Tambuling Batangas Publication January 24-30, 2018 Issue | Page 2

BALITA Piangunahan ni Gov. Mandanas ang pagbabahagi ng Barangay Aid sa mga bayan ng Lobo, Mabini at Bauan Donn... industriya tulad ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., JG Summit, First Balfour Inc. at iba pa. Dito ay ipinaliwanag ng hepe ng TDRO na si Engr. Francis Beredo ang pansamantalang pagbabago ng ruta para sa mga malalaki at mabibigat na sasakyan. Hiniling rin niya ang pang unawa ng mula sa pahina 1.. mga dumalo sa maaring epekto ng pansamatalang rerouting sa kanilang hanapbuhay. Napagkasunduan na magkakaroon ng koordinasyon ang TDRO at Batangas City PNP sa kapulisan ng mga bayan ng Ibaan, Rosario at Taysan kung saan mag re reroute ang mga trak at tankers ng mga nasabing industriya para sa seguridad ng mga ito. Nakatakda na ring simulan ang pagsasaayos ng iba pang kalye sa Poblacion at sa rural barangays sa lungsod sa huling linggo ng Pebrero o unang linggo ng Marso matapos ang pagsasaayos ng mga dokumento at bidding para dito. (PIO Batangas City) DENR Compliant Sanitary Landfill, nakatakdang itayo sa Lungsod ng Tanauan LUNGSOD NG TANAUAN, Batangas-- Isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Tanauan ang pagkakaroon ng sariling sanitary landfill bilang pang matagalang solusyon sa problema sa basura. Ito ay bilang tugon sa naranasang problema noong nakaraang buwan ng Disyembre matapos hindi makapaghakot ng basura ang kanilang hauler at limitahan ang pagtatapon nito sa isang dumpsite sa Calamba City, Laguna. Ayon kay Mayor Antonio Halili, isang DENR- compliant sanitary landfill ang nakatakdang ipatayo upang hindi magdulot ng anumang polusyon o banta sa kalusugan ng mga Tanaueno. Aniya, batid ng kanilang tanggapan na may abiso na ukol sa pagsasara ng dumpsite sa Laguna sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ngunit labis na ikinagulat ng pamahalaang lungsod ang hakbang ng Filinvest Land,Inc. sa pagbabawas ng mga trak ng basura na makapagtatapon sa lugar. Ipinarating din niya na noong nakaraang taon ay nakapaglaan na ng 70 milyong pisong budget ang pamahalaang lokal na nakapaloob sa Appropriations Ordinance No. 2017-04 ng Sangguniang Panlungsod para sa pagbili ng lote at pagpapatayo ng sariling sanitary landfill kung saan ang konstruksyon ay itatakda sa loob lamang ng anim na buwan. May nakatakda na ring iskedyul para sa isasagawang “public scoping” para sa proyektong ito upang bigyang linaw ang mga katanungan ng mga nangangambang residente partikular ang mga naninirahan sa eksaktong lugar na paglalagakan ng sanitary landfill Ang panawagan lamang ng punong-lungsod sa kanyang mga kababayan ay suportahan ang lokal na pamahalaan sa masamang epekto ng walang sariling sanitary landfill. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports MA.THERESA BUNO-CIO TANAUAN) Pagpupulong Ng Mga Miyembro Ng Batangas milyon ang bumisita Officers Association (Batoa) SA pagsisimula ng taon, isang pagpupulong ang isinagawa ng Batangas Officers Association (BaTOA) noong ika- 24 ng Enero, 2018 sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), Capitol Compound, Batangas City. Layon nito na magbalik-tanaw sa mga programa at proyektong natapos noong 2017 at muling makapagplano ng mga bagong aktibidad na maaaring maisakatuparan sa kasalukuyang taon. Upang mas mapadami pa ang mga turistang dumarayo, layunin din nito na makagawa ng mga proyekto na mas lalong magpapaganda at magpapakilala sa mga natatagong yaman ng Probinsya ng Batangas sa iba’t ibang panig ng Pilipinas maging sa ibang bansa. Inilahad ng PTCAO ang parsyal na bilang ng mga turista na nagpunta sa Lalawigan ng Batangas nitong nakaraang taon bilang bahagi ng mga natapos na programa at proyekto. Tinatayang nasa humigit kumulang 6 sa iba’t ibang bayan ng Batangas partikular sa Sto. Tomas na kung saan aabot sa 4 milyon turista ang pumunta sa Malvar Shrine, Padre Pio Church, Sipit Trail at Mt. Malepunyo. Samantala nasa 1 milyon naman ang bilang ng mga turistang tumigil sa iba’t ibang hotel at resort upang magpalipas ng gabi. Karamihan sa mga turista ay pumunta sa bayan ng Nasugbu na may tinatayang 200,000 na bisita sa buong taon. Ma. Cecilei C. De Castro & Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO Enero 24-30, 2018 Barangay Aid para sa mga bayan ng Lobo, Mabini at Bauan Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan HINARAP ni Gov. Dodo Mandanas ang mga Barangay Officials ng mga bayan ng Lobo, Mabini at Bauan, Batangas upang personal na makadaupang – palad at maihatid ang Barangay Aid o tulong para sa mga barangay noong ika-22 ng Enero 2018 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compounds, Batangas City. Masayang kinausap ng Ama ng lalawigan ang mga opisyales ng barangay at ibinalita niya na isinasaayos na ang sistema para sa planong pension para sa mga ito sa oras ng kanilang pagreretiro sa barangay. Nararapat lamang na ibalik sa mga retiradong barangay Officials sa pamamagitan ng ikinakasang pension ang Bantayog... District Board Member Claudette Ambida Andal, ang Chairperson ng Committee on History, Tourism, Culture and Arts ng Sangguniang Municipal ... inorganisa ng Office of the Provincial Governor, sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan ng Kapitolyo na may kinalaman sa kanilang mahabang panahon ng pagsererbisyo publiko, dagdag pa ni Gov. Mandanas. Ayon sa ilang punong barangay na nakausap ng gobernador, ang barangay aid na makakalap nila ay magagamit para sa ikagaganda at ikaaayos ng kanilang mga nasasakupan, kagaya ng pagpapapintura ng kanilang barangay hall, pagpapagawa ng signages at pambili ng mga gamit sa kanilang tanggapan. Ibinalita din ni Gov. Mandanas na tuloy na tuloy na ang Barangay Elections ngayong Mayo 2018 at inaasahang makakatulong ang mga barangay officials upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa darating na halalan sa kanilang mga barangay. Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas mula sa pahina 1.. Panlalawigan ng Batangas, at Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Atty. Sylvia Marasigan. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1.. pananalapi at ng Provincial Assistance for Community Development Office, sa pangunguna ni Dr. Amante Moog. Vince Altar – Batangas Capitol PIO DFA chief urges public to report any passport application irregularity PARANAQUE CITY -- Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano is urging the public to report any irregularities in the DFA’s passport application service to have it investigated promptly by the agency. Cayetano made the appeal, following the ceremonial release of the first batch of passports that are valid for 10 years at the Department of Foreign Affairs (DFA)-Office of Consular Affairs Building at the Aseana Complex. Hindi po namin binabalewala iyon (mga ulat ng iregularidad). Hindi namin sinasabing wala, sa Facebook lang may nagbebenta. Ang sinasabi po namin sa inyo… give us the evidence or give us the lead,” Cayetano said. He said they are closely monitoring even the DFA’s social media accounts for important feedbacks or leads. At the same time, the official announced more reforms to further improve the delivery of consular services to the public. “The issuance of passports that will be valid for 10 years is among the passport reforms in consular services that we are undertaking in line with the President’s commitment to improve the delivery of services to the public,” Cayetano said. “We would like to thank the President, the Senate and the House of Representatives for Republic Act 10928 that extended the validity of the Philippine passport to 10 years,” he added. Under Department Order No. ‎010-2017 (Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. ‎10928 (2017), passports valid for 10 years would be issued to Filipinos 18 years old and above. He said Filipinos under 18 years would still be issued five-year valid passports. He said the 10-year passport will still cost P950 for regular processing of 10 working days, and P1,200 for express processing of 7 working days. The DFA also launched its “Passport on Wheels” mobile service, and later this year will open several consular offices in the provinces. “That is why the DFA is now focused on more efficient processing of passports. We are increasing our capacity to process by adding more people, adding more machines, and adding more processing centers all over the country,” he said. Cayetano said the DFA is also planning to introduce an e-payment system during the first quarter of 2018 that will allow passport applicants to pay the processing fee through banks and other platforms. “The setting up of an e-payment system is expected to streamline the application process, increase show-up rates, and defeat fixers,” he added. DFA produced 3,712,420 passports in 2017. This is 602,806 or 19.38 perent more than the passports produced in 2016. With the Passport on Wheels, additional consular offices and the e-payment system, DFA is confident that it can reach and service more applicants. (EPC/JCP/ PIA-NCR)