Tambuling Batangas Publication January 16-22, 2019 issue | Page 4
OPINYON
January 9-15, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Blindfold challenge
THERE must be something in that annual mayhem that is the Traslacion that keeps
devotees, despite all woes, coming back for more.
The scene is almost like a ritual — Hundreds of thousands of the Catholic
faithful jostle and climb one another as they try to touch, kiss or rub pieces of cloth
on a centuries-old icon of the Black Nazarene winding its way through narrow
streets in that district we call Quiapo.
And year in and year out, it’s almost a foregone conclusion: scores
are hurt and injured and, in some instances, perish as a result of the chaotic mess
bordering on fanaticism that marks the yearly procession.
In 2008, two people died and around 50 injured devotees were rushed
to hospitals and makeshift clinics. Two deaths were also reported in 2010 with
hundreds of devotees rushed for first aid treatment for various health conditions,
ranging from dizziness to foot injuries.
But what really makes these people endure and overcome long hours of
risk and discomfort just to be able to join what is considered the country’s grandest
display of devotion and popular piety?
Seeing the annual Black Nazarene procession is like watching Bird Box.
Devotees jostling around the andas (carriage) “see something,” although what they
see is left marvelously undefined.
They put even their precious lives at stake, unmindful of the ordeal
just to be able to touch a centuries-old image of the Nazareno, so much like the
psychotic people in the Netflix film who force blindfolded people to open their eyes
and see the beauty of the post-apocalyptic world from their point of view.
Defenders of the faith argue that there is nothing wrong with the frenzied
act of devotion, pointing out that those who take part in the vigil and procession
have genuine devotion because of the blessings they receive from the Lord.
It is all about the expression of one’s faith, they say.
Like Malorie, the lead character of the movie, the devotees need the
Traslacion “to hear into the trees, into the wind, into the dirt banks that lead to an
entire world of living creatures.”
For Malorie, the river is not only an amphitheater, it is also a grave. For
those devotees, the annual Black Nazarene procession is likewise an amphitheater
and a grave. The children of Malorie or the Traslacion devotees must listen to safety
precautions if they want to survive.
Just like the defenders of the Catholic faith, reviewers of the movie
argue: “It’s better to face madness with a plan than to sit still and let it take you in
pieces.”
Like the devotees, Malorie very well knows that something is out there,
although in the movie she believes it’s something terrifying, so much so that she has
to keep herself and her children blindfolded, not unlike some people in our midst
who refuse to believe that there is a far superior force guiding us all.
Instead of just blind devotion, followers of the Black Nazarene above all
aspire for a good life. Participating in the feast is just one of their ways of reaching
that goal.
Like the devotees, Malorie dreams of fleeing to a place where she and
her two children might be safe, the same dream of many faithful who long to be
in Utopia. For the devotees, however, that unseen something is not a creature, an
animal or a monster. It is their God.
Devotion to the Black Nazarene is especially strong among the large
number of poor Filipinos.
Poor people comprise the majority of devotees at the feast and have
an especially deep devotion as a way of identifying their own struggles with the
passion, death and resurrection of Jesus. Filipino clergy variously describe the
devotions as “magic-oriented or mis-focused, or as admirable, pious reflections of
faith.”
Although the statue can be visited at the church all year long, the
procession, for the Filipino faithful, is a huge event characterized by both patience
and urgency, a manner of taking things directly to Jesus and doing so in their own
fashion.
Decades of corruption and persistent dirty politicking in the Philippines
had caused enormous poverty, abuses and sufferings among the populace and
contribute to the sense of needing to turn directly to God for relief. And just like
Jesus’ passion, crucifixion, and death on the cross, the devotees show they can
identify by enduring a procession lasting up to 22 hours.
The Black Nazarene for the faithful is really a symbol of hope and
resilience. We have nothing against that.
What we certainly don’t like is to be blindfolded for us not to see what is
ugly like the monstrous trash left behind in every Traslacion.
And that, we’d like to think, is the blindfold challenge for us all.
Ni Teo S. Marasigan
Abinormal
BAGO naging madalas na balita sa
rehimeng Arroyo ang pagbansag sa
ligal na mga organisasyong progresibo
bilang mga “prente” ng Communist
Party of the Philippines at New
People’s Army gayundin ang paninira
sa kanila, sa Forum – isang publikasyon
sa Unibersidad ng Pilipinas – ay may
lagi nang gumagawa ng ganito. Ang
pangalan: Patricio N. Abinales o P. N.
Abinales o Jojo Abinales, dating guro
sa UP na nagtuturo ngayon sa Kyoto
University, Japan.
Gusto niyang palabasing
“eksperto” siya sa Kaliwa sa Pilipinas,
Marxismo, at mga usapin sa Mindanao
– mga laging paksa ng mga sulatin
niya. Noong nasa kolehiyo pa, may
kolum siya sa Philippine Collegian na
ang titulo ay “Abinalysis” – patunay ng
walang-kahihiyang pagbibida sa sarili.
Bilang dating kaibigan at ka-dorm
ni Leandro “Lean” Alejandro, dating
pangkalahatang kalihim ng Bagong
Alyansang Makabayan na pinaslang
noong rehimeng Aquino, nagsimula
siyang may simpatya sa Kilusan kahit
pa kritikal na rin dito.
Pero
noong
tumagal,
naging magaspang na ang mga atake
niya sa huli. May libro siya, ang
Fellow Traveler: Essays on Filipino
Communism [2001], na koleksyon
ng mga banat niya. Bukod sa isang
rebyu sa Kasarinlan, gayunman, wala
nang gaanong pumansin dito. May
isa pa siyang libro, ang Love, Sex
and the Filipino Communist [2003]
na ibinebenta na ngayon sa National
Bookstore nang bagsak-presyo, P100.
Bukod sa isang rebyu – sa Kasarinlan
pa rin– wala na rin gaanong pumansin
dito. Parehong paninira ang mga
librong ito sa Kilusan.
May plano ako dating
rebyuhin ang unang libro kaya
humingi ako sa isang kaibigan. Bakit
naman ako bibili? Bilang paghahanda,
sinalungguhitan ko ang mga diin ni
Abinales at kinomentuhan ang sa
tingin ko’y mga mali. Kumusta naman?
Nangalay ako! Namula ang mga pahina.
Tumatama lang si Abinales kapag
sumisipi ng mga pahayag ng iba. Sa
dami ng mali sa librong ito, na madali
lang naman sanang naiwasan, hindi
mo maiwasang isiping produkto ito ng
matinding pagkasuklam sa Kilusan,
lalo na kay Jose Maria Sison.
Noong
bisperas
ng
pagkakapatalsik sa rehimeng Estrada,
may magiting na prediksyon si
Abinales: Hindi raw ito mapapatalsik.
Magtatagal daw ang krisis pero
babalik din sa normal ang mga bagay.
Sa halimbawang ito makikita ang
dalawang bagay na hadlang kay
Abinales na maging obhetibo sa
pagsuri: ang kagustuhan niyang laging
kumontra at tumuligsa sa Kaliwa at ang
pagiging malapit niya sa mga umalis o
pinatalsik na dating kasapi ng Kilusan
– na ang marami-rami, sa panahong ito,
ay nagsisilbi sa rehimeng Estrada.
Ngayon, may kumakalat sa mga e-group
na bagong sanaysay niya: “Insurgency
Re-examined.” Tama ang susing
obserbasyon niya kaugnay ng Kaliwa
ngayon sa bansa: Mas masigla ang mga
aksyong militar ng NPA kumpara sa
mga aksyong masa sa lansangan. Pero
mali ang analisis niya kung bakit. Tulad
ng dati, “abinormal” ang “abinalysis”
niya sa lagay ng Kaliwa sa bansa.
(1)
Una, hindi totoo na mula sa pagiging
malakas noong bago at pagkatapos
mapatalsik ng diktadurang Marcos
ay humina na ang CPP-NPA dahil sa
kilusang pagwawastong inilunsad nito
noong simula ng dekada ’90.
Ganito
ang
nangyari:
Totoong malakas ang CPP-NPA
noong bago at pagkatapos mapatalsik
ng diktadura. Nakaugat ang lakas na
ito sa pagtangan sa batayang mga
prinsipyo nito noong itinatag. Pero
pumasok sa ulo ng ilang lider nito
ang lakas na ito at inakala nilang kaya
nang magtagumpay ng rebolusyon.
Kaalinsabay, pumasok din sa ulo nila
ang mga teorya ng pagrerebolusyon
na halaw sa anti-imperyalista pero
petiburgis na mga pag-aalsa sa Latin
America na mabilis ding nabigo at
nagsiatras ilang taon pagkatapos. Dahil
dito, ginusto at sinikap nilang madaliin
ang pagtatagumpay ng rebolusyon.
Dahil sa pagmamadali sa
tagumpay – at narito malamang ang
ibinibida ni Abinales na pagiging
“maparaan” ng mga dating kadre ng
Kilusan – ipinatupad ang tinatawag
na insureksyunismong lungsod at
adbenturismong militar. Bahagi nito
ang maiingay na aksyong masa sa
kalunsuran at aksyong militar sa
kanayunan – na siyang pinupuri ni
Abinales. Pangunahing itinulak ito ng
mga dating kadreng ipinagtatanggol
niya – Romulo Kintanar, Filemon
Lagman, Arturo Tabara at maging si
Ricardo Reyes, isa sa mga lider ng
Akbayan.
Ano ang epekto? Binitawan
ang hakbang-hakbang at solidong
pag-oorganisa na napakahalaga sa
paglakas ng Kilusan simula noong
itatag ito. Mas masahol, nag-imbita
ang mga hakbanging ito ng matitinding
opensiba ng militar. Natalo ang NPA
sa maraming labanan at nalustay ang
napakaraming masang sumusuporta,
kasapi, kadre, rekurso at armas ng CPP-
NPA na ipinundar sa maraming taon.
Pinakamasahol, dahil sa
paghahanap ng dahilan sa sunud-
sunod na pagkatalo ng mga aksyong
militar, napalaki nang husto ang banta
ng “impiltrasyon” ng militar sa CPP-
NPA at inilunsad ang barbarikong mga
kampanya para tukuyin at patayin ang
mga “ahente” sa loob nito. Isa na rito
ang sikat na Kampanyang Ahos sa
Mindanao na pinangunahan ni Reyes at
pumatay sa daan-daang kasapi’t kadre
ng CPP-NPA. (Pamilyar ba sa inyo ang
pangalang Nathan Gilbert Quimpo?
Laging nagsusulat sa Philippine Daily
Inquirer kontra sa CPP-NPA? Hindi
niya inaamin, pero responsableng kadre
siya sa Mindanao noon.)
Sa tindi ng opensiba ng
militar sa Mindanao noon, na hindi
kinakaya ng CPP-NPA sa lugar, ginusto
ng mga lider nito doon na humingi
ng lokalisadong pakikipag-usap na
pangkapayapaan sa gobyerno. Sa
kilusang masa sa kalunsuran naman,
noong pinagdedebatehan sa Senado
ang tratado hinggil sa mga base-
militar ng US sa bansa noong 1991,
iilang libong mamamayan lang ang
kumikilos sa lansangan kasama ng mga
organisasyong progresibo. Sa harap ito
ng isang historikong isyu kung saan
naging mahalaga ang papel ng Kaliwa.
Sa madaling salita, bago
pa man inilunsad ang kilusang
pagwawasto, ramdam at kita na ang
pangkalahatang paghina at pagbagsak
ng Kilusan na idinulot ng mga
pagkakamali noong dekada ’80 na
tinawag nang “ultra-kaliwa.”
Noong inilunsad ng Kilusan
ang kampanyang tukuyin at punahin
ang
malalaking
pagkakamaling
nagawa nito, lumakas ito. Makikita ang
paglakas nito simula noong ikalawang
hati ng dekada ’90. Kaya nga noong
naupo sa poder ang rehimeng Arroyo,
itinuring nitong Numero Unong kaaway
ang Kilusan at pinawalan nito ang
matinding pasistang atake laban sa huli.
Kahit si Quimpo, sa isang sulatin noong
2002, ay kumilalang lumalakas ang
Kilusan. Ang habol lang niya, nagawa
ito ng Kilusan sa pag-abandona sa mga
prinsipyong Maoista nito – patunay ng
kitid ng pag-unawa niya sa huli. Hindi
sila tugma sa suri ni Abinales. Pareho
kasi silang upak lang nang upak sa
Kilusan.
01 Pebrero 2009