Tambuling Batangas Publication July 11-17, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Bayanihan in the midst of chaos ... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) ‘Silungan sa Barangay’ binubuo ng DSWD p. 2 Philippines now has social security partnership with Germany, Japan p. 5 Household service workers to enjoy more leave benefits p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 29 Hulyo 11-17, 2018 P6.00 Batangas City PNP Community Relations no. 1 sa rehiyon , mga supporters kinilala BINIGYANG pagkilala ng Batangas City Police Station ang iba’t ibang sektor ng komunidad sa suporta ng mga ito sa mga programa ng kapulisan at nakatulong upang ang City PNP- Police Community Relations Section ay mahirang na Number 1 sa over-all Performance Evaluation Rating sa buong Region 1V-A sa dalawang magkasunod na quarter ng 2018. Ang pagkilala ay iginawad kaugnay ng pagdiriwang ng 23rd Police Community Relation’s Month 2018 ngayong July na isinagawa sa pagpupulong ng City Advisory Council (CAC) ng pulisya kahapon. Kabilang sa mga kinilala ay ang mga barangay Cuta, Calicanto, Wawa, Bolbok, Sta. Rita Aplaya dahil sa kanilang malaking suporta sa illegal drugs campaign. Kinilala rin ang ilang ahensya ng pamahalaan kagaya ng Batangas City Public Information Office, ilang media outlets, religious organizations at ilang indibidwal kabilang si Deputy Prosecutor Evelyn Jovellanos dahil sa patuloy na suporta sa mga plans and programs ng kapulisan sa Anti-Criminality and Anti-Drugs campaign. Nagpasalamat si Batangas City PNP Chief PSupt Sancho Celedio sa mga nabanggit na aniya ay malaki ang naging konstribusyon sa pagbaba ng kriminalidad at pagpapanatili ng kaayusan ng lungsod ng Sundan sa pahina 2.. Duterte orders PAF to remain vigilant, intensify fight vs terrorism Susan G. De Leon PASAY CITY--President Rodrigo Duterte ordered the Philippine Air Force (PAF) to remain vigilant and intensify the fight against terrorism as he graced PAF’s 71st anniversary at Villamor Air Base in Pasay City yesterday. “I enjoin the men and women of the Philippine Air Force to remain vigilant as we intensify our fight against the current challenges of terrorism and external security,” the President said. He said a revised modernization program for the PAF would enable the military to deal more effectively with threats from terrorists and intruders. “It is therefore vital to innovate and invest in strategies and technologies that will allow our forces to perform their duties safely and effectively,” Duterte said. He said that P139 billion is already in the pipeline for the second phase of the AFP modernization program. The commander-in- chief assured the military that the government will remain steadfast in supporting the PAF. He said the PAF will continue to procure more equipment Sundan sa pahina 2.. pagdiriwang ng 23rd Police Community Relation’s Month 2018 ngayong July na isinagawa sa pagpupulong ng City Advisory Council (CAC) ng pulisy Palace to investigate murder of Tanauan City Mayor ISANG workshop kung paano maging Vlogger, na pinamagatang “Introduction on How to Become a Vlogger” ang ginanap sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Capitol Compound, Batangas City noong ika- 4 ng Hulyo 2018. Pangunahing layunin ng workshop ang makalinang at makaengganyo sa mga kalahok na gumawa ng video blogs o vlogs na nagtatampok sa mga tourist destinations ng Lalawigan ng Batangas, at maging ambassadors at ambassadress para sa turismo ng lalawigan. Naisagawa ang workshop sa pagtutulungan ng PTCAO, sa pangunguna ni Provincial Tourism Head Atty. Sylvia Marasigan, at ng Star Tollway Corporation, sa pangangasiwa ni Marketing and Business Development Manager Tony B. Reyes, Jr. Naging resource person si Ron Villagonzalo, isang freelancer at active vlogger mula sa Maynila, ang mga pangunahing bagay na dapat malaman sa pagsisimula na maging vlogger; ang mga kagamitan na kakailanganin; ang mga nilalaman o bahagi ng vlogs; at, kung paano kumita dito. Ibinahagi rin ng kilalang vlogger ang mga alituntunin sa vlogging at nagbahagi ng kanyang mga personal na mga kaalaman na maaaring magamit ng mga future vloggers. Nagmula ang mga kalahok sa iba’t ibang unibersidad tulad ng First Asia Institute of Technology and Humanities, University of Batangas, STI at Lyceum of the Philippines University Batangas. Ang mga kalahok ay binigyan ng assignment na magpasa ng travel vlog. – Maan Joy G. Saluta– Batangas Capitol PIO Isa pang national high school itinayo ng Dep Ed Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangueña Gymnast na si Marian Josephine M. De Castro na humakot ng tatlong medalya sa naganap na Falcon’s Gymnastics Championship 2018 sa Bangkok, Thailand noong June 9-10 2018 BATANGAS CITY- Ang dating Batangas National High School (BANAHIS)-Malitam Annex ay isa ng Malitam National High School na pinasinayaan noong ika- 10 ng Hulyo sa pangunguna nila Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Marino. Ayon kay OIC Division Schools Superintendent Dr Donato G. Bueno, ang naturang paaralan ang ika-21 national high schools sa lungsod kung saan ito ay inaprubahan ng Dep Ed na maging Junior High School sa layuning mailapit ang mga paaralan sa lugar kung saan maraming mag-aaral. Tulad aniya ng kanyang initials na DGB, “ang Malitam NHS ay bunga ng Dedikasyon, God’s presence at Blessing na mula kina Mayor Dimacuha at Congressman Mariño.” Isang two-storey eight- classroom building para sa Junior High School ang ipatatayo ni Mayor Beverley habang isusulong naman ni Cong Marvey na makakuha ng budget sa Kongreso para sa konstruksyon ng Senior Sundan sa pahina 2..