Tambuling Batangas Publication January 10-16, 2018 | Page 2

BALITA Ang photo exhibit at ang display ng mga art works ng mga lumahok sa Children’s Art Competition sa nasabing mall ay tatagal hanggang January 16. PNP... magkakaloob kami ng dagdag na P1M para sa mga programa at proyekto ng ating kapulisan,” ani Mandanas. Binigyang-diin pa ng punong lalawigan na ang pagbabahagi ay dapat mangyari araw-araw tungo sa kaunlaran upang makamit ang hinahangad na tagumpay para sa lalawigan at mga Batangueno. Samantala, sa panayam kay PD Delvo, sinabi nito na patuloy pa din nilang paiigtingin ang kampanya kontra “wanted persons” gayundin ang patuloy na pagpapatupad ng kampanya kontra illegal na droga. mula sa pahina 1.. “Sa taong ito ay patuloy ang aming pagbibigay serbisyo at paghuli sa mga most wanted persons kaya’t hinihiling namin ang kooperasyon ng komunidad dahil napakahalaga nito para maging matagumpay ang lahat ng operasyon ng kapulisan,” dagdag pa ni Delvo. Bukod sa SIPAG o Sikap at Pagbabago Program na ipinatutupad ng pulisya ay inaasahan pa din na makapagbubuo ng iba pang programa na makatutulong sa mga nagbabalik loob na drug surrenderers upang makapamuhay sila ng normal at maayos. S a m a n t a l a , sa pagpasok ng taong 2018 ay nakapagtala ng pinakamapayapang pagdiriwang ng Bagong Taon kung saan may dalawang kaso lamang ng indiscriminate firing ang naitala sa mga lungsod ng Lipa at Tanauan at nahuli ang mga may kagagawan nito Wala ding naging biktima ng stray bullets katulad ng mga nagdaang taon kung kaya’t masasabing mabisa ang kampanya ng pulisya ukol sa pagsusulong ng kapayapaan at katahimikan sa lalawigan ng Batangas. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS) Libreng Operasyon para sa mga Bingot at Ngongo, Gaganapin sa Lipa District Hospital Gaganapin ang OPERATION HELP a Smile, isang libreng gamutan para sa mga kapus-palad na kabataang Bingot (cleft lip, cleft palate o harelip), Ngo-ngo at iba pang may kapansanan sa mukha, sa Lipa District Hospital, Granja, Lipa City sa Pebrero 3 hanggang 10, 2018. Ang medical mission ay bukas sa mga batang edad 2 buwan hanggang 12 taong gulang. Magsisimula ang pagpapatala sa mga pasyente mula ngayon (Pebrero 9) hanggang Enero 30, 2018 sa Lipa District Hospital. Ang libreng operasyon ay First Come, First Served kaya magtungo na agad sa Lipa District Hospital para makapagpalista at agarang makapagpatingin o check- up ang mga pasyente. Maaaring pumunta sa Lipa District Hospital at hanapin si Dr. Myron Duque, Medical Director ng nasabing ospital, mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM hanggang 11AM. Ang medical mission ay hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at ng Sangguniang Panlalawigan, sa pakikipag-ugnayan sa Igan ng Pilipinas Foundation, Inc.; Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES); Operation HOPE (Help Other People Excel) ng New Jersey, USA; at mga Rotary Clubs sa Batangas Province. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa tanggapan nina Provincial Administrator Levi Dimaunahan, ang Mission Coordinator, sa telephone number 0917 627 2719; at Ms. Jenny Asilo Aguilera, Provincial Information Office OIC, sa telephone number 723 4651. Vince Altar – Batangas Capitol PIO Bauangeña na Namayagpag sa 39th Sea Games, Binigyang Pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas Pinarangalan ni Gov. Dodo Mandanas ang kakayahan ni Kim Exconde Mangrobang, tubong Poblacion 2, Bauan, Batangas, na nakuha ang kampeonato sa Triathlon Competition ng 39th South East Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 2017. Ipinagmalaki ng gobernador na kababayan niya ang bente singko anyos na atleta na kasalukuyang nag-aaral sa Dominican College, Sta. Rosa, Laguna. Aniya, nararapat lamang na bigyang pagkilala, suporta at pag-akay ang mga Batangueñong manlalaro lalo pa’t nakikita na ang galing, talino at kakayahan ng mga ito sa loob at labas ng bansa. Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas noong ika-8 ng Enero taong kasalukuyan, iniyahag ni Gov. Mandanas ang iba pang programa para sa mga mag-aaral at atleta, gaya ng pagpapalawig pa ng scholarship program na nakakatulong sa mga kabataang nasa senior high school hanggang kolehiyo. Nais din palakasin ng gobernador ang mga pagsasanay ng mga atletang Batangueño sa iba’t ibang larangan ng palakasan upang mas tingalain pa at maipamalas ang kakayahan at kagalingan ng mga batang manlalaro ng probinsya ng Batangas. Samantala, inaasahan namang pag-iibayuhin pa ni Mangrobang ang kanyang lakas, bilis at determinasyon sa Triathlon para sa pinaghahandaang Asian Games na gaganapin sa Indonesia sa darating na Agosto 2018. Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Enero 10-16, 2018 Sto. Nino sa mata ng mga photographers Iba’t ibang interpretasyon ng Mahal na Poong Sto. Nino habang ito ay binibigyang pugay ng mga deboto sa fluvial procession nito ang ipinakita ng mga photographers sa taunang Photo Contest ng pamahalaang lungsod. Sa awarding ceremony na naganap sa SM CityBatangas ngayong araw na ito(January 12), sa 109 entries, nanalo ng first place si Mark Anthony Caparas sa tema ng contest na “ Alay sa Sto Ninong Mahal: Ating Tagumpay.” Ayon kay Rene Robles, world renowned artist, unanimous ang kanilang naging desisyon sa pagpili ng mga nagwagi. May character, composition at feelings aniya ang entry ni Caparas. Si Robles ang tumayong Chairman of the Board of Judges kasama sina Kapatiran at Ugnayan ng Natatanging Sining at Talentong Pilipino o KUNST President na si Virgilio Cuizon, at ang multi-awarded artist na si Aris Bagtas. “Everytime na kukuha kayo ng picture, kailangan na may character at philosophy, ani Robles. Batangas... ang kapulisan na mag focus sa kanilang trabaho. “We will work hard for Batangas City, protect its people with all our hearts and dedication, and we will work hand in hand this 2018 for the betterment of Batangas City,” sabi ng hepe. Ayon kay Tiu, hiniling nina Congrerssman Marvey Mariño at Mayor Beverley na panatilihin ang katahimikan at katiwasayan ng lungsod at patuloy na ipatupad ang batas ng pantay pantay at walang kinikilingan. Ayon sa direktiba ni Provincial Police Director PSSupt Alden Grade ... dalawa pang winners ay tumanggap ng P 5000, P3000, P 1,500 respectively at medalya. Tumanggap naman ng tig 500 piso ang tatlong special awardees. Ang mga hindi nagwagi ay tumanggap ng tig 200 piso. Naging mga hurado ang mga visual/ multimedia artists at painters na sina Lino Acacio, Janet Arboleda Ballecer at Herminigildo Santos. Ayon kay Santos, nailarawan ni Latip Pumangalawa si John Bert Lopez at pangatlo si Gringo Bulanhagui. Nagbigay din ng consolation prize na P 3,000 kina Alfredo Bomping, Berlin Mando, Nerissa Caparas, Roger Mando at Miguel Caparas. Lubos ang pasasalamat ni SM City Batangas Assistant Mall Manager Mina Buenaflor sa pamahalaang lungsod ng Batangas dahil sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maging venue ng naturang proyekto sa pagshoshowcase ng talento ng mga Batangueno artists. Nagpaabot din ng pasasalamat ang kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha na si Local Economic and Investment Promotion Officer at Cultural Affairs Committee Member Erick Sanohan sa SM City Batangas bilang katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagtataguyod ng naturang proyekto. Ang photo exhibit at ang display ng mga art works ng mga lumahok sa Children’s Art Competition sa nasabing mall ay tatagal hanggang January 16. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1.. Delvo , pagtutuunan ng pansin ng Batangas City PNP ang pag- aresto/paghuli sa mga most wanted persons sa pamamagitan ng arrest warrant. Ganoon din ay ang mga programa para maiwasan ang mga aksidente sa trapiko, kung saan ayon sa tala ng kapulisan ay may mataas na bilang ng kaso. Kaugnay nito ay makikipag-ugnayan sila sa Traffic Development Regulatory Office (TDRO) at sa Peace and Order Council para sa ilang suhestiyon na maaring makatulong upang mabawasan ang traffic accident . (PIO Batangas City) mula sa pahina 1.. ng wasto ang tema na “Dahil sa Sto. Niño, winner ako!”. Matured din aniya ang kanyang atake sa komposisyon. Mensahe niya sa lahat ng mga sumali na ituloy lamang ang pagmamahal sa sining at patuloy na dagdagan ang kanilang mga kaalaman. Ang childrens art competiton ay proyekto ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Cultural Affairs Committee sa suporta ng SM City Batangas. (PIO Batangas City)