Tambuling Batangas Publication June 13-19, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Sleep Tight, Do Not Be Fright! ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Mga
Natatanging
Atleta
sa Lalawigan ng Batangas,
Kinilala ng Pamahalaang
Panlalawigan p. 2
STOP
DRI NK I NG
ALCOHOL
p. 5
Barangay Tanod Federation
2nd
Quarterly
Meeting,
Idinaos p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 25
Hunyo 13-19, 2018
P6.00
Water Filtration Machine, Inihandog
sa Tingloy
ISANG demonstrasyon at
turnover ng Water Filtration
Machine para sa Municipality
of Tingloy ang isinagawa ng
Office of the Civil Defense
(OCD) – CALABARZON,
sa pakikipagtulungan ng
Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, na ginanap
sa Marble Terrace, Capitol
Compound, Batangas City
nitong ika-8 ng Hunyo 2018.
Pinangunahan
ni Gov. Dodo Mandanas
at OCD Director Olive
Luces ang demonstration at
turnover kasama ang Tingloy
Municipal Disaster Risk
Reduction
Management
Office (MDRRMO) head
Herbert Dumaoal na siyang
naging kinatawan ng bayan ng
Tingloy.
Ang
malinis
na
inuming tubig ang isa sa
pangunahing pangangailangan
ng tao upang mabuhay ngunit
di sapat ang supply nito lalo
na sa mga bayang tulad ng
Tingloy na isang isla. “Ang
Munisipalidad ng Tingloy ang
nag-iisang bayan sa lalawigan
ng Batangas na isang isla,
bukod sa Isla Verde na parte
ng Batangas City,” salaysay
ni Gov. Dodo Mandanas
sa kanyang pananalita sa
pagtitipon. “Kaya malaking
tulong ang filtration machine
Sundan sa pahina 2..
Para sa supply ng malinis na tubig sa Tingloy. Isang Water Filtration Machine ang ipinagkaloob ng Office of the Civil Defense (OCD) –
CALABARZON, sa pangunguna ni OCD Director Olive Luces (nakaputing damit), para sa Munisipalidad ng Tingloy noong ika-8 ng
Hunyo 2018 sa Provincial Capitol, Batangas City. Nakiisa sa pagtitipon sina Governor Dodo Mandanas at 6th District Board Member
Lydio Lopez. John Derick Ilagan | Photo by Karl Ambida – Batangas Capitol PIO
Health Workers ng Batangas
Binigyang Kaalaman sa Brief Basic Accounting Itinuro ng PCLEDO sa Coop
Tobacco Intervention Program
Resource speakers sa
Center
(PCDC),
Capitol
SUMAILALIM sa dalawang
araw na oryentasyon noong ika-
7at 8 ng Hunyo 2018 ang mga
medical personnel ng Lalawigan
ng Batangas, kabilang ang mga
Municipal Health Officers; City
Health Officers; at mga Public
Health Nurses mula sa mga
District Hopitals at Rural Health
Units para sa Brief Tobacco
Intervention Program na hatid
ng Department of Health (DOH)
Region 4-A, sa pakikipagugnayan
at pakikiisa ng Batangas
Provincial Health Office.
Isa sa mga binigyang diin
sa oryentasyon ay ang mahigpit
na pagpapatupad ng Executive
Order No. 26 na pinamagatang
Providing for the Establishment
of Smoke-Free Environments in
Public and Enclosed Places, na
nilagdaan ni Pangulong Rodrigo
Duterte noong ika-16 ng Mayo
2017. Ito ang batas na mahigpit
na nagbabawal ng paninigarilyo
sa mga pampublikong lugar sa
buong bansa.
Ayon sa DOH, marami
pa rin sa mga Pilipino ang hindi
sumusunod
ditto,
kabilang
Sundan sa pahina 2...
Members
SA patuloy na pagsisikap ng
Pamahalaang Panlalawigan
na madagdagan pa ang mga
kakayahan at kaalaman ng
bawat Batangueño, isinagawa
noong ika-6 hanggang ika-8
ng Hunyo 2018 ng Provincial
Cooperative,
Livelihood
and Enterprise Development
Office
(PCLEDO),
sa
pangunguna ni Gng. Celia L.
Atienza, ang 3-Days Training
Seminar na pinamagatang
Basic Accounting for non-
Accountants sa Provincial
Cooperative
Development
Compound, Batangas City.
Ang
nasabing
pagsasanay ay dinaluhan ng
mahigit 20 na katao na nagmula
sa iba’t ibang kooperatiba ng
lalawigan. Kabilang sa mga
tinalakay dito ang tungkol sa
Organizational Structure of
the Cooperative, Principles
of Accounting, Accounting
Equation & Cycle Perspective,
Books of Accounts, Standard
Chart of Accounts, Statement
of Cash Flow, Audited
Financial Statements, at iba
pang may kaugnayan sa pag
tatala.
seminar ang ilang kawani ng
PCLEDO, sa pangunguna ni
Roderic Garbin, Cooperative
Development Officer.
Ang
seminar
ay
inaasahang makatutulong sa
pagpapalago at pagpapalawig
ng kaalaman ng mga dumalo
upang mas mapagbuti pa nila
ang kanilang pangangangasiwa
ng kanilang mga kooperatiba,
na inaasahang patuloy na
magbibigay ng malaking
tulong sa ekonomiya ng
lalawigan. – Bryan Mangilin
& Shelly Umali – Batangas
Capitol PIO
Regional Migrant Workers’
Day 2018, Ipinagdiwang
Araw ng Pasasalamat. Halos 800 na OFWs at kanilang pamilya na kabilang sa iba’t ibang OFW associations at federations sa Region
IV-A CALABARZON ang dumalo sa selebrasyon ng Regional Migrant Worker’s Day 2018, kasama si Gov. Dodo Mandanas at mga
“KABUHAYAN at Teknolohiya
Para sa OFW’s at Pamilya”, ito
ang naging tema ng katatapos
lamang na selebrasyon ng
Regional Migrant Worker’s Day
2018 noong ika-5 ng Hunyo
2018 sa Provincial Auditorium,
Capitol Compound, Batangas
City.
Ang okasyon ay bahagi
ng pasasalamat ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, sa
pangunguna ng Provincial Social
Welfare and Development Office
(PSWDO), sa mga Overseas
Filipino Workers (OFW), kaisa
ng Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA), na
dinaluhan ng halos 800 na OFW’s
at kanilang pamilya na kabilang
sa iba’t ibang OFW associations
at federations sa Region IV-A
CALABARZON.
Ayon kay Corazon
Vidal, Presidente ng Brgy.
Niugan OFW Association ng
bayan ng Lemery, mahalaga
ang pagkakaroon ng ganitong
selebrasyon sapagkat tinuturuan
sila kung paano ang wastong
paggamit at paghawak ng mga
perang ipinadadala sa kanila ng
mga kapamilyang OFW. Dagdag
pa rito, nagkakaroon sila ng
pagkakataon na makilala ang iba
pang miyembro ng OFW Family
Circles (OFC’s) na katulad niya.
Naghanda ang OWWA
ng mga patimpalak tulad ng
Sundan sa pahina 2..