Tambuling Batangas Publication January 17-23, 2018 | Page 4

OPINYON Enero 17-23, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Teo S. Marasigan Listen well ARNOLD ALAMON I BELONGED to that generation too young to actually enjoy vinyl records but experienced them vicariously through parents’ and siblings’ listening habits. For us young ones, that corner of the house was off-limits and they were to be avoided at all cost much like the faux expensive celadons and crystals displayed at various points in the cramped living room like hurdles for a precocious toddler’s imaginary obstacle course. But curiosity killed many parents’ stereo equipment and record collection. That was the case for my father’s prized Victor record and eight track player that, after a protracted struggle, finally succumbed when the toddler that was me finally crossed battle lines to inflict permanent damage on the delicate audio equipment. The Achilles heel of any Hi-Fi audio equipment at that time was the fragile diamond stylus that must be oh so carefully lowered into the spinning vinyl. If the needle was carelessly dropped or accidentally brushed with too much force, the thing could break. I don’t remember exactly how I exactly caused the destruction of my father’s needle, forgive the Freudian reference. But I do remember how since then, the stereo equipment occupied that dark corner of the living room, mute and covered in a white knitted quilt of sorts. My mother was also into knitting at that time and it was all the rage among the women housewives of the neighborhood. That the whole contraption remained there at the corner of the living room beside the new star of the family, the colored television with remote, years later, and not thrown or placed in the junk limbo- status pile in the garahe spoke of how the stereo equipment occupied a special place in the family’s aspirationally middle class imaginary. However, more than being status symbols that mired the social climbing era of the 70s and the 80s, the stereo, as it was lovingly called, I believed, was my parent’s link to their youth. And they weren’t much too old in the late 70s, come to think of it since I distinctly remember The Beatles and The Carpenters as part of their record collection, reasons why when the I Am Sam soundtrack and the Carpenter’s cover album came out in the 90s, it was not a surprise that I knew all the songs by heart. I remember there was always constant talk of reviving the crippled equipment and making it sing again but needles were to be sourced from a mystical far away land called Quiapo - a place too distant for Makati residents at that time. The technical process of finding the matching expensive needle also stumped them provincial folk. Besides, vinyl by the late 80s was on the way out for a new kind of medium. Payong Abogado ni Fely Arroyo SA kanyang kolum ngayong araw (“Truth”), ikinuwento ni Prop. Solita “Mareng Winnie” Collas- Monsod ang nangyari sa sumingaw na pagkausap ni Atty. Fely Arroyo, asawa ni Sen. Joker Arroyo, kay G. Jun Lozada, susing testigo sa pagdinig ng Senado hinggil sa NBN- ZTE. Ayon daw kay Atty. Arroyo, hindi niya kilala si G. Lozada. Isang G. Tony Abaya, na humihingi at binibigyan ni Atty. Arroyo ng libreng payong legal, ang humingi ng pabor na bigyan ng payong legal si G. Lozada. Pumayag si Atty. Arroyo dahil hindi iyon malaking bagay, at normal daw sa pagiging abogado ang pagbibigay ng “consulta”. Dahil nasa Makati si Atty. Arroyo, “sinabihan niya si Abaya na pumunta sa bahay niya…” Maiksi lamang daw ang naging pag-uusap. Pero sumapat na daw ito para masabi niyang hindi siya puwedeng maging abogado ni G. Lozada at para makaiyak ang huli dahil sa takot para sa buhay at kabuhayan niya at ng kanyang pamilya. “Dahil sa panahong iyon ay ni hindi pa siya inimbitahang tumestigo, o ipinatawag o binigyan ng mandamyento de aresto, simple (at madali) lamang ang payo ni Fely: Walang presyur kay Lozada na tumestigo, kaya kung ayaw niya…, hindi niya kailangang tumestigo.” Dito, layon ni Prop. Monsod na iwasto ang impresyong aniya’y nilikha ng mga pahayag ni G. Lozada – na inimbitahan ni Atty. Arroyo si G. Lozada sa kanyang bahay para lamang kumbinsihin ang huli na huwag tumestigo. Ito ang diin ng kolum ni Prop. Monsod, bagamat tinuligsa rin niya ang pagbaluktot sa katotohanan ni Hen. Avelino Razon, direktor-heneral ng PNP, noong tumestigo ito sa Senado. Sinabi niyang kapani-paniwalang testigo si G. Lozada dahil tiniyak nitong ilahad lamang ang katotohanan. Pero hindi ganito ang ginawa ni G. Lozada kay Atty. Arroyo, ayon kay Prop. Monsod. Kung matatandaan, binanggit ni G. Lozada ang pag- uusap noong iginigisa siya sa pagdinig sa Senado ni Sen. Joker Arroyo. Ayon sa senador, hindi patas si G. Lozada dahil mas nakipag-usap sa mga senador ng oposisyon at sa partikular na grupo sa midya. Sinabi ni G. Lozada na hindi ito totoo dahil, halimbawa, nakipag-usap din siya sa asawa ng senador, kay Atty. Arroyo nga. Ayon kay Prop. Monsod, “embellishment” o pagdadagdag sa katotohanan ang sinabi ni G. Lozada na kinausap niya si Atty. Arroyo para marinig ang kabilang panig – dahil, siguro, maka-administrasyon si Sen. Arroyo. At kailan pa natutong magbasa ng utak ng ibang tao si Prop. Monsod? Kung inunawa noon ni G. Lozada na pagsisikap niyang maging patas at pagdinig niya sa kabilang panig ang ginawa niyang pagkonsulta kay Atty. Arroyo, iyun ang pag-unawa niya. Ibig sabihin, dapat kilalaning totoo ang sinabi ni G. Lozada na inalam niya ang kabilang panig sa abot ng makakaya niya. Iyun ang konteksto ng pahayag niya – na hindi rin niya napalawig dahil sa pagsirit ng presyon at boses ni Sen. Arroyo sa pagdinig. Ibang bagay pa kung sa tingin natin, at ni Prop. Monsod, ay mali o kapos ang napagtanungan niya. B a g a m a t napakapaimbabaw ng pagsusuri ni Prop. Monsod, nagawa niyang simulan ang kolum sa pagbanggit sa pagsumpa ng mga testigo sa Senado na maglalahad ng “katotohanan, buong katotohanan at tanging katotohanan lamang” – na para bagang binabantaan si G. Lozada ng demanda. Ayon sa kanya, bagamat nakasira kay Atty. Arroyo noong una ang paglalantad ni G. Lozada, mas makakasira ito sa huli. Pagtatapos pa niya: “Parang apoy ang katotohanan. Nasusunog ang mga naglalaro nito.” Bagamat anti-Cha-Cha, malinaw na maka-Gloria pa rin sa kolum niyang ito si Prop. Monsod. May nakakabahala sa ganitong kuwento at pagtindig ni Prop. Monsod: Wala na ritong usapin ng konsensiya, o pagmamahal sa bayan, o pagtindig para sa katotohanan. Ang naiwan: teknikalidad – ang laging atrasan ng rehimeng itong masama ang budhi tuwing gagawa ng kalokohan. “Natatakot daw siya eh. Eh di pinayuhan kong huwag humarap sa Senado!” Tila ganito ang punto ni Atty. Arroyo sa kuwento niya kay Prop. Monsod, at ni Prop. Monsod mismo. At tiyak, inisip nilang makakalusot na sila sa mata ng publiko. Ganitong-ganito rin ang sinabi ni G. Mike Defensor noong “dinalaw” niya si G. Lozada. Ganoon? Ganoon na lang ba iyon? Nakatuntong ang ganitong paliwanag sa pagtinging hindi obligasyon ng mga abogado na magbigay ng payong moral, at payong legal lamang ang dapat nilang ibinibigay. Na nakakalungkot, dahil nagmumula kay Atty. Arroyo. Bakit naging abogadong maka-karapatang pantao si Sen. Joker Arroyo noong Batas Militar? Bakit hindi siya naging abogado ni dating Pang. Ferdinand Marcos? Bakit hindi siya naging katulad ng karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain? Dahil may mga konsiderasyong nakakahigit sa teknikalidad ng propesyon, at dapat makahigit dito. Mamamayan ka ng Pilipinas. May rekord pa ang asawa mo – at ikaw din siguro – ng pagtatanggol sa karapatang pantao noong Batas Militar. Naging mahalaga ang asawa mo – at ikaw din siguro – sa pagpapatalsik sa isang pangulong inakusahan ng pandarambong sa kabang-bayan. Alam mong may bantog na multi-bilyong dolyar na kontratang diumano’y gagatasan sana ng matataas na opisyal ng bansa, kasama ang Unang Ginoo. May lumapit sa iyo, mukhang mabait na paring Hesuwita, umiiyak pa. Ang sabi sa iyo, may alam siya sa anomalya pero natatakot siyang tumestigo sa Senado. Ano ang gagawin mo? “Hindi ako puwedeng mag-abogado para sa iyo. Kung natatakot ka, huwag kang humarap. May appointment pa ako.” Mga salita ko ito, na batay sa kuwento ni Prop. Monsod. Ayon sa kanya, ni hindi ikinuwento ni Atty. Arroyo sa asawa niyang senador ang nangyari, dahil isa lamang ito sa marami niyang “consulta”. Iyun ang totoo: Nagkamali si G. Lozada ng nilapitan. Hindi siya napahalagahan, o pinayuhang sundin ang konsensiya at pagmamahal sa bayan, o tumindig para sa katotohanan. Ang dating kadakilaan – nakakulong at nakaburol na ngayon sa kabaong ng teknikalidad. Gustong iligtas ni Mareng Winnie sa galit ng opinyong publiko ang kanyang kaibigan. Pero lalo lamang idinidiin ng sinasabi niyang “katotohanan” ang kanilang kabulukan. 16 Pebrero 2008