Tambuling Batangas Publication February 27-March 05, 2019 Issue | Page 4

OPINYON February 27-March 05, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Wasteful yellow holiday READERS of this piece must be resting at home right now or hanging out in a coffee shop wondering how 25 February ended up being a special non- working holiday when it has always been a holiday for students only. We have President Rodrigo Duterte to thank with his signing of a proclamation last year that included 25 February on the list of special non-working holidays. “IF THERE IS ANYTHING THAT 25 FEBRUARY SHOULD REMIND US, IT IS NOT TO ELECT WEAK, FEEBLE AND EASILY SWAYED CANDIDATES INTO HIGH POSITIONS OF POWER. Then again, it is ironic to thank President Duterte for this short respite, allowing families to go on quick vacations and spend extra time at the malls, considering that the President, as well as a majority of the Philippines, couldn’t care any less about People Power anymore. In fact, we expect him to skip today’s supposed festivities for the third time in a row. Today’s holiday is a waste, as it makes us remember and honor past mistakes that seek to make a repeat in our country, to which we genuinely say “never again.” It was a revolution meant to bring the country to prosperity, but we ended up in financial ruin. Now we have candidates in the midterm elections still pushing for the purported achievements marked by today’s holiday — a fluke in the still young history of our country. People Power was heralded as democratic innovation, a humane feat, where millions came together to topple a dictator. But what was once a historic achievement is now a sorry and miniscule footnote to the significant leaps and bounds this country has made and will continue to do so under the strong leadership of President Duterte. With his no-nonsense mindset of looking to the future, building more friendships among political families and world leaders, previously untouched and ignored, not dwelling on the past, the Philippines is set to break economic and developmental records and be an influential player in the global market. The truth is that former President Noynoy Aquino tarnished the yellow brand with all his failures that cost so many lives and billions in taxpayers’ money. From the “Yolanda” blunders to the SAF 44 miscues and the plundered and stolen funds in fabricated projects the legislators have been unravelling in their congressional inquiries, such as Dengvaxia, passports and MRT scam, it is clear that PNoy fell quite far from the tree that is his father, Sen. Ninoy Aquino. If it is any consolation, PNoy cannot outdo his sister Kris Aquino when it comes to national scandals, but he sure is catching up. President Duterte is correct in skipping all the celebrations on 25 February, including today. He surely has better things to do. Former Senate President Juan Ponce Enrile supported this move with his recent statement that the purpose of People Power has already been achieved when former President Ferdinand Marcos stepped down. This perhaps can be interpreted that there is no point in annually celebrating an overthrow of a past President when it is clear that the people have forgiven his political family by nearly electing former Sen. Bongbong Marcos to be vice president and soon electing Imee Marcos to the Senate this year. Vice President Leni Robredo, on the other hand, said People Power is a reminder that power remains with the people, not with one leader. She is correct, though a leader massively and convincingly supported by the people deserves the respect of all. Robredo added it may be unfair to politicize the People Power revolution, marking it as yellow, stating the dilawans are just a small segment of society. This admission is likewise correct, since this “small segment” shall fail to elect any of the dilawan candidates in the Otso Diretso slate, the members of which have been grasping for straws to make any dent in the senatorial campaigns being done all over the country. The attention- seeking Otso Diretso candidates have been resorting to mudslinging to the point of being confrontational. But the harsh truth is that 25 February is used as a political tool. PNoy even attended the pre-festivities on EDSA recently to raise the hands of his Otso Diretso candidates. We can see on social media how the would- be senators have been capitalizing on People Power, yet to no avail. If there is anything that 25 February should remind us, it is not to elect weak, feeble and easily swayed candidates into high positions of power — something that we should remember come May of this year. Ni Teo S. Marasigan Kung Anu-ano Hinggil sa Krisis ni Arroyo (1) Kahit mula sa perspektiba niya, dapat kilalanin ni Sen. Joker Arroyo na mali siya – at tama si G. Jun Lozada – sa pagtatalo nila sa pagdinig ng Senado noong Lunes, 11 Pebrero. Mali ang atake niyang usapin ang pagkakaroon ng “good faith” o “bad faith” – maisasalin kaya itong mabuti o masamang saloobin? – ni G. Lozada sa pagkausap sa oposisyon lamang ng Senado at sa isang grupo sa midya. Maling atake ito dahil may bala si G. Lozada – nakipag-usap pala siya noon sa misis ni Sen. Arroyo at pinayuhan siya nitong huwag isiwalat ang alam. Na mainam na rin. Sa sandaling eksenang iyon, nailantad ang senador na oo nga’t may progresibong rekord noong panahon ng Batas Militar ni dating Pang. Marcos ay mas kumakampi ngayon kay Pang. Arroyo na nagpapatupad ng sariling bersiyon ng Batas Militar. “Ang mga sumasatsat ng karapatang pantao rito, hindi nagdusa para sa karapatang pantao!” malakas niyang sigaw. Sintomas ito ng problema kay Sen. Arroyo: Sa halip na tingnang panatang dapat ituluy-tuloy ang pagtatanggol sa karapatang pantao, ginawa na niya itong monumento. (2) “Huwag mong idamay ang misis ko rito!” pikon na bulyaw ni Sen. Arroyo kay G. Lozada – na nagpapaalalang kahenerasyon ng senador si dating Sen. Rene Saguisag, na kilala ring wagas ang pagmamahal sa asawa. Nitong Martes, 12 Pebrero, umiyak sa telebisyon ang – maganda palang – misis ni Mike Defensor,ex- future senator at kasalukuyang alalay ng Pangulo. Ipinaghihimutok niya ang ihinirit ni Bb. Leah Navarro ng Black & White Movement na “Mapapaisip ka tuloy kung ano ang itinuturo nila sa mga anak nila” nang tinutukoy ang mga Defensor. Pinag-iba noon ng kritikong si Prop. Patrick D. Flores ang “personal” at “pribado”. Umamin siya na – sa kanyang mga rebyu noon ng iba’t ibang aspekto ng kulturang popular – bumanat siya sa una. Pero itinanggi niyang pumasok siya sa ikalawa. Hindi pribadong usaping puwedeng ikapikon at bakuran ni Sen. Arroyo ang pagkausap ng misis niya kay G. Lozada, kung totoo ito. “Family man” naman ang minsang paglalarawan-sa- sariling ginawa ni G. Defensor sa publiko. Totoo, mapapaisip ka nga naman talaga kung ano ang itinuturo niya sa mga anak niya. Kakatwa kung paanong ayaw na ayaw ng mga tauhang ito ng rehimeng Arroyo na nadadamay o natutuligsa rin sa kanilang ginagawa – katarantaduhan? – ang mga miyembro ng pamilya nila. Mahalagang banggitin sa puntong ito na nagtatanggol sila ng rehimeng sa maraming pagkakataon ay hindi pinag- iiba ang aktibista o rebolusyunaryo sa kapamilya ng mga ito – nang hindi lamang pasaring o pagdadawit ang ginagawa. Ilang pampulitikang pagpaslang na ba ang bumiktima hindi lamang sa mga aktibista, kundi maging sa mga kapamilya nila? (3) Maghintay ng 2010. Ito ang mensahe ng Palasyo sa mga kalaban sa pulitika ni Gng. Arroyo na diumano’y gustong patalsikin ang Pangulo para makaupo sa puwesto. Alam nitong may malakas na pagnanasa ang mga mamamayan na tanggalin na si Arroyo at may pagnanasa ang iba’t ibang grupo na maluklok o mapalapit sa puwesto – kaya pagkakanal sa hinaharap ang taktika nito. Sa ganito, nakakabanat pa ang rehimen sa mga kalaban sa pulitika – mga mainiping hayok sa kapangyarihan! – at napapasama ang kilusang Patalsikin si Gloria. Sa tingin ko, kung mayroon mang kasunduan sa pagitan ni Gng. Arroyo at ni dating Pang. Joseph Estrada kapalit ng paglaya ng huli, sang-ayon at ambag iyon sa ganitong atake. Puwedeng ang kapalit ng paglaya ni G. Estrada ay ang pagpapaalab niya ng damdamin ng mga mamamayan at ng Oposisyon para sa halalan sa 2010 – para nga naman mailihis mula sa pagpapatalsik kay Gng. Arroyo. Ito ang ginawa ni G. Estrada mula noong itinulak niyang pagdebatehan kung makakatakbo siyang muli at nagsimula siyang maglibut-libot sa bansa. Hindi katulad ng mga katoto sa Black & White Movement, hindi ako galit kay G. Estrada sa kapareho o halos- kaparehong antas ng galit ko kay Gng. Arroyo. Sinasabi ko lang ito para mailantad sa publiko para naman mailugar nito ang ganoong mga aksiyon ni G. Estrada. May maitutulong siya sa kilusang Patalsikin si Gloria, pero patunay ng bulok na pulitika ng sabuwatan ang pakikipagkasundo niya, kung totoo man. At kung hindi man totoo, mahalagang makitang mas pumapabor kay Gloria ang maagang pamumulitika niya para sa halalang 2010. (4) Walang alternatibo kay Gng. Arroyo. Ito ang koro nina dating Pang. Fidel Ramos at Sen. Miriam Defensor-Santiago – magkalaban sa halalang 1992 – sa mga pahayag nila. Sabi pa ng senadora, kahit ipagpalagay nang may kasalanan si Gng. Arroyo sa mga akusasyon sa kanya, wala pa ring matinong papalit sa huli. Estilong Mike Defensor ang ganitong argumento – tanggapin ang sinasabi ng kalaban, at igiit ang masaklap na katotohanan. “Kahit ibigay mo na ang lamang ni Pang. Arroyo sa Mindanao kay FPJ, panalo pa rin sa bansa si presidente.” Marahil, may kagat sa maraming tao ang ganitong argumento noong unang putok ng eskandalong “Hello Garci”. Unang malaking kasalanan pa lang kasi iyon ni Gng. Arroyo sa mga mamamayan. Tapos pandaraya pa sa eleksiyon – na tinitingnan ng marami na normal na sa pulitika ng bansa. Noon, puwede pang magyabang ang rehimen ng posibilidad ng paglago ng ekonomiya. “Puwede pa” dahil sa isang banda’y nagsisimula pa lang ito. Ano nga naman ang mangyayari kung mapalitan si Gng. Arroyo ng walang kakayahang mamuno hanggang 2010? Pero iba na ang kalagayan ngayong Enero 2008 sa Hunyo 2005. Mas malapit na ito sa Nobyembre 2000 ni dating Pang. Estrada. Napakarami na ng kasalanan ni Gng. Arroyo sa mga mamamayan, na sunud-sunod pang ginawa. Ang ibang kasalanan – tulad ng ekstrahudisyal na pagpaslang – naging tuluy-tuloy, parang patakaran sa trapiko. Sa karanasan ng bansa, mas nagngangalit ang mga mamamayan sa pandarambong sa kabang-bayan kaysa sa pandaraya sa halalan. Nariyan ang lahat ng indikasyon para sabihing wala talagang pag-unlad. (5) Sa ganitong lagay, dalawang taon na lang bago ang halalang 2010, nagiging mabango ang pagtulak kay Bise- Presidente Noli de Castro na lumaban kay Gng. Arroyo at pumalit sa huli. Panis, laos, taob at walang binatbat ang kumita nang mga pakana ng rehimen – Cha-Cha para lituhin ang publiko at pagpapakita ng suporta ng buwayang mga opisyal ng lokal na mga pamahalaan – sa pagkalas ni Bise-Pres. De Castro kay Gng. Arroyo. Pero maging ang pagtindig niya laban kay Gng. Arroyo ay iluluwal lamang ng paglawak ng mga protestang masa. Sa tingin ko, dapat ay alam na ni Bise-Pres. De Castro na ngayon na ang panahon niya. Ngayon pa lang, hindi niya magawang matatag na ipagtanggol si Gng. Arroyo, na hindi naman talaga maipagtatanggol. Kung hindi siya kakalas sa rehimen bago ang halalang 2010 – at ngayon na ang pinakamainam na panahon – magiging napakabaho niya para iboto ng tao. Sa ganyang kalagayan, mas malamang na hindi siya manalo. Lalo lang siyang malalantad na taong midyang dating may konsensiya pero naduwag at nagpagamit sa mabahong mga krimen. Pero kung hindi siya lalaban kay Arroyo, maraming puwedeng pumalit: Si Sen. Manny Villar, dahil presidente siya ng Senado. O isang konseho ng makabayang mga lider. Hindi ang pagtindig ng lehitimong papalit ang makakapagpakilos sa masa, bagamat makakapagpadali ito sa huli. Ang pagkilos ng masa laban sa mga krimen ng rehimeng ito ang magtutulak sa mga posibleng pumalit para lumaban. Hindi si Gng. Arroyo ang nagpakilos sa mga mamamayan noon, kundi ang mga krimen ni G. Estrada. Si Gng Arroyo ang bumuntot sa taumbayan. (6) Anu’t anuman, hindi kaunlaran ang pangunahing batayan kung bakit dapat patalsikin na si Gng. Arroyo – bagamat maaari ring batayan ito dahil talagang inilugmok niya ang mga mamamayan sa mas grabeng kahirapan at gutom. Pitong taon matapos niyang maluklok, ano ang pag-asang ibinibigay niya sa mga kabataan? Kawalan ng trabaho, pangingibang-bansa, kontraktuwal na paggawa, trabahong call center – ito ba ang kaunlaran? Hanggang di tunay na nababago ang bulok na sistema sa bansa, panloloko lang ang mga pangako ng kaunlaran. Sa tingin ko, pansamantalang ginhawa ang gusto ngayon ng mga mamamayan – mula sa pandarambong at mga patakarang lalong nagpapahirap at gumugutom. Pero higit pa rito, hindi man maihahain sa hapag-kainan, katarungan ang gusto at minimithi ng sambayanan – ang patalsikin at parusahan ang malinaw at paulit-ulit na nagkasala pero gumagawa ng lahat para makapagtakip, makalusot, at makatakas. Napakasayang premyo ng bayan ang makitang tumatalilis si Gng. Arroyo – kasama ng kanyang pamilya at kriminal na Gabinete – sa Malakanyang. 14 Pebrero 2008