Tambuling Batangas Publication June 05-11, 2019 Issue | Page 4
OPINYON
June 05-11, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Clenched fist
They say a picture paints a thousand words.
That photo of the winning senatorial bets during their proclamation
last week says it all.
Except for reelectionist Senators Grace Poe and Nancy Binay, the
rest of the newly-proclaimed winners did the signature Duterte raised fist
salute as they posed for a photo at the Philippine International Convention
Center.
Majority of those who won seats in the Philippine Senate are
regarded as allies of President Rodrigo Duterte, prompting many to say that
the last midterm elections was a fresh mandate for the sitting President going
into the last three years of his term.
Instead of raising fists, Poe instead placed her right hand on her
chest, while Binay formed a number one sign with her left hand symbolizing
her political party, the United Nationalist Alliance.
Out of the 12 elected senators, only Poe, Binay and actor Lito Lapid
were not supported by the administration. Poe is an independent candidate,
Binay is with UNA and Lapid was backed by the Nationalist People’s
Coalition.
Some say Poe and Binay stuck out like sore thumbs in the photo although a
few netizens commended them for standing up to their independence. It’s a
statement, they say.
I
s this a portent of things to come in the Senate? Many are of the
opinion it is. Poe has been known to be independent minded, a trait that has
supposedly endeared her to a lot of Pinoys. Binay, although criticized early
on in her Senate stint, has acquitted herself rather well on various issues.
But what’s in a raised fist really? The signature Duterte salute has
been flashed not only by officials allied to the Chief Executive. It has even
been tolerated by world leaders whenever they have photo-ops with the
President. It’s just a way of accommodating one as a symbol of solidarity and
support.
The raised fist is not a Duterte original. It has been used in the past
to express unity, strength, defiance or resistance, the latter more prominently
demonstrated by the leftist groups in the country.
The clenched fist syndrome has not been fully explained yet in
major psychiatric textbooks. The phenomenon, instead has been illuminated
mainly in journals and textbooks on hand surgery. There is a need, they
say, to examine, describe and understand this syndrome from a psychiatric
perspective.
The raised fist was frequently used in propaganda posters produced
during the May 1968 revolt in France. The symbol has been picked up and
incorporated around the world by various oppressed groups. In 2015, it has
emerged in the southeast area of Ukraine among the separatists battling the
Ukraine Kiev government forces.
The raised fist salute consists of raising one arm in the air with a
clenched fist. The meaning, however, can vary based on context.
Different movements sometimes use different terms to describe the
raised fist salute: among communists and socialists, it is sometimes called
the red salute, whereas among some African-American activists, especially
in the United States, it has been called the Black Power salute. During the
Spanish Civil War, it was sometimes known as the anti-fascist salute.
Nelson Mandela also used the clenched fist salute upon his release
from Victor Verster Prison in 1990.The raised fist is used by officials in
Mainland China when being sworn into office.
The fact that it has been made an issue with that proclamation photo-
op is not one that should boggle the mind. While their peers demonstrated
their openness to working with the administration, Poe and Binay must have
thought they should not be coerced into doing the same.
As psychologist Oliver James has suggested, the appeal of the
salute is that it allows the individual to indicate that they “intend to meet
malevolent, massive institutional force with a force of (their) own,” and that
they are bound in struggle with others against common oppression.
With only four true-blue opposition senators left, Poe and Binay as
well as some other similarly minded colleagues could still make deliberations
in the Senate exciting, with or without clenched fists.
Ni Teo S. Marasigan
Tato on My Mind
Part 1
NITONG Marso 10 ang ika-100
kaarawan ni Renato Constantino
— progresibo at makabayang
historyador at kritikong panlipunan,
at awtor ng maraming mahalagang
sanaysay at libro. Bilang paggunita,
maraming aktibista ang nag-post,
kalakhan sa Facebook, tungkol sa
kanyang mga sulatin at sa papel ng
mga ito sa kanilang pagkamulat at
paninindigan.
Kapag sinabing kaisipang
makabayan at anti-imperyalista
sa Pilipinas, lalo na matapos ang
World War II, isa ang pangalan
ni Constantino sa mga laging
mababanggit — kasama ang
senador na si Claro M. Recto, ang
historyador at manunulat na si
Teodoro A. Agoncillo, at ang lider-
Komunista na si Jose Maria Sison.
Guro siya, sila, ng ilang henerasyon
ng mga makabayan at aktibista at
ng kilusan ng mga ito.
Isa sa pinakahuling
nagbanggit
ang
manunuring
pampulitikang si Temario C.
Rivera, sa kanyang presentasyong
“The FQS (1970) in Philippine
History: Impact on Politics” na
pinost ng Arkibong Bayan sa
Facebook. Mahalaga aniya ang
kaisipan ng apat sa pag-alab ng
nasyunalismo at kilusang masa
noong dekada 60 — na nag-ambag
naman sa mga dambuhalang
protesta na binungkos sa tawag na
First Quarter Storm ng 1970.
Maraming nailathalang
sulatin sa kanyang mahaba at
produktibong buhay si Constantino.
Ang mahahabang sanaysay pa lang
niya, panandang-bato na sa iba’t
ibang usapin, may mga titulong
malakas ang dating: “Veneration
Without Understanding” (1969)
tungkol sa pagiging pambansang
bayani ni Jose Rizal, “The
Miseducation of the Filipino”
(1959), tungkol sa kolonyal na
edukasyon sa bansa, “Parents
and Activists” (1971) tungkol
sa ugnayan ng mga aktibista at
kanilang magulang.
Ngayon, mas kilala siya
sa dalawang-tomong kasaysayan
ng Pilipinas, co-author ang asawa
at kapwa-makabayan niyang si
Letizia R. Constantino: ang A
Past Revisited (1975), saklaw ang
pananakop ng Espanya hanggang
bago ang World War II at The
Continuing Past (1978), saklaw
naman ang World War II hanggang
bago ang diktadurang US-Marcos.
Marami
rin
siyang
librong koleksyon ng sanaysay.
Matatandaan ang Dissent and
Counter-consciousness
(1970),
na ang titulo’y nagpapahaging ng
paniniwalang madalas sabihin ni
Constantino, tinatanganan niya,
at pinapatunayan mismo ng mga
sulatin niya: mahalaga, kung
hindi man susi, ang kamalayan
sa pagbago o pagpapanatili ng
sistemang panlipunan.
Noong
dekada
90,
pinapabasa na sa klase — ng
mga propesor na naging aktibista,
saglit o matagalan — ang A Past
Revisited at The Continuing Past.
Puno ng highlight, salungguhit,
bilog, at magugulong sulat ng mga
nag-aaway na mambabasa ang mga
kopya nito na pinapa-Xerox nang
walang humpay. Ang mas masipag
na estudyante, magbabasa ng iba
pang sulatin ni Constantino —
mas payapa ang mga pahina, pero
magulo pa rin.
Sa panahong iyun, may
mga estante sa National Book Store
na puno ng iba’t ibang akda ng
mag-asawa, kasama ang maninipis
na libro at mga booklet na tila laan
talaga sa mga guro at estudyante.
May kolum din si Constantino
noon sa diyaryong Manila Bulletin
— kung saan pinagsusulat ang mga
iginagalang ng lipunan pero hindi
naman binabasa.
Mahusay na introduksyon
sa makabayang kasaysayan, at
makabayang kaisipan sa kabuuan,
si Constantino. Maipagpapalagay
na
karaniwang
Pilipinong
mambabasa ng Ingles ang gusto
niyang paliwanagan. Hakbang-
hakbang siyang maglatag ng datos
at argumento bago tumumbok sa
kongklusyon. Nagsisimula siya sa
kung nasaan ang mga mambabasa,
hindi sa kung saan niya gustong
dalhin sila. Tinitimpi ang isip sa
pag-aaral dahil mula rito lumalabas
ang suklam sa dulo kadalasan, at
ang kagustuhang kumilos.
Pero higit sa lahat,
nakakayanig ng isipan ang laman
ng mga sulatin niya. Ang mga
hiwa-hiwalay na pangyayari,
naipapaloob sa kabuuan ng isang
naratibo. Ang mga bida, nagiging
kontra-bida; at ang kontra-bida,
nagiging bida. Ang karaniwan,
biglang nagiging makabuluhan; ang
banal, nasasadlak sa imburnal. Ang
sambayanan, na laging binabanggit
sa kasaysayan sa elementarya at
hayskul pero hindi naikukwento,
sinikap buuin ang kwento.
Kapag
nabasa
mo
si
Constantino,
hindi
ka
magdadalawang-isip na sabihing
Marxista siya. Pero hindi siya
iyung maya’t maya ang pagsipi
sa mga akda nina Marx. Kapag
may prinsipyong Marxista siyang
kailangan — halimbawa, ang
pagkaugat ng mga pangyayari sa
moda ng produksyon, o ang papel
ng mga lider at bayani kumpara sa
papel ng masa sa kasaysayan —
matiyaga niya itong ipinapaliwanag
sa simpleng wika. Sapul niya ang
esensya, at makakatindig ito, hindi
kailangan ng pangalan o sipi.
Sa mga estudyanteng
papasok sa mga unibersidad na
kilala sa mga protesta, laging may
nagsasabing “Huwag kang mag-
aaktibista ah.” Sa mga akda ni
Constantino, makikita ang dahilan,
ang mga batayan para maging
aktibista. Napakalakas naman
pala! Hindi iilan ang nagbaba ng
libro niya at ngitngit na nagtanong
tungkol sa iba’t ibang inhustisya:
Bakit ngayon ko lang ito nalaman?
Bakit hindi ito alam ng karamihan?
Kung babasahin ang mga
libro sa kasaysayan ni Constantino,
madaling
makitang
hindi
karaniwan, istandard, akademiko
o “obhetibo” na kasaysayan ang
isinusulat niya. Malinaw siya sa
gusto niyang gawin: mag-ambag
sa pagbubuo ng “kasaysayan ng
sambayanan” o “people’s history,”
partikular iyung naghahanap,
nagpapatampok at nagsusuri sa
pagkilos at paglaban ng masa.
12 Mayo 2019
Itutuloy