Tambuling Batangas Publication January 23-29, 2019 Issue | Page 4

OPINYON January 23-29, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Dumb and Dumber’s death toll The most common accusation that critics of President Rodrigo R. Duterte take to his doorstep has to do with the violence that seems to attend his anti-illegal drug advocacy — his so-called “war” on drugs he promised and one he has been carrying out since taking office. While admittedly there have been fatalities where an illegal industry has both a medical and a health aspect running alongside a criminal and violent strain, the number of fatalities cannot be ascertained. As such accountabilities cannot be fully blamed on specific identifiable entities unless we unravel layer upon layer of a deeply syndicated criminal super- hierarchy. As in any “war” the count will always remain in dispute. Critics brandish a range from 15,000 to 20,000 killed in the drug war. The official count is approximately 5,000, where the 67 percent inaccuracy, a difference of from 5,000 to 10,000, remains unsubstantiated, unverifiable and unrecorded. The arithmetic is worsened by partisan politics and by recalcitrants unwilling to accept an administration that has blamed its predecessor for having not only dropped the ball on peace and order issues related to the illegal drug epidemic but had actually catalyzed the menace through very specific local government party officials acting as drug lords, plus one Aquino Cabinet secretary now being prosecuted for using her high office to traffic drugs. It was a toxic chemistry of proactively trafficking and spreading the menace and a brew comprised of bungling buffoonery and incompetents derelict of their charge to address the drug problem. Against an official fatality count of 5,000 from the administration’s advocacy on illegal drugs, deliberately discounting the distorting effects of partisan passions and hyperbole, allow us to present the official number of fatalities racked up under the elitist administration of Benigno Aquino III and his Interior Secretary who recently resurrected his political ambitions. We are focusing on Aquino’s presidency and the various portfolios held by former Secretary Manuel Roxas as their greater number of deaths relative to Duterte’s “war” casualties were under programs in which both were complicit and accountable. In August 2010, hardly a quarter into the Aquino presidency in what is now called the Luneta Massacre, nine lay dead a few meters from where Aquino took his oath of office, there spilling unnecessary blood and guts due to the colossal bungling of ill-equipped and uncoordinated police forces. In September 2013, in a fiasco to be known as the Zamboanga Siege, 38 casualties and over 110,000 innocent civilians were left despondent and homeless, some even injured, as totally avoidable hostilities under the direct command of Aquino as he “played Patton” were unnecessarily extended to as long as three weeks. When reassessments were conducted, the number of official casualties rose to 120 dead. Today, certain quarters suspect hostilities were deliberately prolonged as a “tail-that-wags-the-dog” gambit to bury issues surrounding Aquino’s Priority Development Assistance Fund scam. Later in November 2013, in connection with the “Yolanda” tragedy, notorious for serial fiascos, publicity stunts, incompetent crisis management, and partisan politics, the official count of the dead and missing was pegged at 7,361. It was ironic that as more dead were found, more funds were also either squandered or lost. In January 2015, in a brazen violation of a punitive suspension order imposed on a four-star general accused of graft, Aquino effectively sent as many as 70 to certain death in a botched operation originally planned to simply serve a warrant of arrest. The casualties counted 44 police officers heinously massacred, 21 rebels killed and five bystanders caught in a clandestine operation now labeled the Mamasapano Massacre. In April 2016 the Aquino government recklessly launched a mass-based Dengvaxia vaccination program in three vote-rich provinces. The program not only bypassed critical testing, approval and funding protocols but it also coincided with an uphill political campaign to have Roxas succeed Aquino. As 13 January 2019, the Public Attorney’s Office recorded 111 official autopsies related to Dengvaxia. Based on officially reported numbers sans 600 suspected Dengvaxia deaths, Dumb and Dumber’s deaths total 7,671. Products of criminal negligence and sloth, match that against the official toll of the war on drugs. Ni Teo S. Marasigan 2nd Part (2) Ikalawa, hindi totoong nagdulot ng paghina ng CPP-NPA ang pagkawala ng mga dating kadre nitong sina Kintanar, Lagman, Tabara at Reyes. Ipinakita ng paglakas ng Kilusan, na resulta ng kilusang pagwawasto nito, na hindi nakapagpahina rito ang pagpapatalsik sa dating mga kadre nitong hindi na tumatangan sa batayang mga prinsipyo, ayaw tumanggap ng responsibilidad sa malalaking pagkakamali, ayaw magwasto ng mga pagkakamali, lantad na umatake sa Kilusan at gumawa ng malalaking krimen laban sa Kilusan at mga mamamayan – kahit pa tinatawag silang “de-kalibre,” di-dogmatiko at “malikhain” ng isang Abinales. Hindi humina ang Kilusan sa pagpapatalsik sa kanila; sa halip, napigilan ang patuloy na paghina nito. Noong pinatalsik sila, ipinakita nila ang tunay nilang kulay. Naging hayag ang pagiging Trotskyista at nalantad ang pagbebenta sa mga maralita ni Lagman, nakipagkutsabahan si Tabara sa AFP at mga panginoong maylupa kontra sa NPA, at naging ahente ng militar at nanumpa pang miyembro ng Lakas- NUCD si Kintanar. Sinasabi ring nakikipagtulungan sa militar si Reyes kontra sa NPA. Sila ba ang mga kadreng dapat panghinayangan ng CPP-NPA? Ni hindi na sila kaisa sa prinsipyo, paano pa sila magiging kasapi o kadre? Kung nanatili sila sa Kilusan, mas malamang na ipagpapatuloy nila ang pagsira rito mula sa loob. (3) Ikatlo, hindi napatunayan ni Abinales na mas mahuhusay ang mga personalidad ng Kaliwa noong dekada ’80 kaysa sa mga personalidad ngayon. Napaka-personalistiko ng pagsuri si Abinales, kahit sa isang Kilusang nagbibigay ng ibayong halaga sa sama-samang pagmumulat, pagkilos at pag-oorganisa ng masa. Kahit sa antas ng personalidad, gayunman, kaduda-duda kung totoo ang kanyang pagsusuri. Tiyak na makikita noong dekada ’80 ang mabubuting katangiang rebolusyunaryo, pero batay sa salaysay ng Kilusan, naglitawan din ang samu’t saring personal na pagkabulok at pag- atras. Malayo raw ang “sakiting” si Gregorio “Ka Roger” Rosal kumpara kay Kintanar? Bakit sila ipinagkukumpara? Noong kumikilos si Kintanar, kumander siya ng NPA samantalang tagapagsalita ngayon ng CPP si Rosal. Pero narito ang Abinormal paghahambing: Nananatiling matapat na NPA si Rosal samantalang namatay na ahente ng gobyerno si Kintanar – na kinumpirma mismo ni Gloria Arroyo. Malayong gaya-gaya si Renato “Nato” Reyes, pangkalahatang kalihim ngayon ng Bayan, kay Lean Alejandro? Nakakapag-ambag ang mga lider-masa sa paglakas ng kilusang masa pero ang susi sa pagsikat ng mga lider-masa ay ang paglakas ng kilusang masa. Sumikat si Lean dahil sa malalaking aksyong masa noong panahon niya, higit sa personal niyang kakayahan. Hindi porke hindi pa kasing-sikat si Nato ay hindi siya mahusay. Kilala kaya ni Abinales si Nato? Napakinggan na kaya niya na magtalumpati si Nato sa mga mobilisasyon – na nakakapagpataas ng balahibo sa ahitasyon? Nabasa na kaya niya ang mga isinulat ni Nato? Ewan ko sa iba, pero sa tingin ko, maihahambing, kung hindi man mas matalas pa, ang mga isinulat ni Nato kumpara sa mga isinulat ni Lean. Kesyo ang pinakamahusay na gawain sa pakikipagkaisang prente nina Teddy Casiño at Satur Ocampo sa Kongreso ay ang lihim na pakikipagkasundo sa mga panginoong maylupa. Gusto niyang palabasing tunay na maka-magsasaka ang isinusulong na “CARP Extension with Reforms” ng Akbayan at iba pang grupo. Patunay ng pag-atras ng mga dating progresibo na nasa Akbayan ngayon na nagsusulong sila ng programang kinokondena nila noon bilang peke at pabor sa mga panginoong maylupa. Ang talagang bangga sa interes ng mga panginoong maylupa ay ang rebolusyong agraryong isinusulong ng NPA, hindi ang anumang batas na kayang ibigay ng Estado ng mga panginoong maylupa. Kesyo ang mga yunit ng NPA na “nilikha at pinrotektahan sa madugong internal na pamamaslang noong dekada ’80” ni Kintanar ang siyang nangunguna sa buong bansa ngayon sa mga taktikal na opensiba. Ano ang gustong sabihin ni Abinales? Salamat kay Kintanar para sa mga opensibang ito halos dalawang dekada mula nang mapatalsik siya? Humina ang CPP-NPA sa Mindanao matapos ang adbenturismong militar ni Kintanar. Mismong ang yunit dito ay hindi nagpapasalamat, kundi nangunguna sa pagkondena sa mga krimen niya. (4) Ikaapat, mas masigla ngayon ang mga aksyong militar ng NPA kumpara sa mga pagkilos ng kilusang masa sa kalunsuran hindi lang dahil gusto ng CPP-NPA na magpanatili ng imahe bilang “pinakamalaking banta sa gobyerno.” Mababasa sa mga dokumento ng CPP-NPA na ang gusto nila, sa yugtong ito ng pakikibaka, ay magsalimbayan ang malalawak na aksyong masa ng kilusang masa sa kalunsuran at ang malalakas na taktikal na opensiba ng NPA sa kanayunan. Sa tingin nila, gayunman, naglilingkod ang dalawa sa kongkretong mga layunin – pagkakamit ng taktikal na ginhawa para sa masa at pagprotesta sa masasamang patakaran sa una, at pagpapahina sa militar at pag-agaw ng mga armas sa ikalawa. Ibig sabihin, hindi ginagawa ang mga ito para lang magpatatag ng imahe – bagamat, totoo, sa paggawa ng mga ito, nagiging pinakamalaking banta ang Kilusan sa Estado. Natural, gayunman, na may negatibong epekto ang pasistang atake – ang panghaharas, ekstrahudisyal na pagpaslang, at pagdukot sa mga lider at miyembro ng progresibong mga organisasyon, at ang takot na nalilikha ng mga ito – ng rehimeng Arroyo sa hayag na kilusang masa. Siguro, isa ito sa maituturong dahilan kung bakit mas malalaki ang mga aksyong masa sa kalunsuran sa nakaraang mga taon kumpara ngayon. Siguro, isa rin ito sa maituturong dahilan kung bakit mas tampok ngayon ang mga taktikal na opensiba sa kanayunan kumpara sa mga aksyong masa sa kalunsuran. Pero bago magdiwang si Abinales, ang AFP, at ang mga tagapagtanggol ng sistema, kailangang idiin na nagpapatuloy ang mga aksyong masa sa kalunsuran. Masasabi sigurong napapabagal pa ngayon ng pasistang atake ang pagsulong nito – “pa ngayon” dahil ipinakita na ng kasaysayan na kayang umangkop at lumakas ng Kilusan kahit sa harap ng pinakamapanupil na mga hakbangin ng Estado, noong Batas Militar halimbawa. Pero napapabagal lang, hindi napapatigil. At makabuluhang pahayag na ito: Patunay ng tatag ng Kilusan na hindi ito sumusuko, bagkus ay patuloy na nagsisikap, sa harap ng patraydor na pasistang mga atake ng Estado. Patunay din ito ng posibilidad ng muli at mas malakas na pagsulong nito sa hinaharap. 01 Pebrero 2009 Itutuloy