Tambuling Batangas Publication January 17-23, 2018 | Page 5
OPINYON
Enero 17-23, 2018
Modernong sports complex itatayo sa
nasyonal ang lungsod ng
lungsod ng Tanauan
Tanauan para sa nasabing
LUNGSOD
NG
TANAUAN, Batangas --
Nakatakdang
umpisahan
ang isang makabagong
sports complex ngayong
taon sa Barangay Darasa ng
lungsod na ito.
Nilalayon
ng
naturang proyekto ang
tuwirang iiwas o ilayo ang
mga kabataan ng lungsod
sa paggamit ng ilegal na
droga.
Ayon
kay
Mayor Antonio Halili,
nakatanggap ng inisyal na
30 milyong pisong pondo
mula sa pamahalaang
proyekto.
Kasama ng sports
complex ang 4,000 seating
capacity na grandstand,
oval track and field at
5,500 seating capacity na
indoor sports stadium,
isang 3 to 4-storey Senior
High School Building,
by Kenneth Roland A. Guda
ANG MAIKLI’T MABUTING
HALIMBAWA NI JO LAPIRA
MALIIT lang si Jo. Maikli lang ang
naging buhay niya. Pero malaki at
mahaba ang pagdakila sa kanya ng
lahat ng nakahalubilo niya. Ikalawa
sa serye.
Wala pang isang buwan
pero nahulog agad ang loob ni Ela.
Sa mga kasama. Sa lugar. Sa mga
bata. Sa mga gawain. Andami niyang
kuwento. Gusto niyang ikuwento sa
mga kaibigang naiwan sa Maynila.
Gustong ikuwento ni Ela kay Emil.
Araw-araw sinulatan ni Ela si Emil.
“Ang hirap makahanap ng panahon
para sulatan ka,” ani Ela, noong
Agosto 8, unang linggo niya doon.
Pero gusto, kaya nagagawan ng
paraan. Nakapagsulat siya noong
Agosto 10 habang nakatayo at
nagtuturo sa mga bata. Nakapagsulat
siya noong Agosto 13, kahit bawal
ang malakas na ilaw sa kampo,
at kinailangan niyang ibalot ng
malong ang flashlight na kagat-
kagat niya para makita ang sinusulat.
Nakapagsulat siya noong Agosto 14
habang nakaposte. At noong Agosto
16, habang nasa gubat para makaiwas
sa “kaaway” (militar), nakapagsulat
din siya.
“Kagabi ay literal nang
muntik akong mamatay kung hindi
pa ako sinagip ng kalikasan at ng mga
kasama. Naka-mobile kami, at may
bababaan sa gubat,” sulat niya kay
Emil noong Agosto 17. “Malambot
’yung lupa at gumuguho habang
inaapakan. Matarik din at malalim.
Nung pababa na ako, nadulas at na-
slide pababa. Huhu.”
Noong Agosto 20, tinuruan
siya ng arnis. Tinuruan siyang umagaw
ng baril at iba pang pagdepensa
sa sarili. “Lagi nilang sinasabi na
mataray ako. Haha. Dahil nagpupuna
ako palagi sa macho nilang joke o
pahayag. May isang kasama pa dito
na nagdrowing ng malaswang picture
ng babae! Nasungitan ko talaga sila
lalo’t walang umamin tas nakangisi
pa. Pero nagpuna rin naman (sa sarili)
yung gumawa kaya okay na.”
Bawat sulat, nagwakas sa
“Mahal kita!”
Pero hindi napadala kay
Emil ang mga sulat. Nasa pag-
iingat ito ni Ela noong nasawi siya
kasama ang 15 iba pa sa sinasabing
engkuwentro raw ng mga gerilyang
New People’s Army (NPA) at mga
sundalo ng Philippine Air Force
noong Nobyembre 28. Ayon sa
militar, si Ela raw ay si Josephine
Anne “Jo” Lapira, 22, estudyante ng
Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila.
Inilabas ng militar sa publiko ang mga
liham. Ang gusto nitong mensahe:
Huwag tularan ang batang sinayang
ang buhay. Sa isang Facebook Page
ng militar, pinaskil ang mga sulat.
Panakot ba.
Pero lalong nagkaroon ng
buhay sa sinumang magbabasa nito
si Ela—o Jo, kung totoo man ang
sinasabi ng militar. Nagkaroon ng
dahilan ang desisyon ng 22-anyos
na estudyante na mamundok at
magrebelde. Hindi inaasahan ng
militar, pero pinatunayan ng mga
liham na hindi “brainwashed” si
Jo, kundi kusang nagdesisyon,
kusang nakita ang katuturan ng
pagrerebolusyon. Kusang nakita ang
kalagayan ng mga magsasaka, ang
pagpapabaya ng Estado sa kanila, ang
epekto ng karalitaan sa mga bata.
Sa
mga
sulat,
“nagtitimbang” si Ela/Jo kung
magtutuluy-tuloy na siya o babalik
pa ng Maynila. Pero kuwento ng
mga kaibigan niya, di nagtagal
matapos maisulat ang mga liham
na ito, nagdesisyon na si Ela/Jo.
Pagtuntong ng Setyembre, doon na
siya sa kanayunan mamumuhay,
maninirahan at kikilos.
“Mabilis siyang matuto,”
kuwento ni Annie (di-tunay na
ngalan), kaibigan, kasamahan sa
Gabriela-Youth sa UP Manila. Siya
rin ang nagrekrut kay Jo sa nasabing
organisasyon
ng
kababaihang
kabataan. “Noong gusto niyang
matuto ng ukelele, inaral niya.
Studious si Ela.” Magaling din siya
sa Math.
Taong 2012 pa raw narekrut
sa Gabriela-Youth si Jo. Nagkaroon
ng diskusyon hinggil sa karahasan
laban sa kababaihan sa kanilang
organisasyon sa UP Development
Society. “Mahilig siya sa purple,”
kuwento pa ni Annie. “Bukod sa may
pagka-feminist talaga.” Marahil, may
kinalaman din dito ang pagtatapos
niya ng hayskul sa St. Scholastica’s
Academy sa Marikina. Doon pa lang,
nakita na niya ang halaga ng paglaban
para sa karapatan ng kababaihan.
Pero tiyak na hindi
naging madali para sa tulad ni Jo
ang maging aktibista. Diumano’y
anak siya ng isang accountant sa
isang multinational corporation.
“Naghaharing
uri.
Malaking
burgesya-kumprador,” ani Annie.
“Mataas ang burgis na pamumuhay.
Weekly, nagkakape nang sosyal,
(umiinom ng) milk tea, (kumakain
ng) cheesecake.Pangarap nilang
magkakaibigan noon na kainan ang
lahat ng restaurants sa Robinson’s
Manila bago sila gumradweyt.”
Malumanay magsalita si
Jo. “Yung tumatabingi talaga yung
(dila). Tapos Inglesera siya. Bulul
siya sa (pagbigkas ng) Gabriela-
Youth. Hindi niya mabigkas ang ‘r’
sa Gabriela. Puro ‘l’,” natatawang
naalala ni Annie. Kaya nang
masabak si Jo sa room-to-room na
pagpapaliwanag hinggil sa iba’t ibang
isyung panlipunan, sa bandang dulo
inilagay ang tungkulin ni Jo. “Para
humingi ng donations at magrekrut,”
ani Annie.
Epektibo siya. Dumami
ang rekrut sa Gabriela-Youth. “Mga
kikay sila, maliliit, cute,” kuwento pa
ni Annie hinggil kay Jo at mga ka-
batch niya noon. Hulyo 2013, unang
beses nakalabas si Jo sa UP Manila—
para sa programang Tulong-Eskuwela
sa mga bata sa Smokey Mountain sa
Tondo, Manila. “Noon, ang naisip
pa niya, tatapusin niya ang pag-aaral
para makatulong,” sabi pa ni Annie.
Kalaunan, lumipat siya ng kurso,
mula Development Studies, nag-
enrol siya sa kursong Biochemistry
dahil gusto niyang maging doktor.
Taong 2015 nang mahimok siyang
tumakbo sa student council bilang
kinatawan ng College of Arts
and Sciences. “Siya ang may
pinakamalaking nakuhang boto
sa kasaysayan ng CAS. Kaya
source of pride niya iyun,” ani
Annie. “Gabriela-Youth lang ang
makinarya niya. Pero nanalo siya
dahil din sa kanyang katangian
na mapagkaibigan, sociable.” Sa
3-storey DepEd Division
Administration Building at
4-storey Senior High School
Dormitory Building din ang
nakatakdang ipatayo.
Nakatakdang
umpisahan sa unang bahagi
ng taon ang pagpapagawa
ng 15 metrong kalye (access
road) patungo sa project
site.
Pinangunahan
din nito kasama ang
mga
miyembro
ng
Sangguniang Panlungsod
ang pagpaparangal sa mga
batang atletang Tanaueño
na nagsipag-uwi ng kani-
kanilang
karangalan
matapos magwagi sa Inter-
Division Sports Competition
noong nakaraang taon
sa
Bolbok,
Batangas City sinabi nito na kapag
natapos na ang naturang
proyekto, inaasahan ang
pagho-host ng Tanauan
City ng mga malakihang
sports
competition
at
activities tulad ng Palarong
Pambansa.
“Ang isang kabataan
na mahilig sa sports ay hindi
siguro maghahangad na
sirain ang sariling katawan
sa paggamit ng drugs at ito
ang pinakaunang dahilan
kung bakit nais nating
magkaroon ng modernong
sports complex ang ating
lungsod upang maiiwas sa
bisyo ang mga kabataan,”
ayon kay Mayor Halili.
(GG/BHABY
P.
DE
CASTRO-PIA BATANGAS
with reports from CIO
TANAUAN)
konseho, mabilis siyang natuto sa
mga isyung pampulitika.
Matapos ang tungkulin
sa konseho, tila naghahanap na si
Jo ng mas malalim na komitment.
Hunyo 2017 na noon. “Nawala siya
nang tatlong araw. Nag-deactivate
ng Facebook,” kuwento pa ni Annie.
“Pagkatapos, nagpakita sa amin,
humihingi ng pasensiya. Nag-isip-
isip daw siya. Ayaw na niyang
mag-aral. Gusto na niyang kumilos
bilang buong-panahon o full time na
organisador ng Gabriela-Youth. Kaya
kumuha siya ng gamit sa bahay, nag-
iwan ng sulat sa mga magulang at
nagpalit ng cellphone number.
“Hindi pa siya nakaranas
noon ng dispersal sa rali. Wala siya
tuwing may gitgitan,” kuwento pa ni
Annie. Kaya magkasabay na nagulat
at natuwa sila sa desisyon ni Jo.
Pero pakiramdam ni Jo, may
mas malalim pa siyang maiaambag.
Walang isang buwan, nagpaalam muli
siya sa mga kasamahan. Gusto niyang
makipamuhay sa mga magsasaka,
makita ang kanilang pakikibaka, ang
kanilang rebolusyon.
Mabilis ngang matuto si Jo.
Kung pagbabatayan ang
mga paabot niya sa naiwang mga
kaibigan sa eskuwela, isang buwan pa
lang si Jo sa piling ng mga magsasaka
sa Batangas nang magdesisyon na
siyang doon na siya sa kanayunan
mamuhay—bilang rebolusyonaryo.
Lampas tatlong buwan matapos
makarating ng Batangas, nasawi si Jo
at ang 14 na iba pa.
May ipinasang bidyo
sa Pinoy Weekly ang isa sa mga
kaibigan niya. Galing daw ito sa
isang kakilala na miyembro ng isang
kapatirang may miyembrong militar.
Tumanggi nang sabihin ng kakilala
kung saan niya nakuha ang bidyo.
Ang bidyo, kuha sa pinangyarihan
ng “engkuwentro.” Doon nakita ang
mga diumano’y rebelde, bulagta
sa kalsada. Ang isa, dumidilat pa,
hawak ng isang rumesponde ang
ulo. Naririnig sa background: “Iyan
ba si Ela?” Oo raw. Lumalabas sa
bidyo, natanong o nainteroga na sa
puntong iyon si Jo. Kaya nabigay pa
niya ang kunwa’y pangalan na “Ela
Rodriguez.”
Sa isang Facebook Page na
pinamagatang “Legal Army Wives,”
pinaskil naman ang wala-nang-buhay
na larawan ni Jo. Nananakot ang post.
Huwag daw kasi paloloko sa mga
organisasyong katulad ng nilahukan
ni Jo sa UP Manila.
Sa
midya
noong
Nobyembre 29, sinabi ni Maj.
Engelbert Noida, kumander ng 730th
Combat Group ng Philippine Air Force na nagsagawa ng operasyon
kontra sa mga rebelde, na tinakbo
raw ng mga militar si Jo papunta sa
ospital noong gabi ng Nobyembre
28. Pero binawian na siya ng buhay
kinabukasan, umaga ng ika-29. Kung
titingnan ang larawan sa “Legal Army
Wives,” gayunman, masasabing nasa
kalsada pa lang si Jo nang mawalan
siya ng buhay.*
Sinabi rin ni Noida at
sa mismong pampublikong mga
pahayag ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) na tinakbo ng
mga sundalo si Jo papunta sa ospital
ng Fernando Air Base sa Lipa City,
Batangas. Doon na raw si Jo binawian
ng buhay. Mahigit dalawang oras ang
layo ng Lipa sa pinangyarihan ng
engkuwentro sa Nasugbu. Samantala,
sa mismong Nasugbu, mayroong di-
bababa sa limang ospital. Bawat isa
rito, di-hamak na mas malapit kaysa
sa Fernando Air Base.
Nang
mapanood
ang
bidyo, malinaw para kay Annie ang
nangyari: “Na-interrogate pa siya.
Alangan namang alam na ng militar
ang pangalan niya [Ela]. Bagu-bago
pa lang siya doon.”
Bagung-bago pa lang, pero
dinakila na siya—ng mga kaeskuwela
niya sa UP Manila, ng mga Student
Council sa buong UP System na
naglabas ng resolusyon kamakailan
na nagpaparangal sa kanya, ng iba’t
ibang organisasyong progresibo, ng
mismong rebolusyonaryong kilusan
na kinabilangan niya sa maikling
panahon. “Tinahak ni Jo ang landas
na minsang tinahak nina Edgar
Jopson, Lean Alejandro, Wendell
Gumban at marami pang iba. Hanga
tayo sa kanyang katapangan, at
inspirasyon sa atin ang kanyang
pagpursiging lisanin ang mga
ginhawa ng buhay-burgis, gaano man
kahirap ito,” pahayag ng Katipunan
ng mga Sangguniang Mag-aaral sa
UP o Kasama sa UP, sa wikang Ingles
noong Disyembre 1.
Para sa kanila, dakila ang
hangarin ni Jo na maglingkod at
makipamuhay sa mga magsasaka ng
Batangas. Maikli ang panahon, pero
ganun din naman si Jo—sa maikling
panahon, mabilis na natuto, mabilis
na nakapag-ambag, mabilis na
tumatak.
“Sobrang saya rito. Sa
kabila ng pagod, mga dapa at pasa,
init sa umaga at lamig sa gabi, dito
ko lang naramdaman ang saya ng
pagrerebolusyon,” sinulat ni Ela kay
Emil noong Agosto 17. “Marami pa
akong gustong gawin at matutunan
dito.” Hindi na tumagal si Jo para
tumangan at matuto ng iba pang
gawain. Pero sa kanyang pagyao,
may ginagampanan at tinuturo siya
sa maraming nakakaalam ng kuwento
niya: ang mabuting halimbawa ng
pag-ibig at paglilingkod.