Tambuling Batangas Publication January 02-08, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
For love of country... p.5
Paano
makaiwas
sa
disgrasyang dulot ng paputok
p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
A call for a stronger
measure against
single-use plastic p. 5
PATROL MOTORCYCLES
FOR EFFICIENT PUBLIC
SERVICES DELIVERY p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 1
January 2-8, 2019
P6.00
PRRD appeals to Filipinos to vote
wisely for the country’s progress
By Ruel Francisco
TAGAYTAY CITY, Cavite,
Jan. 7 (PIA) – Former political
adviser Francis Tolentino’s 49th
birthday celebration on January 3
was made extra special with the
presence of the country’s chief
executive, President Rodrigo
Roa Duterte.
The
event
held
at Sigtuna Hall, Tagaytay
International Convention Center
was attended by special guests
accompanying the president,
namely Silvestre Bello, Ronald
“Bato” dela Rosa, Bong Go
and several local government
officials from Southern Tagalog
led by former governor Jonvic
Remulla.
During his speech, he
proudly spoke of the qualities
of his trusted friends Ronald
“Bato” Dela Rosa, Bong Go,
and birthday celebrator Francis
Tolentino who are all running for
senators in the coming mid-term
elections as he encouraged the
public to vote for credible and
reliable public officials instead of
relying on survey results.
President Duterte said:
“Iyong mga nangunguna sa
survey… Susmaryosep… Eh
may mga tao dito na dedicated,
may alam.”
Sundan sa pahina 2..
Natatanging kawani ng
BatMC, pinarangalan
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
Enero
4
(PIA)-Binigyang
pagkilala ng Batangas Medical
Center (BatMC) ang kanilang
natatanging mga empleyado sa
isinagawang Gabi ng Pagkilala sa
mga Lodi ng BatMC kamakailan.
Ayon sa kay Dr.
Ramoncito Magnaye, pinuno ng
BatMC ang naturang parangal
ay isinasagawa quarterly sa
pangangasiwa
ng
kanilang
Human Resource Management.
“Nais
naming
kilalanin ang mga kawani ng
ating pampublikong ospital na
nagpapamalas ng natatanging
serbisyo at paglilingkod sa ating
mga kababayan,” ani Magnaye.
Binigyang diin naman
ng chairman ng Praise Committee
na si Dr Maritess Torio sa kanyang
mensahe na mayroong criteria na
sinusunod ang kanilang komite sa
pagpili ng mga awardees.
Kabilang sa ginawaran
ng medalya ay yaong tumanggap
ng Career and Self Development
Incentive
award
without
financial assistance sa ibat-ibang
departamento, yaong mga may
perfect attendance, mga nagwagi
sa Interesting Case Contest at ang
mga Pride ng BatMC.
Sundan sa pahina 2..
President Rodrigo Roa Duterte delivers his message during the birthday celebration of former Presidential Adviser on Political Affairs
Atty. Francis Tolentino held at the Tagaytay International Convention Center in Tagaytay City, Cavite on January 3, 2019. VALERIE
ESCALERA/PRESIDENTIAL PHOTO
3rd Bridge sa Batangas bubuksan
ngayong buwan
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
Enero 4 (PIA)- Inaasahang pormal
na bubuksan at madadaanan ang
3rd Bridge sa lungsod na ito sa
ikalawang linggo nitong buwan.
Patuloy ang pagsasaayos
ng naturang tulay kung saan
ipinakita ng Frey-Fil Corporation
na nailagay na ang huling box
girders sa kauna-unahang box
girder superstructure design sa
buong bansa.
May kabuuang halaga na
P338M ang naturang tulay at may
habang 140 metro, may lapad na
15 metro at may apat na lanes.
Binabagtas nito ang Sitio Ferry
Kumintang Ibaba papuntang
Gulod Labac at inaasahang
malaki ang maitutulong upang
maibasan ang malalang trapiko
na nararanasan sa kalunsuran.
Ayon kay Engr. Ronald
Litan, project manager ng
naturang proyekto, nasa 90%
na ang completion nito kung
saan ang paglalagay na lamang
ng sidewalks at ibang finishing
touches ang gagawin.
“Ang
naturang
tulay ay matibay maging sa
pinakamalakas na bagyo o lindol.
Kayang mag-accommodate nito
ng pinakamataas na level ng
tubig base sa bagyong Ondoy na
naitalang 6/085 meters ang taas
mula sa main sea level. Binubuo
ito ng 55 segmental box girders
at 53 dito ang pre-cast segments
na fabricated sa Frey-Fil plant sa
Calumpit, Bulacan habang ang
dalawa ay cast-in-place segments.
Mayroon din itong dalawang
abutments at dalawang piers,” ani
Litan.
Ang disenyo ng tulay ay
may standard load na 15 tons per
Sundan sa pahina 3..
Pagawaan ng mga paputok,
mahigpit na binabantayan
na bantayan ang pagtupad ng
ng DOLE
mga establisyamento, partikular
By Susan G. De Leon
Locally made fireworks (Photo couretsy of tumblr.com)
M AY N I L A - - I s i n a s a i l a l i m
sa mahigpit na pagbabantay
ng Department of Labor and
Employment ang mga pagawaan
ng paputok sa bansa upang
matiyak ang pagtalima ng mga
ito sa Occupational Safety and
Health Standards (OSHS).
Kaugnay
ng
pagdiriwang ng Pasko at Bagong
Taon, inilabas ni Labor Secretary
Silvestre H. Bello III ang
Advisory No. 20, Series of 2018,
na nag-aatas sa lahat ng regional
directors [ng DOLE] na mahigpit
iyong nasa pagawaan ng paputok,
alinsunod sa Republic Act No.
11058, o ang Occupational Safety
and Health Standards (OSHS)
upang maiwasan ang aksidente sa
lugar-paggawa.
“Kaugnay ng pagdami
ng pagawaan ng paputok sa
buong bansa dahil sa pagdiriwang
ng Kapaskuhan at Bagong Taon,
inaatasan ang lahat ng Regional
Directors na bantayan ang mga
establisyamento sa kanilang
pagtalima sa Republic Act no.
11058, OP Memo Order No. 31,
s. 2018, Occupational Safety and
Sundan sa pahina 3..