Tambuling Batangas Publication July 04-10, 2018 Issue | Page 2

BALITA Sertipiko ng Pagkilala para sa 25 taong serbisyo. Sa pagdaraos ng Child Development Workers’ Week Celebration, binigyang pugay ang mga CDWs noong ika- 29 ng Hunyo 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas ang selebrasyon na may temang “Sa pagpapaunlad at pagbabago ng kabataan, Child Development Worker na may malasakit ang kailangan.” Maan Joy G. Saluta | Photo by Jhay Jhay Pascua – Batangas Capitol PIO OPAg, Nagbigay Ayuda para sa mga Magsasaka at Mangingsdang Batangueño BILANG pagpapahalaga ng Administrasyong Mandanas sa mga magsasakang Batangueño, isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), sa pangunguna ng kanilang Department Head, Engr. Pablito Balantac, ang isang Distribution of Agricultural Inputs na ginanap noong ika-2 ng Hulyo 2018 sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, Bolbok, Batangas City. Ang nasabing pagbabahagi ng mga agricultural inputs ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Layunin nito na turuan ang mga magsasaka at mangingisda na maging business oriented people at hindi dapat masanay na umasa sa palaging bigay, bagkus ay pagtrabahuhan ng maayos ang kinikita nila. Mga piling magsasaka mula sa ilang bayan sa lalawigan ang makatatanggap ng tulong na ito. Ang proyekto ay nahahati sa apat na produkto na ipinamamahagi sa mga piling magsasaka at mangingisda. Ito ay ang Vegetable Production Project, Rice Production Project, Cassava and Corn Production Project at Tilapia Fingerlings Dispersal Project. Ampalaya ang pangunahing produkto ng Vegetable Production Project. Ang bawat magsasaka mula sa mga bayan ng Balayan, Taal, Batangas City, San Pascual, Bauan, Sta. Teresita, Alitagtag, Rosario, Ibaan, at Lipa City ay makakatanggap ng mga farm inputs na kakailanganin sa pagtatanim ng ampalaya na nagkakahalaga ng PhP 60,000. Sa Rice Production Project, 40 magsasaka mula sa mga bayan ng Balayan, Calatagan at Lian ang mapagkakalooban ng nagkakahalagang Php20,000 na mga farm inputs na gagamitin sa pagtatanim ng palay. Dagdag pa rito, tinututukan din ng OPAg ang mais at kamoteng kahoy, sa ilalim ng Corn Seed Production Project at Climate Smart Intervention at Climate Resiliency & Adaptation Training para sa mga magsasaka ng kamoteng kahoy. Sampung mangingisda naman mula sa bayan ng Laurel ang mabibigyang tulong sa ilalim ng Tilapia Fingerlings Dispersal Project kung saan ay makakatanggap bawat isa ng 200,000 tilapia fry at tig- sasampung sako ng fish feeds. Inaasahang palalakihin nila ang mga tilapia fingerlings sa loob ng 30-45 days. Samantala, dahil nga hindi libre ang programang ito, sumailalim ang bawat magsasaka at mangingisda, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isang Memorandum of Agreement. Napagkasunduan na ang mga magsasaka ay magbabalik ng kaukulang halaga sa Provincial Treasurer’s Office ng Kapitolyo. – Jean Alysa C. Guerra – Batangas Capitol PIO Pagtatapon ng basura sa mga kanaliwasan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) noong June 27, 2018 Hulyo 04-10, 2018 Child Development Workers’ Week Celebration Idinaos BILANG pagpupugay sa mga Child Development Workers ng Lalawigan ng Batangas, idinaos ang Child Develoment Workers’ Week Celebration, na may temang: “Sa pagpapaunlad at pagbabago ng kabataan, Child Development Worker na may malasakit ang kailangan,” sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika- 29 ng Hunyo 2018. Sa pananalita ni Gov. Dodo Mandanas, ipinarating niya sa mga Child Development Workers ang kanyang pagpupugay, pagsuporta at pagnanais na mabigyan pa ng mga karagdagang benepisyo ang mga manggagawang guro. Binanggit ni Gov. Mandanas na pangarap niya na magkaroon ng bagong LED television sets at internet connection ang mga CDWs sa kanilang mga silid aralan at mabigyan din ang mga ito ng tag- iisang smart phone. Mandanas... Binigyang-diin din ni Gov. Mandanas na ang Section 24 o Allotment of Internal Revenue Taxes ng Local Government Code ang tamang pamantayan para sa wastong kabahagi ng mga LGUs sa usapin ng IRA. Hiniling din ni Gov. Mandanas sa SC na ipag-utos ang agarang pagpapalabas ng IRA sa mga LGUs, sang- ayon sa Section 6, Article X ng Konstitusyon na nagsasabing ang mga pamahalaang lokal ay dapat mabigyan ng karampatang Batangueña... Ginawaran ng Sertipiko ng Pagkakilala ang mga CDWs na 25 years pataas na sa serbisyo, bukod pa sa cash incentives. Nagdaos ng Search for the Most Outstanding CDW. Sa limang nominado, si Gng. Elizabeth Villanueva Manimtim ang nakakuha ng titulo. Si Gng. Manimtim ay binigyan ng plaque at nakatanggap ng cash incentive. Kabilang sa mga nagsalita sa selebrasyon sina 1st District Board Member Glenda Bausas; PSWDO Department Head Jocelyn R. Montalbo; at DSWD RO IV-A Regional Director Annie E. Mendoza. Nagkaroon ng isang raffle ng pangkabuhayan showcase mula kay 6th District Senior BM Weng Africa, na napanalunan ng Munisipalidad ng San Jose. Sa huling bahagi ng programa, ipinamahagi ang honararium ng mga CDWs. – Maan Joy G. Saluta – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 kabahagi, base sa nakasaad sa batas, mula sa mga national taxes na kinakailangang awtomatikong ibigay sa mga ito. Pinangunahan ni Gov. Mandanas, kasama ang 8 pang mga lokal na opisyal, ang pagsasampa ng petisyon sa Korte Suprema, habang si dating Sen. Aquilino Pimentel, Jr., ang may- akda ng Local Government Code, ang gumanap na pangunahing abugado ng mga ito. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 isang Gymnastics Class para mahasa ang kanyang hilig sa larangang ito. Payo ni Marian sa mga kapwa niyang kabataan na nagnanais mangarap at maging mahusay sa isport na kanilang kinahihiligan, “Kung gusto n’yo po talaga, gagawan n’yo po ito ng paraan kahit pa mahirap; kailangan ding tiisin ang lahat ng paghihirap para maabot ang inyong pangarap.” – JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Phtoto by: Eric Arellano – PIO CAPITOL BATANGAS CITY – Nanawagan si City Engineer Adela Hernandez sa mga tao ng huwag magtapon ng basura sa mga kanal upang maiwasan ang pagbaha. Sa kanyang report sa second quarterly meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) noong June 27, 2018, bilang chairman ng Prevention and Mitigation Committee, sinabi niya na punongpuno ng basura ang mga kanal at drainage tuwing sila ay magsasagawa ng clearing at declogging operation. Kailangan aniya ng paigtingin ang solid waste management upang masolusyunan ang pagbabara ng mga basura sa kanal at drainage. Ayon sa city engineer, sinisikap na mapaayos ang drainage systems sa lungsod kung kayat mayroong request ang city government para sa right of way sa Philippine Ports Authority (PPA) upang maikonekta ang ilang drainage systems sa kanilang outfall na inerereklamo ng management ng PPA na lagging puno ng basura. Tungkol sa road widening na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Hernandez na hindi maikonekta ng DPWH ang kanilang drainage system sa mga existing outfalls dahilan sa problema sa right of way sa barangay Alangilan. Gumawa rin ang DPWH ng drainage system sa barangay Sampaga subalit walang outfall na pwede nilang ikonekta ito. Pinuna rin ni Hernandez ang kakulangan ng inlets sa mga national roads kung saan ditto pumapasok ang mga tubigulan. Bukod sa regular ng paglilinis ng drainage at canal at dredging ng mga dinadaanan ng tubig kung saan ito ay ongoing mula Aquino road, Barangay 21 hanggang Sta. Clara, nagsasagawa rin sila ng trimming at pruning ng mga puno kasama ang ilang tauhan ng CDRRMO bilang bahagi ng disaster mitigation at prevention measures. Ilan sa mga DERRM projects ang construction ng slope protection sa Sitio Bulihan, Tabanga o Ambulong, construction ng drainage system sa Sitio Ibaba, Pallocan West, Sta. Rita Karsada at Access Road at construction ng slope protection sa Cumba. Kasama rin ang shelter assistance, relocation ng mga pamilyang na sa mapanganib na lugar at acquisition ng relocation site. (PIO Batangas City)