M. Macaraig/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO Public... Singing contest at Logo Making Contest upang malinang ang talento ng pamilyang OFW. Naghanda rin sila ng raffle prizes para makapagbigay aliw. Ang ibang asosasyon ay may inihandang iba’t-ibang produkto na ayon sa kanila ay sila mula sa pahina 1 rin mismo ang gumagawa. Ang perang kikitain nila ay mapupunta sa kanilang kooperatiba. Ito ay ginaganap kada taon, na ngayon ay nasa ika- 35 taon na ng pagdiriwang. Isinasagawa ito upang matiyak ang kapakanan at pag-unlad ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa maging ang mga pamilyang naiwan nito, sa gabay ng RA 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995. – Jean Alysa C. Guerra – Batangas Capitol PIO Provincial Engineering Office, Nag- ulat ng mga proyekto sa Rich Batangas SA pangunguna ni Provincial Engineer Gilbert P. Gatdula, nag- ulat ang Batangas Provincial Engineering Office (PEO) ng kanilang mga accomplishments na kinabibilangan ng kanilang “Handog Imprastrakturang Maayos o HIM” projects sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-4 ng Hunyo 2018. Una sa kanyang ulat ang mga natapos at on-going provincial government projects sa iba’t-ibang mga bayan ng lalawigan, kabilang ang konstruksyon ng Farm to Market Road sa Lian at Lobo, Drainage System sa Cuenca at Taal, Box Culvert sa Tuy, at Slope Protection sa Agoncillo at Calaca Batangas. Kasama rin sa mga proyektong ng PEO ang construction at maintenance ng mga pasilidad tulad ng Evacuation Center sa San Nicolas at Lipa City, School Building sa Tingloy, HIM type of Open Classroom para sa Taal Senior High School at Mabilog na Bundok Elementary School, Greenhouse (Phase II) at Water Facility sa Provincial Agriculturist Bolbok Batangas City at Multi-Purpose Building/Rehabilitation Center (Phase I) sa Ibaan Batangas. Mayroon ding mga proyekto ang PEO na pinondohan ng national government agencies, tulad ng Department of Interior and Local Government – Conditional Matching Grant to Provinces (DILG CMGP) Kalsada Program para sa Road Repair, Rehabilitation and Improvement ng San Jose-San Pascual Provincial Road, Taal Poblacion – San Nicolas Provincial Road, Balete Provincial Road, at Rosario Poblacion – Taysan Poblacion – Dagatan Road. Sa tulong naman ni Senator Loren Legarda ay may ilang mga proyekto din ang nagawa kabilang ang rehabilitation at improvement ng Tuy-Tuong Provincial Road: Mabunga-Bayawang (Rosario) Road; Batangas City – Cuenca Road; Luya Bridge sa San Luis; Mahanadiong Bridge sa Taysan; Alalum Bridge at San Mariano Bridge sa San Pascual; at, Malaruhatan Bridge sa Lian. Bukod sa mga natapos at on-going projects ay mayroon ding mga proposed National Government Funded Projects para sa rehabilitation, improvement at upgrading ng Cuta East – Poblacion Road sa Sta.Teresita, Concreting and Improvement of San Juan and Rosario Farm to Market road at marami pang mga daan sa iba’t-ibang bayan ng Batangas. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO 4 na Kawani ng PEO, Binigyang Pagkilala BILANG pagpupugay sa hindi matatawarang talino at husay sa pagganap sa kanilang tungkulin, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan ang apat na natatanging kawani na nagmula sa Provincial Engineer’s Office (PEO) na pinamumunuan ni Engr. Gilbert P. Gatdula sa isinagawang Monday flag raising ceremony noong ika-04 ng Hunyo taong kasalukuyan. Unang kinilala at binigyan ng Certificate of Recognition si Engr. Maria Josenia R. Bautro, Engineer III, para sa pagkakapasa sa Professional Regulatory Board Licensure Examination for Professional Electrical Engineers at bilang nahalal na Regional Governor of Southern Luzon Region ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. Kasama din sa tumanggap ng sertipiko ng pagkilala sina Engr. Darlene Isabel B. Birung, Engineering Assistant at Engr. Jonalie L. Hernandez, Engineering Aide, na kapwa pumasa sa nakaraang May 2018 Civil Engineering Licensure Examination. Samantala, pinarangalan naman si Engr. Marivic I. Rivera, Engineer III, bilang employee of the month ng tanggapan ng PEO. Nakamit nya ang titulo dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa trabaho para sa buwan ng Mayo na sya ring magsisilbing modelo sa mga kapwa nya empleyado para sa isang maayos at mabilis na pagtugon sa pagbibigay ng serbisyo. Ang paggawad ng nasabing parangal ay regular na isinasagawa tuwing Lunes kasabay ng Lingguhang Pagpupugay sa Bandila ng Pilipinas. Ito ay pinangangasiwaan ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, sa pangunguna ni Dr. Rolando A. Tumambing, ang Officer-in-Charge ng Provincial Human Resource Management Office. Sa programang ito, mabibigyan ng pagkilala ang bawat hihiranging employee of the month na makakatanggap ng sertipiko o katibayan ng pagkilala. Ang patuloy na pagbibigay pugay sa mga kawani ng Pamahalang Panlalawigan ng Batangas ay naglalayong hikayatin ang mga empleyado na lalong pagbutihin ang kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan ng lalawigan at magsilbing inspirasyon sa bawat nangangarap na indibidwal sa pag- abot ng kanilang mga pangarap. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Hunyo 13-19, 2018 Mga Natatanging Atleta sa Lalawigan ng Batangas, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang tatlong Batangueñong atleta dahil sa kahusayan at determinasyon sa larangan ng Taekwondo sa 25th International Taekwondo Festival 2018 na idinaos noong May 19- 20 sa California, USA. Ginanap ang paggawad ng pagkilala na pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas, sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas noong ika-4 ng Hunyo taong kasalukuyan. Ang mga kinilalang atleta ay ang kambal na sina Geraldine Jur Macatangay at Geraldine Lex Macatangay na nagmula sa Barangay Calicanto, Batangas City; at John Bruce Abante ng Lungsod ng Lipa. Ang magkapatid ay nakakuha ng pinakamataas na parangal sa Junior Poomsae at Sparring Events. Si Geraldine Jur ay nagkamit ng medalyang ginto para sa dalawang nasabing events samantalang naiuwi ni Geraldine Lex ang gold medal para sa Junior Water... sa ating mga kababayan sa Tingloy.” Ang CALABARZON ang pinaka-unang rehiyon na nabiyayaan ng Water Filtration Machine mula sa OCD. Ang nasabing machine ay may 3 stages filtration system para maalis ang solid materials mula sa raw water sources tulad ng ulan, ilog, lawa, drainage, dagat at brackish Health... ang ilang mga kawani ng mga tanggapan ng gobyerno. Sa panayam kay DOH Senior Health Program Officer Ma. Theresa Malubag, nagbibigay sila ng kaalaman sa mga local health workers upang makatulong sila na alisin at itigil na ng permanente ang bisyo ng paninigarilyo ng kanilang mga kababayan sa mga pamayanan at pigilan ang mga indibidwal na hindi pa naninigarilyo na subukan pa ang nasabing bisyo. Aniya, sa ilalim ng programa, ang isang pasyente na magpapatingin ng anumang uri ng sakit sa mga hospital ay sasailalim sa mga maikling serye ng mga katunungan upang alamin ang smoking history nito ganun na rin ang kaniyang miyembro ng pamilya. Sa oras na sumang-ayon sa Brief Tobacco Intervention and Smoking Cessation Program, ang mga indibidwal ay bibigyan ng mga self help materials at Poomsae at silver medal naman sa Junior Sparring. Nasungkit naman ni Abante ang Silver Medal sa Kyorugi at Bronze Medal sa Poomsae. Naging saksi sa tagumpay ng tatlo ang kanilang coach na si Mr. John Earl Abante. Sa naging mensahe ni Governor Dodo Mandanas, pagkakalooban ang tatlong atleta ng Scholarship mula Senior High School hanggang sa makatuntong sila ng kolehiyo. Ang pagbibigay karangalan na ito ay patunay lamang na hindi pahuhuli ang mga Batangueño sa paglalaan ng dedikasyon at disiplina gayundin sa pakikipagtagisan ng galing sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Nakiisa sa pagbati sa mga kabataang Batangueño ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan at Provincial Assistance for Community Development Office Department Head Dr. Amante A. Moog. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 water. Kaya rin nito na mag proseso ng tatlong libong galon ng tubig kada araw at may pressure pump na may 2 horse power capacity. Saksi sa naging aktibidad ang ilang kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at OCD uniformed reservists. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 professional medical advice and counselling na hatid ng mga health institutions sa kanilang lugar. Ang ganitong paraan, ayon kay Malubag, ay isang magandang hakbang upang mabawasan, hindi man mabilisan, ang adiksiyon ng mga smokers sa tobacco products at mabawasan ang bilang ng tobacco dependants sa lalawigan at sa buong bansa. Tinalakay din sa pagsasanay ang Briefer on Intervention to Nicotine Addiction and Essential intervention Program ni Dr. Marilou Espiritu, Medical Officer III ng Health and Wellness Program ng DOH Region 4-A, na nagpapakita ng masamang epekto ng paninigarilyo na nakapaloob sa Three Links of Tobacco Dependence o ang Biological dependence, Psychological dependence at Socio-Cultural factors. – Edwin V. Zabarte – Batangas Capitol PIO