Tambuling Batangas Publication February 28-March 06, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Pebrero 28- Marso 06, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan End of ‘endo’ CONTRACTUALIZATION contributes to underemployment and poverty as workers under this employment arrangement are unable to maintain their jobs continuously. Many contractual workers are also denied pension and housing benefits. So it was a welcome move for the Duterte administration to launch the campaign against the employment scheme dubbed “endo” as well as labor-only contracting in 2016. The campaign entailed inspecting private workplaces to identify contractual workers and to urge employers to regularize these employees, which many did. Contractual workers in government were also regularized. Congress got into the act as well when the House of Representatives passed on Monday House Bill 6908 amending the Labor Code to disallow hiring of workers for limited periods of time. Some employers give five-month job contracts to avoid regularizing workers and paying the right wages. The bill imposes fines on employers with such practice. There are millions more contractual workers around, so there’s a lot of work to be done. But with the legislative and executive branches of government getting their act together, we hope to see the last contractual worker ending his or her “endo” status. BAYAN NG BAYLOSIS PART 2 HAPON ng Enero 31, inaresto ng kapulisan sina Rafael “Ka Raffy” Baylosis at kasamahang si Roque Guillermo, Jr. sa Katipunan Avenue, Quezon City. Ayon kay Atty. Edre Olalia, presidente ng National Union of People’s Lawyers o NUPL, walang warrant of arrest kay Baylosis. Para bigyang- katwiran ang pagdakip, nagtanim ng ebidensyang baril sa mga dala- dala niyang gamit. Pero dahil pwedeng magpyansa sa kasong illegal possession of firearms, pinalabas na may granada rin sa mga gamit niya. Wala sa police report ang granada; lumabas lang ito “mula sa hangin” noong ini-inquest na sila. Sa kasong illegal possession of explosives, hindi pwedeng magpyansa. Ikinulong sila sa Camp Crame at pagkatapos sa Quezon City Jail. Dating gawi na ito ng gobyerno sa mga gaya ni Baylosis, na konsultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Tinataniman ng ebidensya, sinasampahan ng mga gawa- gawang kaso para makulong. Kaalinsabay, para ipatanggap sa publiko ang pagpiit sa kanila, pinapalabas silang armado at mapanganib — kahit pa brown rice lang, halimbawa, ang kakaiba sa mga dala-dala ni Baylosis. Binansagan siyang “acting secretary” ng New People’s Armyo NPA kahit walang patunay. Nagtatanim ng ebidensya at nag-iimbento ng kaso ang gobyerno dahil hindi ligal na batayan ang pagiging konsultant ng NDFP para makulong. Katunayan, may mga kasunduan ang gobyerno at NDFP na nagsasabing ligtas ang mga konsultant sa pagsasampa ng kaso, pagdakip at pagpiit — ang Jasig o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees at Carhrihl o Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Ayon muli kay Olalia, ginawa ang mga kasunduang ito para tiyakin ang ligtas na paglahok ng mga indibidwal sa panig kapwa ng gobyerno at NDFP sa usapang pangkapayapaan. Aniya, “mali, mapanlinlang at makasarili” ang sinabi ng kapwa-abogadong si Harry Roque, tagapagsalita ni Pang. Rodrigo Duterte, na balewala na ang mga kasunduan dahil walang nagaganap na usapang pangkapayapaan ngayon. Taliwas sa sinabi ni Roque, gumagana ang mga naturang kasunduan kahit itinigil ng gobyerno ang paglahok sa usapang pangkapayapaan. Si Baylosis ang unang konsultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan na inaresto ng rehimeng Duterte. Kung matatandaan, kinansela ni Duterte ang naturang pag- uusap noong Nobyembre 2017, bagamat matagal na ang todo- gera ng gobyerno niya laban sa NPA at mga pinagbibintangan nitong tagasuporta ng grupo.????Kabaligtaran ito ng ipinakita ni Duterte noong simula ng termino niya: pinalaya ang mga konsultant ng NDFP na karamihan ay ikinulong ng rehimen ni Noynoy Aquino at isinulong ang usapang pangkapayapaan. Noon, nagpapanggap pa si Duterte na nagsusulong ng “tunay na pagbabago” para makuha at mapatatag ang suporta ng publiko. At tunay na pagbabago ang nilalaman ng usapang pangkapayapaan — ang magpatupad ng mga reporma na tatapos sa kahirapan, kawalang- trabaho, kawalang-lupa at iba pang kaapihan ng nakakarami sa bansa na siyang dahilan kung bakit may NPA, mga lumalaban sa gobyerno, at maraming sumusuporta sa kanila. Ang akala yata ni Duterte mapapatigil niya sa pagtuligsa, kahit pansamantala, ang NDFP at ang Kaliwa sa masasahol niyang patakaran basta may usapang pangkapayapaan. Pinatunayan ng mga pangyayari na matapat sa prinsipyo nila at sa masang Pilipino ang naturang mga grupo. Nawawalan na ng bisa ang pagpapanggap ni Duterte ngayon. Tinapos niya ang usapang pangkapayapaan at inaresto si Baylosis sa panahong todo-patupad na siya sa mga patakarang nagpapahirap sa nakakarami at nagpapayaman sa dayuhan at iilan. Tinalikuran niya ang mga maka-masang pangako at inilarga ang kabaligtaran ng mga ito. Sabi nga ng komentaristang si Inday Espina- Varona, “Ang nagpapakilalang pulitikong maka-mahirap ay nalantad nang matalik na kaibigan ng oligarkiya.” Kakatwa na inaresto si Baylosis kasabay ng protesta ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas laban sa paghaharing awtoritaryan, iskemang Charter Change at pakanang lantad na diktadura ng pangulo — gayundin ng pagtuligsa ni Duterte sa naturang protesta. Aniya, hindi nag-aaral ang naturang mga estudyante at sa gayo’y nag-aaksaya ng buwis ng mga mamamayan. Dapat daw silang sipain sa paaralan at palitan ng mga Lumad. Nagtapos si Baylosis ng BA Political Science, cum laude, sa UP. Pero hindi niya hinayaang maging hadlang ang pag-aaral sa loob ng klasrum sa pag-aaral at pagbabago sa lipunan. Naging miyembro siya ng Samahan ng Demokratikong Kabataan o SDK, kapatid na aktibistang organisasyon ng Kabataang Makabayan o KM, na madiin sa pagsasanib ng teorya at praktika. Naging lider-estudyante rin siya, opisyal ng konseho ng mag-aaral ng dating College of Arts and Sciences. 20 Pebrero 2018