Tambuling Batangas Publication February 28-March 06, 2018 Issue | Page 3

BALITA Pebrero 28- Marso 06, 2018 Illegal fishing nakakasira sa marine protected areas sa Isla Verde Ayon kay Oliver Gonzales, hepe ng City ENRO, kailangang repasuhin ang MPA plan upang magkaroon ng mahusay na pangangasiwa ng karagatan. BFP ... 40% naman ay mapupunta sa BFP Batangas City. Anim na portable hand- held radio at portable speaker ang nabili ng ahensya noong nakaraang taon mula sa proyektong ito. Para sa mga nagnanais lumahok, maaaring magpatala sa central fire station sa barangay Bolbok o bisitahin ang official facebook account ng BFP Batangas City. Kaagad susundan ang fun run ng zumba dance na tinagurian namang “Sayaw Laban sa Sunog” kung saan inaasahan na may 1,500 participants ang lalahok mula sa pahina 1 mula sa lahat ng tanggapan ng BFP sa CALABARZON. Ito ay gaganapin din sa parking area ng SM. Sa March 15 naman isasagawa ang City Fire Olympics sa city oval ground kung saan magsasama sama ang mga volunteer fire brigades ng mga barangay at industriya upang mahasa sa ibat-ibang fire- fighting skills at drills. Ang mga lalahok dito ay produkto ng isinasagawang “Ugnayan sa Barangay” ng BFP. Kaugnay nito, ang BFP Batangas City ang magsisilbing host ng Urban Fire Olympics – provincial level sa Provincial Sports Complex na gaganapin sa March 23. Ang magwawagi dito ang magiging kinatawan sa Regional Fire Olympics sa Camp Vicente Lim sa Laguna. Samantala, iniulat ng BFP na mayroon lamang pitong structural fires na naganap sa lungsod noong 2017 kumpara noong 2016 kung saan mayroon lamang 12 insidente. Kayat sa pagpasok ng tag-init kung saan gagamit ang lahat ng ibat- ibang electrical appliances na magdudulot ng paglakas ng paggamit ng kuryente, tinatagubilinan ni Sr Inspector Salazar ang publiko na iwasan ang electrical overloading sapagkat ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ng sunog. (PIO Batangas City) Pagbabawal sa Plastic, Styro ng Nasugbu, Inayunan ng Sangguniang Panlalawigan UPANG patuloy na maisulong ang kalinisan para sa kapakanan ng mga mamamayan sa Munisipalidad ng Nasugbu, nagkaisang sinuportahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang rekomandasyon na maaprubahan ang ordinansa ng Munisipalidad ng Nasugbu na nagbabawal sa paggamit ng Styrofoam at plastic bags sa Dry Goods at pagsasaayos ng mga plastic materials para sa Wet Goods sa isinagawang 5th Regular Session noong 8th ... they can meet their fellow regional filmmakers and some film festival programmers. Special Exhibition Program for this year will showcase 9 short films from Filipino filmmakers based in Luzon, Visayas, Mindanao, and New York, USA. Meanwhile, students from Los Baños will lunes, ika-12 ng Pebrero 2018. Ang Kapasiyahan Blg. 197 – 2017/Ordinansa Blg. 79 Taon 2017 ay inihain ng Sangguniang Bayan ng Nasugbu sa Committee on Environmental Protection noong nakaraang taon upang humingi ng komento at rekomendasyon. Sa pangunguna ni 2nd District Board Member Wilson Leandro T. Rivera, Chairperson ng nasabing komite, tinalakay sa naging committee report na ang ang pagpapatupad ng nasabing ordinansa mula sa pahina 8 present their own artworks for the #BuhayElbi category, which aims to feature the diverse culture of Los Baños. Admission to the film screenings and regional cinema lectures is free. Limited slots only for the workshop and forum. Aside from these activities, the festival will also feature Los Baños- ay nasa kakayahan ng Sangguniang Bayan ng Nasugbu, alinsunod sa Section 447 (a, 1, vi) of the Local Government Code of 1991. Dagdag pa ni BM Rivera, ang lokal na kautusan ay sang- ayon sa pagkakaroon ng isang epektibong pamahalaang pambayan at makapagpataw ng itinakdang karampatang kaparusahan upang mapangalagaan ang kalikasan. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO based artists through their cultural performances, spoken word, and zine exhibits. Interested parties may visit Facebook page w w w. f a c e b o o k . c o m / Pelikultura/, reserve tickets thru http://bit.ly/ pelikultura2018or contact [email protected] // 0915-888-7118 // (049) 536-9259 for more info. (UP Los Banos Pelikulab) PATULOY na nakakasira ang illegal fishing gamit ang air compressor sa mga marine protected areas (MPA) sa Isla Verde, Batangas City dahilan sa weak enforcement. Ang Isla Verde Passage na itinuturing na “center of the center of world’s marine biodiversity” ay isa sa mga top diving sites na nagbibigay ng income sa mga barangay sa nasabing isla. Noong February 23-24 nagkaroon ng MPA planning workshop at assembly meeting ang mga officers at members ng Verde Island Sanctuary Management Board(VISMB) upang i update ang MPA plan at talakayin ang mga issues tungkol sa enforcement. Ayon kay Oliver Gonzales, hepe ng City ENRO, kailangang repasuhin ang MPA plan upang magkaroon ng mahusay na pangangasiwa ng karagatan. Ang VISMB ay binubuo ng chairman, Committee on Environment, Sangguniang Panlungsod, pangulo ng San Agustin Silangan, San Andres at San Antonio, at mga heads ng mga government agencies kagaya ng City Enro na siyang tumatayang secretariat, PNP, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, Local Economic Investment Promotion Office(LEIPO), Public Information Office, Office of the City Veterinary and Agricultural ServicesOCVAS) , Department of Education, City Planning and Development Office, all BARMC chairmen of Verde Island, Resort Operators at Malampaya Foundation, Inc. Napagusapan dito na dapat maging aktibo ang VISMB sa pagkakaroon ng regular na meeting at pagpapatupad ng mga nakapaloob sa MPA plan. Dapat ding mapalakas ang mga Bantay Dagat at magkaroon ang mga ito ng mahusay na ugnayan sa mga barangay officials upang malabanan ang paggamit ng compressor sa pangingisda na nakakasira ng mga corrals. Sa sweldong P2,500, tinitingnan ang posibilidad ng pagtataas ng sweldo ng mga Bantay Dagat na nasa superbisyon ng Fisheries Division ng OCVAS. Inirekomenda and pagbili ng mga radio at rubber boat upang mapalakas ang logistics at iminungkahi rin ang buoy installation at pagpapagawa ng guardhouse. Ayon kay Bar. Capt. Edmar Rieta, vice-chairperson ng Executive Committee, nawawala na ang buoy sa mga MPAs kayat dapat malagyan ang mga ito ng mga signages at magkaroon ng information campaign upang mapalawak ang public awareness at suporta sa pangangalaga ng mga MPAs na ito. Iminumungkahi rin na magkaroon ng isang ordinansa ang lungsod na nagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda. Samantala, nagkaloob ang Malampaya Foundation , Inc. sa VISMB ng mga kagamitan para sa disaster preparedness at first aid kagaya ng spine board, first aid kit, padded splints, spider strap, life vests, throw bag 30 meters, rescue tubes at poncho. (PIO Batangas City) 2 Batangueña, Kinilala sa Larangan ng Girls Scouting District Board Members IGINAWAD ng Girl Scouts of the Philippines noong ika-10 ng Pebrero 2018 ang National Outstanding District Field Adviser kay Maria Fatima F. Macuha mula sa Ilat Elementary School ng San Pascual, Batangas at National Outstanding Troop Leader kay Gretchen D. Alvarez ng Dacanlao G. Agoncillo National High School ng bayan ng Agoncillo, Batangas. Ipinahayag ang pagkilalang nakamit ng dalawang Batangueña sa larangan ng Scouting sa privilege hour ng 5th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong ika-12 ng Pebrero 2018 nina 2nd District Board Members Wilson Leandro Rivera at Arlina Magboo at 3rd Divina Balba at Alfredo Corona. Bukod sa national achievements na nakamit, sila rin ay magiging kinatawan ng Pilipinas at may posibilidad na makapunta sa ibat-ibang international scouting and jamboree activites. Kabilang sa mga pinagpipiliang bansa ay ang London, England at Sydney, Australia. Sa pahayag ni Bokal Rivera, nararapat lamang, kasama ng Department of Education – Division of Batangas, na magkaroon ng resolusyon ng pagkilala at mabigyan ng cash incentives ang dalawang Batangueña. Buong suporta naman ang natanggap sa inihaing rekomendasyon at agad naaprubahan ang nasabing resolusyon. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO