Tambuling Batangas Publication January 31-February 06, 2018 | Page 5

OPINYON Enero 31-Pebrero 06, 2018 Batangas City team kalahok sa 1st Maharlilka Philippine Basketball League ISA ang Batangas City-Tanduay sa 10 koponan na kalahok sa kauna-unahang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na binuksan sa Smart Araneta Coliseum nitong January 25 sa pangunguna ng founder ng liga na si Senator at boxing icon Manny Pacquiao. Ang siyam pang kalahok na koponan ay galing sa Bataan, Bulacan, Caloocan, Imus, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Quezon City, at Valenzuela. Ayon kay Pacquiao, layunin ng liga na bumalik sa ‘grassroot level’ ang larong basketball upang mabigyan ng oportunidad ang mga magagaling na basketball players sa buong Pilipinas na makapaglaro sa Philippine Basketball Association( PBA). “Kung mapapansin po natin, halos lahat ng players sa PBA ay nanggagaling sa colleges at universities sa Pilipinas. Subalit paano naman po yung mga magagaling na manlalaro na walang kakayahang mag-aral dahil sa hirap sa buhay? Dito po pumapasok ang MPBL. Ang mabigyan sila ng oportunidad na maipakita ang kanilang galling sa larong basketball,” sabi ni Pacquiao. Itinalaga bilang by Kenneth Roland A. Guda TILA umiikot sa Mayon ang pangkulturang buhay ng mga Albayano. Tuwing pumuputok ito, dumarami ang turista—pero tumitindi rin ang trahedya. Unang lumabas ang sanaysay na ito sa Philippine Collegian halos 17 taon na ang nakararaan–noong Agosto 1, 2001. Inedit nang kaunti ang bersiyong ito. Nitong Enero 2018, muling pumutok ang bulkang Mayon. Muli, libu-libong magsasaka at mamamayang Albayano sa may paanan ng bulkan ang lumikas. Samantala, daan- daanlibong (baka umabot na sa milyong) turista ngayon ang dumagsa sa naturang probinsiya. Ang awtor ay lumaki sa Legazpi City, Albay. Minsan naiisip ko: Kung ano ang turing ng mga Pilipino kay Jose Rizal, parang ganun din ang turing ng mga Albayano sa Bulkang Mayon. Sa aming probinsiya sa Albay, kung anu-ano ang ipinapangalan sa bulkan—tulad ng kung anu- anong gamit, produkto at kompanyang ipinapangalan sa pambansang bayani (hal. Rizal Bank, Rizal na posporo, Rizal Park). Sa buong probinsiya, may hotel, resthouse, restaurant, t-shirt, grocery, at di mabilang na tindahan na kapangalan ng bulkan. At tulad ni Rizal, kumbaga’y mistulang bayani rin ng mga Albayano ang Mayon. Malaking bahagi ng pangkulturang buhay ng mga tao sa lugar ang bulkang ito. Malaking bahagi ng ekonomiya ng Legazpi City ang nakabatay sa turismo. Ang attraction na ito’y nakapagpapasok ng malaking revenue mula sa mga turistang nabibighani sa misteryosong ganda ng halos-perpektong hugis-apa ng Mayon. Katok sa putok Humigit-kumulang sa isang dekada ang pagitan ng pagputok ng Mayon. Tuwing nangyayari ito, dagsaan ang mga turista, marami’y dayuhan. Sa pag-usok at pagliyab ng bunganga ng bulkan, nabubuhayan ang siyudad. Punung-puno ang five-star hotel na Mayon International Hotel. In demand ang abaca products na binebenta sa mga bangketa. Lumalago ang industriya ng paglilitrato sa dami ng mga bisitang gustong makakuha ng litrato ng pagputok ng bulkan tuwing gabi. Kung anu-anong t-shirt ang binebenta sa kalye—basta may nakasulat na “Mayon Volcano” o “Legazpi City.” At tuwing gabi, gising ang mga tulog kapag umaga: magdamag ang tagayan sa Albay Park, at siyempre ang mga naglalako ng aliw sa Penaranda Park at sa kung saang madilim na sulok ng siyudad. Baka di-normal na nakikita ang masayang eksenang ito sa isang lugar na dumadaan sa matinding sakuna. Pero para sa lokal na mga opisyal ng gobyerno, parang nagkakaroon ng dagdag na kahulugan ang kasabihang “In every dark cloud, there is a silver lining.” Halimbawa nito ang komersiyo sa Cagsawa Ruins. Ito ang dating simbahang natabunan ng landslide sa pagputok ng bulkan noong 1814, at ngayo’y posibleng pinakasikat na puntahan ng turista sa Albay. Marami ang nabaon nang buhay sa loob ng simbahan. Pero ngayo’y sikat itong destinasyon ng mga turistang tila di- takot sa mga kuwentong nagmumulto raw ang mga natabunan doon. Katunayan, mayroon pang itinayong restaurant malapit sa Ruins, ang “1814” – isa sa pinakasikat na restaurant sa Albay na dinadayo pa ng mga sikat na artista at personalidad sa Maynila. Halimbawa rin ang nakita ng ilang negosayante na pagkakataong kumita sa kakulangan ng mga dust mask para sa mga residente ng Legazpi. Nabasa ko sa Manila Bulletin noong Hulyo 27, 2001: “Garment manufacturers in Metro Manila, perhaps, can immediately fill the need for dust mask, and with these, they can earn instant cash and provide instant employment.” Ayon pa sa balitang ito, “The products must have different designs that may suit classes of buyers like students, professionals, and the ordinary man in the streets, or even farmers.” commissioner ng liga si dating PBA superstar Kennerh Duremdes. Makakasama niya bilang Operations Manager ang isa ring dating PBA player na si Zaldy Realubit. Tumatayong Overall Head of Production and Marketing ang kilalang talent manager na si Arnold Vegafria. Dumalo sa nasabing event si Batangas 5th District Representative Marvey Marino upang magbigay ng suporta sa koponan ng Batangas City- Tanduay. Nagsalita rin si Mariño sa dugout upang magbigay ng pep talk at siguraduhin sa team na buong-buo ang suporta ng lungsod sa kanilang magiging laban sa MPBL. “Hindi mahalaga kung sakaling matalo dahil ito ay kasama sa lahat ng paligsahan. Ang mahalaga, ibigay nyo lahat ng makakaya at huwag aayaw, dahil ito ang tatak ng isang tunay na Batangenyo,” dagdag pa ng congressman. Kasama ni Mariño si Team Manager Mr. Gerry Tee, ABC President Angelito Dondo Dimacuha, asst.team manager Guilberto Alea, team coach Mr. Mac Tan at ang team owner ng Tanduay na si Mr. Bong Tan. Ilan sa mga ‘homegrown players’ ng lungsod na napasama sa final cut ng Batangas City- Tanduay ay sina Joco Macasaet ng Brgy. 17, Cesar Atilarez ng Sta. Clara, Marvin Macalalad ng Gulod Labac at Francis Pedrosa ng Barangay Alangilan. Nagsilbing muse ng koponan si 2018 Bb. Lungsod ng Batangas Queenie Espeleta. Ang MPBL ay lalaruin sa iba’t-ibang venues sa mga probinsiya ng mga kasaling koponan. Ito ay single-round robin lamang. Ang magiging kampeon sa Luzon o Northern Leg ng torneo ay haharapin naman ang magiging kampeon sa Viz-Min o Southern Leg ng liga. Ang magwawagi dito ang tatanghaling kauna-unahang Maharlika Pilipinasa Basketball League champion. (PIO Batangas City) BUHAY-BULKAN Para bang may pakialam pa ang gumagamit ng dust mask sa Albay kung aaayon sa propesyon niya ang disenyo nito. Village people Samantala, maging ang ilang magsasakang residente sa paanan ng Mayon—na siyang pangunahing nabibiktima tuwing pumuputok ang bulkan—tinangkang maksimisahin ang trahedya. Namumulot sila ng mga batong mula sa lava o ashfall para ibenta sa mga turista. Sila mismo iyung noong Huwebes lang, kasama sa aabot sa 10,000 pamilya o 53,000 katao na nagsilikas mula sa kanilang mga bahay matapos ang biglaang pagputok ng bulkan. Karamihan dito’y mga pamilya ng mga magsasakang nakatira sa paanan ng Mayon. Maraming magsasaka rito, dahil mataba ang lupa. Tuwing may banta ng pagputok, sila mismo iyung pinakaunang pinalilikas ng lokal na gobyerno. Pinapatira sila sa mga evacuation center – mga klasrum ng public elementary schools sa siyudad. Doon, lagi’t laging kalunus-lunos ang kanilang kalagayan. Kuwento nga ng nanay ko na guro sa Bagumbayan Elementary School sa Legazpi City, aabot sa 15 pamilya ang pansamantalang nakatira sa kanyang klasrum. Pangkaraniwan lang ang laki ng klasrum na ito, kaya siksikan ang mga pamilyang natutulog sa desk ng mga estudyante o kaya sa semento. Tulad ng inaasahan, walang maayos na kubeta para sa kanila. Kuwento ng nanay ko, grabe na ang panghi ng klasrum niya. Karamihan sa mga magsasakang evacuee sa mga eskuwelahan ay bumabalik sa “danger zone” tuwing umaga upang tingnan kung hindi nasira ng ashfall ang kanilang mga pananim. Sa kabila ng pagtutol ng lokal na mga opisyal ng gobyerno sa pagbalik ng evacuees, hindi pa rin nila ito mapigilan. Tanging sa pagsasaka lang kasi nakasandig ang kabuhayan ng mga tao rito. Para sa kanila, katumbas din naman ng pagkamatay sa landslide o pagkasunog sa uson ang pagkawala ng kanilang kabuhayan. Kaya minsan, napapaisip ako: Para bang hindi maganda, kundi masamang tanawin ang ipinupunta ng mga turista sa Albay. Kumbaga, natutuwa sila sa trahedya, namamangha sa view. Samantala, ang mga apektado, hayan na nama’t lumilikas mula sa pumuputok na bulkan. Kapag nangyayari iyun, di ko maiwasang isipin na hindi bayani sa buhay ng mga residente ang bulkan. Samantala, tuloy ang pag-akit ng magandang Mayon sa mga turista, kahit pa maraming buhay at kabuhayan ang nasisira sa bawat ragasa ng “maganda” niyang pananalasa.