Tambuling Batangas Publication January 24-30, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
The poverty of anti-poverty policy... p.5
Barangay Aid para sa mga
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
bayan ng Lobo, Mabini
at Bauan Ipinamahagi ng
Pamahalaang Panlalawigan p.
2
Duterte
opens
bank
dedicated to the needs of
overseas Filipinos p. 3
Archbishop
Garcera nanguna
sa pagbabasbas ng
St. Francis De Sales
Broadcast Center
p.5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 05
Enero 24-30, 2018
P6.00
Bantayog – Wika Ng Komisyon Ng Wikang
Filipino, Itatayo Sa Batangas Capitol
BILANG bahagi ng pagtatatag
ng
Bantayog-Wika
sa
Batangas, nilagdaan ang isang
Memorandum ng Unawaan
sa pagitan ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas,
na kinatawan ni Gov. Dodo
I. Mandanas, at Komisyon
ng Wikang Pilipino, sa
pamamagitan ng Tagapangulo
nitong si Ginoong Virgilio
Almario, noong ika-22 ng
Enero, 2018 sa People’s
Mansion, Capitol Compound,
Batangas City.
Napili ng Komisyon
ng Wikang Filipino na maging
isang lokasyon ng pagtatatag ng
Bantayog-Wika ang Probinsya
ng Batangas.
Ang Bantayog-Wika
ay isang monumento o pisikal
na istraktura na nagbibigay
halaga sa mga wikang
katutubo bilang baul ng yaman
ng katutubong kaalaman,
kahalagahan, gawi, tradisyon
at kasaysayan ng mga Filipino.
Planong itayo ang
istraktura sa isa sa mga parks
ng Kapitolyo bilang isa itong
malawak at maaliwas na
espasyo. Ang Batayog-Wika
ay may kabuuang sukat na 10
ft x 2 ft ang diameter at gawa
sa stainless steel na gagawin
ng iskultor na si Mr. Luis
“Jun” Lee.
Kasamang lumagda
sa
kasunduan
sina
5th
sundan sa pahina 2
Donn Ramos road gagawin na
SISIMULAN
na
ng
pamahalaang lungsod sa January
24, Miyerkoles, ang pagsasaayos
at rehabilitasyon ng karsada sa
may Donn Ramos, simula Lion’s
marker hanggang sa may Carpio
Road ng brgy. Kumintang Ibaba
kung kayat magkakaroon ng
rerouting upang bigyang daan ang
proyektong ito.
Ayon kay City Engineer
Adela Hernandez, ang gagawing
kalye ay may haba na 150 metro,
lapad na mula 6.75 -8.6 na metro
at pakakapalin ng may .3 meters
o 12 inches upang ito ay higit
na matibay kahit daanan ng mga
mamalaking trak. Ang proyekto
ay tatagal ng 20 araw kung saan
18 oras ang trabaho bawat araw.
Ito ay inaasahang matatapos sa
February 14.
Ayon sa Transportation
Development and Regulatory
Office(TDRO),
magkakaroon
ng pansamantalang pagsasara ng
mga kalye sa Gov. Carpio (Don
Ramos) corner Roxas Road at
sa may kanto ng 7-11, sa may
dating terminal ng N. Dela Rosa.
Dahil dito ay gagawing two-
way ang Roxas Road at Telecom
Road na maari lamang daanan ng
mga magagaang sasakyan (light
vehicles). Ang mga malalaking
trak, tanker at iba pa na patungo
sa mga industriya sa baybaying
barangay ay pansamantalang
dadaan sa mga bayan ng Ibaan,
Rosario at Taysan.
Nagkaroon
ng
pagpupulong ang TDRO at mga
kinatawan ng mga apektadong
sundan sa pahina 2
Bantayog ng Wika sa Batangas. Lumagda sa isang Memorandum ng Unawaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas,
na kinatawan ni Gov. Dodo I. Mandanas, at Komisyon ng Wikang Pilipino, sa pamamagitan ng Tagapangulo nitong si Ginoong
Virgilio Almario (2nd mula kaliwa), para sa pagtatayo ng Bantayog ng Wika sa Batangas Capitol noong ika-22 ng Enero, 2018
sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Kasama nila sina (kaliwa) 5th District Board Member Claudette
Ambida Andal, ang Chairperson ng Committee on History, Tourism, Culture and Arts ng Sangguniang Panlalawigan ng
Batangas, at Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Atty. Sylvia Marasigan. Kimzel Joy T. Delen / Photo: Karl
Ambida – Batangas Capitol PIO
Information Dissemination ukol sa Dengvaxia,
pinaiigting sa Lungsog ng Tanauan
LUNGSOD NG TANAUAN,
BATANGAS
--
Pinaigting
ng pamahalaang lungsod ng
Tanauan
ang
information
dissemination
kaugnay
ng
dengvaxia vaccine immunization
sa ginanap na Local Health
Board meeting noong Enero 16.
Ayon kay Mayor Antonio Halili,
dapat lamang na masiguro
ang kaligtasan ng may 2,386
na kabataan sa lungsod na
sumailalim sa “school-based
anti-dengue
immunization
program” na ipinatupad ng
Department of Health noong
2016.
Kaugnay nito, iniatas
sa mga kawani ng City Health
Office ang pag-alam kung ilan
sa bilang ng mga kabataang
nabigyan ng vaccine ang hindi
pa nagkakaroon ng dengue
upang maipatawag ang mga
magulang at mabigyan ng sapat
na kaalaman ukol dito.
“Nararapat lamang na
mabigyan ng sapat at tamang
kaalaman ang mga magulang ng
mga batang ito upang maiwasang
humantong sa severe dengue
case na maaaring ikamatay ng
isang bata sa loob lamang ng 12
oras kung hindi agad maaagapan
ito,” dagdag pa ni Halili.
Ipinagbigay-alam din
na kung sakaling makikitaan
ng mga magulang ng anumang
sintomas ang kanilang mga
anak ay agaran itong dalhin
sa pinakamalapit na center o
pagamutan upang maeksamin at
mabigyan ng kaukulang lunas.
Kaugnay nito, bilang
preventive program ng City
Health Office, patuloy naman
ang paglulunsad ng clean up
drive sa mga barangay.
Sa tala ng CHO, may
14 na kaso ng dengue mula sa
mga nabakunahan ng Dengvaxia
ang naitala kung saan dalawa
lamang dito ang naospital
Sundan sa pahina 3..
Municipal League of Presidents of Barangay
Treasurers ng Batangas Province nag-
Refresher Course sa Kapitolyo
Samahan ng Barangay Treasurers ng Batangas. Dumalo ang mga miyembro ng Municipal League
of Presidents of Barangay Treasurers ng Lalawigan ng Batangas sa isang refresher course sa
People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City noong ika-23 ng Enero 2018. Vince Altar /
Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
NAGTIPON
ang
mga
miyembro ng Municipal
League of Presidents of
Barangay Treasurers ng
Lalawigan ng Batangas
para sa isang refresher
course
patungkol
sa
kanilang mga pangunahing
tungkulin na ginanap sa
People’s Mansion, Capitol
Compound, Batangas City
noong ika-23 ng Enero 2018.
Malugod
na
tinanggap ni Gov. Dodo
Mandanas ang 31 barangay
treasurer
presidents
na
dumalo
sa
programa.
Tinalakay sa kahalating
araw na pagtitipon ang
pagbubuwis,
gastusin,
bayarin at mga usapin sa
pananalapi ng mga barangay,
na siyang pinakamaliit na
dibisyong
administratibo
ng
pamahalaan.
Naging
resource
persons sina Provincial
Assessor Engr. Eduardo
Cedo, Provincial Treasurer
Fortunata Lat, Provincial
Accountant
Marites
Castillo
at
Provincial
Budget Officer Victoria
Culiat. Ang aktibidad ay
sundan sa pahina 2