Tambuling Batangas Publication January 10-16, 2018

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Accelerating exclusion... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Responsableng tulong ang ibigay sa mga taong lansangan – DSWD EBD Scholarship Distributions p. 2 PHLPost’s Christmas stamps feature artworks of children with cancer p. 3 p.5 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 03 Enero 10-16, 2018 P6.00 Batangas City PNP dapat propesyunal at tapat sa paglilingkod-Tiu Binati at pinasalamatan ni Batangas City PNP Chief PSupt. Wildemar T. Tiu ang may 167 tauhan ng pulisya sa Traditional PNP New Year’s Call dahilan sa tahimik na Christmas at New Year celebration at nanawagan sa mga ito na manatiling propesyunal at tapat sa paglilingkod. Ayon kay PSupt Tiu, dahil sa mahigpit na implementasyon at monitoring ng pulisya sa EO 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng lugar para magpaputok sa mga barangay ay limang minor firecrackers incidents lamang ang naitala ng city PNP. Wala rin aniyang natanggap na report ng nakawan mula sa mga banking and financing institutions na tulad ng nangyayari sa ibang lugar. Aniya, naging tagumpay rin ang seguridad sa idinaos na Fluvial Procession noong January 5, at ganito rin ang isinasagawa nilang paghahanda para sa iba pang gawain para sa pagdiriwang ng Piyesta ng lungsod. “inaasahan ko ang kooperasyon ng aming kapulisan,” dagdag pa ni Tiu. Hinihikayat niya sundan sa pahina 2 PNP, nagsagawa ng New Year’s Call kay Gov. Mandanas Mamerta P. De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Enero 11 (PIA) -- Pinangunahan ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Provincial Director PSSupt Alden Delvo ang New Year’s Call kay Governor Hermilando Mandanas sa Camp Miguel Malvar, sa lungsod na ito noong Enero 10. Isa-isang ipinakilala sa punong lalawigan ang lahat ng mga opisyal at pinuno sa mga departamento ng BPPO gayundin ang mga Chiefs of Police (COPs) sa mga bayan at lungsod ng lalawigan. Sa mensahe ni Mandanas, nanawagan ito na ipagpatuloy ng pulisya ang magandang patakaran at kaayusan sa lalawigan. “Sa ating mga kapulisan, nawa ay mas maging masigasig at matibay ang ating pakikibaka sa mga hindi tamang bagay na nangyayari sapagkat dito nakasalalay ang pag-unlad ng isang lalawigan, tayo ay itinuturing na pinakamaunlad na lalawigan kung kaya’t maraming hamon sa atin. Lahat ng tulong ay ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan para sa pagbibigay ng dagdag na serbisyo kaya’t sundan sa pahina 2 Binati at pinasalamatan ni Batangas City PNP Chief PSupt. Wildemar T. Tiu ang may 167 tauhan ng pulisya sa Traditional PNP New Year’s Call dahilan sa tahimik na Christmas at New Year celebration at nanawagan sa mga ito na manatiling propesyunal at tapat sa paglilingkod. Unused farming tools to be redistributed to farmers in need Joy Gabrido CALAMBA CITY, Laguna, (PIA) -- The Department of Agriculture (DA) plans to collect and re-distribute farm tools that were not used by former recipients, as agreed upon during the meeting spearheaded by the Corn Banner Program of DA IV-A held at the Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), Marauoy, Lipa City, Batangas. The participants, comprised of Local Government Units (LGUs) and other stakeholders, concerted that previously provided farming tools to the LGUs and farmers that were left unused will be collected by DA for re-distribution to other farmers who need it more. An initial consultation with the barangays, towns, and provinces to assess new qualified recipients shall be conducted prior to the re-distribution. Moreover, three key agendas were discussed in the meeting, such as their 2017 Accomplishment, Production Targets of Accomplishments, and their Targets and Budget for 2018. DA IV-A Assistant Regional Director Milo Delos Reyes also tackled the guidelines in creating proposals to gain interventions for the year 2019. On the other hand, Operations Division officer-in-charge Dennis Arpia shared about the steps on how to request for assistance to augment farming needs like seeds and post-harvest machineries, equipment and facilities based on the Memorandum Order No. 25, series of 2016 by Secretary Emmanuel F. Piñol. This Memorandum Order provides for the general guidelines in the provision of agricultural production, postharvest Sundan sa pahina 3.. Grade 5 student ng UB kampeon sa Children’s Art Competition BATANGAS CITY - Nagbigay inspirasyon sa nanalong kampeon ng Children’s Art Competion na si Aliyah Mariam Latip, grade 5 student ng University of Batangas BATANGAS CITY - Nagbigay inspirasyon sa nanalong kampeon ng Children’s Art Competion na si Aliyah Mariam Latip, grade 5 student ng University of Batangas, ang mga biyaya at pagmamahal ng Mahal na Poong Sto. Niño sa kanyang naipanalong art work. May 41 estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ang lumahok sa nasabing patimpalak. Nagwagi ng 2nd place si Lia Joie Blanco ng Marian Learning Center and Science High Sschool at 3rd place naman si Allen Henrik Montoya ng Batangas State University. Special awards ang natanggap nina Daindra Carmela Bayeta ng Ilijan ES, Maxine Lleana de Villa ng Saint Bridget College at Carmelo Emanuel Echanez ng BatStateU. Ang kampeon at sundan sa pahina 2