Tambuling Batangas Publication January 16-22, 2019 issue
Law on ‘first 1000 days of life’ to boost country’s health status... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
57 aplikante hired on the spot
sa PESO job fair.p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Gun Ban,
checkpoint, hudyat
ng pagsisimula ng
halalan p. 5
18 barangay nagkaroon ng
general assembly sa solid
waste management p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 3
January 16-22, 2019
P6.00
Residente ng San Agapito, Isla Verde
magkakakuryente na
TULOY na tuloy na ang Solar
Electrification Project sa San
Agapito, Isla Verde matapos lagdaan
ang Contract of Lease sa pagitan
ng Batangas City Government
at ng Manila Electric Company
(MERALCO), project proponent,
para sa operasyon, maintenance at
management services ng Isla Verde
Solar Photovoltaic Plant sa loob ng
25 taon.
Ito ay nilagdaan ni Mayor
Beverley Rose Dimacuha at Mr.
Alfredo Panlilio, senior vice president
at head ng Customer Retail Services
at Corporate Communications ng
Meralco, ngayong January 22.
Ang nasabing proyekto ay
isang malaking ehemplo ng public
private partnership alinsunod sa
Batangas City PPP Code o Ordinance
No. 3, s. 2013 para sa ibayong
kaunlaran ng lungsod.
Pagkatapos ng contract
signing, tinanggap ni Mayor
Dimacuha ang Notice of Award
habang tinanggap naman ni Panlilio
ang Notice to Proceed, hudyat ng
simula ng proyekto na magbibigay
ng elektrisidad sa may 31 kabahayan
sa nasabing barangay.
Magsisimula ang planta
sa total generating capacity na
0.1920MW gamit ang Solar Photo
Voltaic Cells.
Ang lighting ceremony ay
nakatakdang isagawa sa February
Sundan sa pahina 2..
CALAX operations to
start a year-early with
funding secured
By Ruel Francisco
Province of Cavite, (PIA) – The
Cavite-Laguna
Expressway
(CALAX) project is seen to start
commercial operations of some
segments in the Laguna side
as early as July 2019 with the
funding for the construction and
concession secured by a loan.
Metro Pacific Tollways
Corp. (MPTC) Chief Financial
Officer Christopher Daniel C.
Lizo disclosed that the company
had closed the P24.2-billion
loan with six banks namely:
BDO Unibank, Inc.; Union Bank
of the Philippines, Inc.; Rizal
Commercial Banking Corp.
(RCBC); Bank of the Philippine
Islands (BPI); Security Bank
Corp., and Land Bank of the
Philippines.
The loan is intended
to finish the P35.43-billion
(45.29-kilometer)
CALAX
project, funding the Laguna and
Cavite segments.
The first 10 kilometers
of CALAX on the Laguna side
Sundan sa pahina 2..
Mayor Beverley Rose Dimacuha at Mr. Alfredo Panlilio, senior vice president at head ng Customer Retail Services at Corporate
Communications ng Meralco
P 12M LIKHA FabLab, binuksan sa
Batangas State University Alangilan
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
(PIA)-
Pinangunahan
ng
Department of Trade and
Industry-Batangas at Batangas
State University ang soft
launching ng LIKHA (Labspace
for Innovation Knowledge-
honing
and
Application)
Fabrication Laboratory (FabLab)
sa Batangas State University-
Pablo Borbon Main Campus II sa
Brgy. Alangilan ng lungsod na ito
kamakailan.
Ang naturang FabLab ay
bahagi ng Shared Service Facility
(SSF) project ng DTI Batangas at
nagkakahalaga ng P12M.
Ayon kay Trade and
Industry Calabarzon Director
Marilou Toledo, ang naturang
proyekto ay isa sa tatlong FabLab
na binuksan sa Calabarzon sa
taong ito. Ang pagbibigay ng
SSF para sa mga micro-small and
medium enterprises (MSMEs)
ay binibigyang prayoridad ng
ahensya dahil malaking tulong
ang pag-iinvest sa mga equipment
para sa maliliit na negosyante.
“Talagang nais po ng DTI
na magkaroon ng collaboration sa
lahat ng mga state universities and
colleges sa ating rehiyon. Una po
nating inilunsad ang FabLab sa
Antipolo Institute of Technology
na nagkakahalaga din ng mahigit
P12M at naka-concentrate po
sila sa building imaging method
para sa mga contractor upang
hindi na mahirapang mag-
compute ng mga materyales
na kailangan sa paggawa ng
building. Ang ikalawa po ay
sa University of the Phils. Los
Banos (UPLB) sa pamamagitan
ng kanilang Technology Transfer
Business Development Office na
nagkakahalaga ng P14M at ito
Sundan sa pahina 3..
Boy scouts sa City Hall
gumaganap bilang city
officials
city boy mayor si Mark Raven Bool ng Saint Bridget College (SBC) habang si Celeste Cananua ng Batangas National High School
(BNHS) ang napiling vice-mayor at uupo bilang presiding officer ng Sangguniang Panglunsod (SP). Si Angel Panaligan ng Tinga
Soro-soro National High School (TISISI) ang Secretary to the SP; Trishia Mae Buela ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori
(CBEM) bilang Sec. to the Mayor at Mark Joshua Noche ng Lyceum of the Philippines University Batangas bilang City Administrato
BATANGAS
CITY-
Ipinagdiriwang ng Boy Scouts
of the Philippines Batangas
City Council ang Boy Scout
Week mula ngayon, January
21 hanggang January 23, sa
pamamagitan ng mga city boy
officials na gumaganap ngayon sa
City Hall bilang counterparts ng
mga opisyal ng lungsod kagaya
ng mayor, vice mayor, city
councilors, secretary to the mayor,
secretary to the Sangguniang
Panlungsod at city administrator.
Nahirang na city boy
mayor si Mark Raven Bool ng
Saint Bridget College (SBC)
habang si Celeste Cananua ng
Batangas National High School
(BNHS) ang napiling vice-mayor
at uupo bilang presiding officer
ng Sangguniang Panglunsod
(SP). Si Angel Panaligan ng Tinga
Soro-soro National High School
(TISISI) ang Secretary to the SP;
Trishia Mae Buela ng Casa Del
Bambino Emmanuel Montessori
(CBEM) bilang Sec. to the
Mayor at Mark Joshua Noche
ng Lyceum of the Philippines
University Batangas bilang City
Administrator.
May counterpart din
Sundan sa pahina 3..