Tambuling Batangas Publication January 23-29, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Training junior farmers: a hope for agriculture... p.5
President Duterte attends
PULI annual assembly in
Quezon.p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
CIUDAD MALASAKIT:
transition homes for
displaced families of
Bacoor p. 5
RDC 4A gears up for
promotion of culture in the
region p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 4
January 23-29, 2019
P6.00
DENR nagbigay ng NOV sa mahigit
200 livestock farms sa Batangas
BY MAMERTA DE CASTRO
LUNGSOD
NG
BATANGAS,
(PIA)- Mahigit 200 livestock farms
ang binigyan ng Department of
Environment and Natural Resources
(DENR) Calabarzon ng notice of
violation (NOV) sa isinagawang
pagpupulong sa Batangas City
Convention Center (BCCC) sa
lungsod na ito noong Enero 18.
Ayon
kay
DENR
Calabarzon
regional
executive
director Ipat Luna, nagpatawag ang
kanilang ahensya ng pagpupulong
upang ituro sa mga may-ari ng
naturang mga livestock farm ang
tamang pagsunod sa Clean Water Act
upang matigil na ang pagpapadaloy
ng mga dumi sa iba’t-ibang bahagi
ng tubig tulad ng mga ilog at sapa.
“Dapat ay magkaroon
ng sariling wastewater treatment
facilities ang mga farm. Ipapadala
na namin sa Pollution Adjudication
Board ang kaso ng mga hindi dumalo
at mahigpit naman ang gagawing
monitoring sa mga nangako na
susunod sa ating panuntunan. Ang
mga farms na nabigyan ng NOV
ngunit hindi sumunod ay papatawan
ng araw araw na multa mula sa petsa
kung kalian naibigay sa kanila ang
violation notice,” ani Luna.
Ayon kay Jose Elmer
Bascos, PENR Officer, ang ginagawa
ng DENR ay hindi lang makakatulong
Sundan sa pahina 2..
Maagang pangangampanya sa
2019 elections, ipinagbabawal
By Ruel Orinday
LUNGSOD NG LUCENA,
(PIA)- Mahigpit na ipinagbabawal
ngayon ng Commission on
Elections (COMELEC) ang
maagang pangangampanya ng
mga kandidato sa halalan sa
Mayo 2019.
Sa
programang
Balikatan Unlimited with PIA sa
DWLC-Radyo Pilipinas Lucena,
sinabi ni Roberto Luzano ng
COMELEC-Quezon na ngayon
pa lamang ay napakadami nang
mga posterc o campaign materials
ang makikita sa mga punong
kahoy, sa pader ng mga gusali at
iba pa na ngayon ay ipinatatanggal
ng COMELEC sapagkat hindi pa
naman talaga ito ang panahon
para mangampanya ang isang
kandidato.
Ayon sa Calendar of
Activities ng COMELEC, ang
pangangampanya para sa mga
senador at party list groups ay
magsisimula
sa Pebrero 12
hanggang sa Mayo 11, 2019
samantalang
ang campaign
period para sa mga local position
ay masisimula pa lang sa Marso
29, 2019 hanggang Mayo 11,
2019.
“Ang
sinumang
kandidato na lalabag sa alituntunin
na ito ay posibleng mapatawan ng
kaparusahan,” sabi pa ni Luzano.
Sundan sa pahina 2..
Pinulong ng DENR Calabarzon ang may 200 livestock farms na nabigyan ng notice of violation (NOV) dahilan sa pagtatapon ng dumi
ng kanilang mga alaga sa iba’t-ibang katubigan sa lalawigan ng Batangas. Itinuro sa mga ito ang pamamaraan upang makasunod sa
Clean Water Act at maiwasan magmulta o makasuhan sa kanilang paglabag. Makikita sa larawan si PENR Officer Jose Elmer Bascos
at iba pang mga CENR officials sa lalawigan,.(Photo by: PENRO Batangas/Caption by: Bhaby P. De Castro)
Ikatlong waterworks project sa Catandala
pinasinayaan ni Mayor Dimacuha
Pinasinayaan ni Mayor Beverley
Dimacuha ngayong January 25
ang ikatlong waterworks system
sa barangay Catandala kung
saan may 175 kabahayan ang
makikinabang.
M a t u t u g u n a n
rin ng proyektong ito ang
pangangailangan
sa
tubig
ng mga babuyan na siyang
pangunahing pinagkakakitaan
ng mga residente ng barangay.
Ang
tangke
na
nagkakahalaga ng P5.2 milyon
ay naglalaman ng 8,000 galon
ng tubig at itinayo sa 60
metro kwadradong lupa na
ipinagkaloob ng donor na si
Delia Mercado.
Ayon
kay
City
Planning and Development
Coordinator Januario Godoy,
may 70 waterworks projects
na ang naipatupad sa may 52
barangay mula nang ilunsad ang
proyektong ito ni dating Mayor
Eduardo Dimacuha noong 1988.
Hiniling ni Mayor
Dimacuha sa mga beneficiaries
na ingatan at maging maayos sa
pamamahala ng proyekto.
“Pakiusap po sana na ay
mahalin po ninyo ang proyektong
ito at pangalagaan po sana natin
ang ating kapaligiran lalot higit
po sa pangangasiwa ng dumi ng
mga alagang baboy,’’ sabi ng
Mayor.
Ipinaabot naman ni
Pang. Victor Javier ang taos
pusong pasasalamat ng barangay
sa naturang proyekto.
Pormal
na
iniatas
ng pamahalaang lungsod ang
management at operation ng
waterworks sa Waterworks
Association sa pamumuno ni
Edwin Gutierrez.
Dumalo at nakiisa sa
pasinaya ang mya myembro ng
Team EBD.
Mga senior citizen na
wala pang ID, maaaring
kumuha sa OSCA
By Ruel Orinday
Hinihikayat ni Gng. Salome Dato, hepe ng tanggapan ng senior citizen affair (OSCA)- Lucena City ang mga senior citizen na wala
pang senior citizen ID na mag-apply at kumuha ng ID sa OSCA upang makakuha ng mga benepisyo mula sa lokal at nasyonal na
pamahalaan. (PIA-Quezon)
LUNGSOD NG LUCENA,
Quezon,
(PIA)-
“Maaaring
mag-apply at kumuha ng senior
citizen’s ID ang mga taong
umedad na ng 60 taon sa Office
of the Senior Citizen (OSCA)
sa Lucena City Government
Complex upang makakuha ng
benepisyo mula sa pamahalaang
panglungsod at maging sa
nasyonal na pamahalaan.”
Ito ang isa sa mga
inihayag ni Gng. Salome Dato,
hepe ng OSCA-Lucena City sa
idinaos na “Kapihan sa PIA”
sa Pacific Mall Activity Center,
Lucena City noong Biyernes,
Enero 11.
Sinabi ni Dato na
kabilang sa mga benipisyo na
natatanggap ng mga senior
citizen sa kasalukuyan ay ang
birthday cash gift na P500.00 at
nagbibigay rin sila ng libreng
pangsine sa SM City Lucena para
sa mga senior citizen dalawang
beses sa loob ng isang buwan.
“Sa
pamamagitan
ng Social Pension Program
Sundan sa pahina 3..