Tambuling Batangas Publication January 31-February 06, 2018 | Page 4

OPINYON Enero 31-Pebrero 06, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] MIASCOR’s fiasco THE Manila International Airport Authority has been swift in announcing its non-renewal of its contract with MIASCOR Groundhandling Corporation following a recent incident of baggage pilferage, where a returning OFW from Canada lost P82,000 worth of items at Clark International Airport. The incident had gotten the ire of President Rodrigo Duterte himself. Upon learning of it, he apologized to the OFW and told him that the government would pay for whatever losses he incurred and that the perpetrators would be punished. The President said, “I would demand that there be justice instantly. Whoever is the service provider there, you terminate the contract and look for another one.” And that’s when MIAA announced the non-renewal of MIASCOR’s contract set to expire on March 31 as it gave the company 60 days to vacate airport premises. MIASCOR has already apologized and compensated the victim, and it now appealing to the President to hear its side of the story as it asks for forgiveness for the mistakes of some of their employees. MIASCOR president Fidel Herman Reyes went to the extent of using the company’s 4,000 employees in seeking sympathy, saying they’d lose their jobs. He also cited MIASCOR’s alleged good standing of 40 years as service provider. But despite MIASCOR’s apology, it cannot be denied that it was under their watch that the OFW had suffered the inconvenience and the heartbreak. The President cannot be blamed if he decides to not renew the contract of MIASCOR. After all, airports serve as the ]window of visitors in the country, and incidents like this one can ]leave the country’s image in tatters. Teo S. Marasigan Para kay Miriam Defensor-Santiago MAGANDANG ARAW. KAHIT alam kong mas komportable kang makipag- usap sa wikang Ingles, hindi ako magpapaumanhin sa paggamit ng Filipino. Isa siguro iyan sa dahilan kung bakit kahit marami kang sinasabi, hindi ka nakakaugnay sa masang Pilipino. Makulay ang wika mo, pero mas angkop iyan sa Texas kaysa sa Batangas. Iba talaga ang dating ng “putang ina mo” sa “son of a bitch”. Tagahanga mo ako noon. At hindi ako nagsisisi. Na noong eleksyong 1992, kahit hindi miyembro ng People’s Reform Party ay nagparami at namigay ako ng propaganda para manalo kang pangulo. Na kinabisado ko ang mga paborito mong sabihin – halimbawa, na “Para magtagumpay ang masama, sapat nang walang gawin ang mabubuti.” Na pinahalagahan ko ang mga personalidad na nadikit sa iyo noon: Herman Tiu Laurel, Isabel Ongpin, Antonio Leviste, at kahit si Ariel Rivera. Kung may naniniwala ngayon na ikaw ang nanalo sa eleksyong iyon at dinaya ka ng baril, maton, at ginto ni Fidel Ramos na inindorso ni Cory Aquino, kasama ako sa kanila. Hanggang ngayon, paniwala kong kailangang labanan ang katiwalian sa gobyerno – ang isyu ng kampanya mo noong 1992. Ang pagkatalo mo ay bahagi ng simula ng pagkawala ng tiwala ko sa gobyerno. Dinaya ka. Marumi silang lumaban: pinakawalan pa nila si Manoling Morato para ipagkalat na baliw ka. Hindi na nawala ang bansag na iyon: Brenda para sa brain damage. Galit ako kay Manoling dahil doon, noon at ngayon. Kung may sira-ulo na hindi kawalan ang paglaho sa pulitika, siya iyon at hindi ikaw. Tama ang sinabi ng isang propesor na sa kulturang Pinoy, madaling idikit sa baliw ang matatalino, lalo na ang sobra ang talino. Napagtitibay ang pagtingin sa iyo na ganito ng marami dahil sa pagpapasambulat mo ng salita at emosyon sa harap ng publiko, lalo na noong “Edsa 3”. Huwag mong isiping binalikan ko ang mga ito para hiyain o insultuhin ka. Gusto kong patunayan sa iyo na may masusugid kang tagahanga. Bihira ang makulay na personahe katulad mo kahit sa makulay na pulitika ng Pilipino. Sumulat ako sa iyo ngayon dahil sa tingin ko, hindi mo ginagamit nang mahusay ang talino mo. Gusto kong sabihin sa iyo na mula noong unang beses na nahalal kang senador – ikaw lang ang ibinoto ko noon – hindi mo pa napapasaya ako na isang tagahanga mo. Nitong nakaraang araw, lumabas sa bibig mo ang dahilan kung bakit: kung bakit mo ipinagtanggol si Erap noon at ipinagtatanggol si Gloria ngayon. Sabi mo, dahil abogado ka at propesor ng batas, ibinabatay mo ang tindig na pampulitika mo sa nilalaman ng batas. Hindi natapos ang paglilitis kay Estrada noon at hindi pa nahahatulang maysala si Arroyo ngayon, kaya sabi mo, dapat silang ituring na inosente. Ibig sabihin, dapat silang manatili bilang pangulo at hindi dapat patalsikin. Nagulat ako sa sinabi mo. Kaya siguro parang lagi kang mapagmataas. Paano nga naman makikialam sa pulitika ang isang mekaniko, waitress, o labandera sa ganyang paniniwala? Kung may batas ka, wala silang anuman sa trabaho nila para makialam sa pulitika sa bansa. Siguro, iyun ay ang hilahod na katawan at hikahos na pamumuhay dahil sa trabahong pinapasukan. Marahil, mababa ang tingin mo kapag ang mga taong ito ay sumasama sa mga kilos- protesta laban kay Arroyo. Ang totoo, sa maraming eksperto sa batas – at alam kong alam mo ito – nauuna ang pagtindig sa pulitika gamit ang iba’t ibang konsiderasyon bago itinutugma rito ang batas. Alam kong ganito ang nangyayari sa iyo. Pinaglilingkod mo ang galing mo sa batas kay Arroyo, hindi sa batas at lalong hindi sa bayan. Dahil kung hindi, bakit tahimik ka sa ligalidad ng patakarang “No Permit, No Rally”? Ng Executive Order 464? Ng kontrata sa Northrail Transit at iba pang patakaran ni Arroyo? Nalulungkot akong makita kang ginagawa ang makakabuti para kay Arroyo. Naging tagahanga mo ako dahil ang kinatawan mo noon ay hindi ang batas, kundi ang tama at totoo, ang bago at malinis sa pulitika. Binakante mo ang pwestong iyon sa kaisipan ng madla, kaya nakapasok si Raul Roco. Maysala si Arroyo sa pandaraya. Kung hindi man iyan napatunayan sa korte ng impeachment na pinatay ni Arroyo, ilang ulit nang pinatunayan iyan ng mga hakbang niya sa pulitika. Matalino ka, alam mo na iyan. O bukod sa matalino’y ubod-sama ka na rin ngayon? 08 Oktubre 2005