Tambuling Batangas Publication July 04-10, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Inside the National Museum of Natural History ... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Child Development Workers’ Week Celebration Idinaos p. 2 Calamba remembers Rizal on his 157th Birth Anniversary p. 5 Kaligtasan ng Batangas City ipinalangin sa Papuon p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 28 Hulyo 04-10, 2018 P6.00 Mandanas IRA Petition, Kinatigan ng Korte Suprema IRA Shares ng LGUs Madadagdagana SINANG-AYUNAN ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni Batangas Gov. Dodo Mandanas na nagsasabing ang “just share” o Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga local government units (LGU), ayon sa 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang desisyon, sa pamamagitan ng botong 10-3, “partially grants” ang kasong isinumite noong Enero 2012 ni Gov. Mandanas, nang siya ay congressman pa ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Batangas, na kinuwestyon sa Supreme Court ng bansa ang maling pagtutuos at hindi wastong paglalaan ng IRA fund. Dahil dito, inaasahang madaragdagan o mas lalaki ang alokasyon ng IRA ng lahat ng mga LGUs sa bansa. Sa kanyang 23-pahinang petisyon, iginiit ni Gov. Mandanas na mula 1992 hanggang 2012, nasa 500 bilyong piso na ang halaga ng IRA na dapat naipamahagi sa mga pamahalaang lokal ng bawat lalawigan, lungsod, munisipyo at barangay. Ang pagsunod, aniya, ng pamahalaang nasyunal sa Saligang Batas at mga umiiral na batas ay magbibigay ng pagkakataon sa mga pamahalaang local na maipatupad ang mga kinakailangang proyekto na maghahatid ng basic services sa mga Filipino. Sundan sa pahina 2.. Special Recruitment Activity ng PACD-PESO, Muling Isinagawa para sa Mamamayang Batangueño ISANG Special Recruitment Activity (SRA) ang muling isinagawa ng Provincial Assistance for Community Development – Provincial Employment Service Office o PACD – PESO katuwang ang isang job placement center para sa mga trabaho sa labas ng bansa. Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-4 ng Hulyo 2018. Ilan sa mga trabahong alok ng aktibidad ay mga trabahong may kinalaman sa konstruksyon tulad ng mga Inspection Managers, Pippers, Technician, Electrician, Fitters, Surveyors, Safety Officers, Scaffolders, Rigger, Material Controler at mga Engineers. Nagkaroon ang SRA ng 216 na aplikante, at humigit kumulang 40 na ang mga nag qualified dito. Samantala, ayon sa PESO ay mayroong iba pang aplikante dadaan pa sa ilang proseso gaya ng interview at medical examinations kaya madadagdagan pa ang bilang ng mga nag qualified. Ayon kay Tala Olan, Labor Employment Officer II ng PESO, kada buwan ay nagkakaroon sila ng ganitong aktibidad at ito ang unang recruitment activity na isinagawa ng opisina para sa buwan ng Hulyo handog sa mga Batangueñong nagnanais magkaroon ng trabaho. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO Panalo ng Batangueño, Tagumpay ng bawat Filipino. Inaasahang madadagdagan ang kabahaging IRA ng mga local government units sa buong bansa matapos paboran ng Korte Suprema, sa botong 10-3, ang tinaguriang Mandanas Petition, na inihain ni Batangas Gov. Dodo Mandanas para kuwestyunin ang proseso ng paghahati ng IRA para sa mga LGUs. Kasama ni Gov. Mandanas sa larawan si dating Sen. Aquilino Nene Pimentel, Jr., ang pangunahing abogado na humawak sa nasabing IRA Backpay petition at may-akda ng Local Government Code, nang maging tagapagsalita sila sa isang pagtitipon sa Batangas Capitol noong September 12, 2016. Vince Altar / Photo: Louie Hernandez – Batangas Capitol PIO Vlogging Worskshop Isinagawa ISANG workshop kung paano maging Vlogger, na pinamagatang “Introduction on How to Become a Vlogger” ang ginanap sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Capitol Compound, Batangas City noong ika- 4 ng Hulyo 2018. Pangunahing layunin ng workshop ang makalinang at makaengganyo sa mga kalahok na gumawa ng video blogs o vlogs na nagtatampok sa mga tourist destinations ng Lalawigan ng Batangas, at maging ambassadors at ambassadress para sa turismo ng lalawigan. Naisagawa ang workshop sa pagtutulungan ng PTCAO, sa pangunguna ni Provincial Tourism Head Atty. Sylvia Marasigan, at ng Star Tollway Corporation, sa pangangasiwa ni Marketing and Business Development Manager Tony B. Reyes, Jr. Naging resource person si Ron Villagonzalo, isang freelancer at active vlogger mula sa Maynila, ang mga pangunahing bagay na dapat malaman sa pagsisimula na maging vlogger; ang mga kagamitan na kakailanganin; ang mga nilalaman o bahagi ng vlogs; at, kung paano kumita dito. Ibinahagi rin ng kilalang vlogger ang mga alituntunin sa vlogging at nagbahagi ng kanyang mga personal na mga kaalaman na maaaring magamit ng mga future vloggers. Nagmula ang mga kalahok sa iba’t ibang unibersidad tulad ng First Asia Institute of Technology and Humanities, University of Batangas, STI at Lyceum of the Philippines University Batangas. Ang mga kalahok ay binigyan ng assignment na magpasa ng travel vlog. – Maan Joy G. Saluta– Batangas Capitol PIO Batangueña Gymnast na Namayagpag sa Bangkok, Binigyang Pagkilala Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangueña Gymnast na si Marian Josephine M. De Castro na humakot ng tatlong medalya sa naganap na Falcon’s Gymnastics Championship 2018 sa Bangkok, Thailand noong June 9-10 2018 GINAWARAN ng Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangueña Gymnast na si Marian Josephine M. De Castro na humakot ng tatlong medalya sa naganap na Falcon’s Gymnastics Championship 2018 sa Bangkok, Thailand noong June 9-10 2018. Ang 17 anyos na gymnast, na tubong Lemery, ay nakasali na sa walong international competitions, kung saan nakakapag-uwi siya lagi ng medalya para sa kanyang pamilya at bansa. Siya ay bunso sa 4 na anak nina Mr. EJ at Mrs. Peñafrancia De Castro at kasalukuyang Senior High School Student ng St. Paul College Pasig. Sa ginanap na Falcon’s Gymnast Championship, nagwagi si De Castro ng isang gintong medalya para sa Floor Exercise, isang silver medal para sa Vault at isang bronze medal para sa Balance Beam. Kahanga-hangang taong 2011 lamang siya nakapag enroll sa Sundan sa pahina 2..