Tambuling Batangas Publication February 27-March 05, 2019 Issue | Page 3

BALITA February 27-March 5, 2019 Bagong ordinansa pinaparelocate ang mga poste sa kalsada ordinansang “An Act Requiring Electric Power Distributors, Telecommunication Companies, Cable Television Service Providers and Other Similar Utility Companies to Relocate Service Poles From Inside Portions of Highways, National Roads, and Major Thoroughfares to the Outermost Side of the Road Right-of-Way” EBD... ang check-up dito,” dagdag pa ni Barrion. Sasagutin din ng programa ang gastos sa CT Scan, 2D Echo, ECG, MRI o anumang procedure na kailangang gawin bago i-confine ang pasyente, kailangan lamang na kumuha muna ng referral o approval sa CHO. Ibinilin rin ni Dr. Barrion na palaging dalhin ang EBD Health card ID tuwing magpapa-konsulta o magpapa-confine sa ospital. Hiniling naman ni Mayor Beverley Dimacuha na ipagbigay alam sa kanila kung may mga puna o hinaing kaugnay ng serbisyo upang ito ay masolusyunan. “Gusto rin po namin marinig ang inyong mga negatibong komento para po matugunan natin kaagad. Pinagaganda po natin ang serbisyo ng programang ito, para po sa inyo, mabuti pong tulungan tayo,” sabi ng Mayor. Sinabi naman ni Cong. Marvey Mariño na nais nila ni Mayor na magdagdag pa ng accredited hospital o clinic para sa dialysis procedure para matugunan ang pangangailangan ng pasyente. Ipinaalam rin ni Cong. Mariño ang ilan ding health programs ng kanyang tanggapan na maari ring makatulong sa mga pasyente. “Bilang Congressman, ako po ay may laang pondo sa ilang publikong ospital kagaya po ng Batangas Medical Center (BatMC) magpunta lamang po kayo sa aking opisina para kayo ay matulungan sa hospital bill.” Ayon pa rin kay Cong. Mariño, bilang Co- Chairman ng Committee on Health sa kongreso ay kasama siya sa mga nagbalangkas ng Universal Health Care Law na magpapalawig ng mga health benefits and services para sa mga mamamayang Pilipino. Tinanggap ng mahigit sa 800 cardholders mula sa mga barangay sa Poblacion ang kanilang bagong ID card sa distribution nito noong February 26 sa Batangas City Convention Center. Ito ay pinamahalaan ng EBD Health Card Program staff ng City Health Office. Kasama nina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño ang team EBD na dumalo dito. (PIO Batangas City) MATAPOS ang solar electrification ng barangay San Agapito, Isla Verde tumanggp naman sila ng Solar Powered Irrigation System mula sa Bureau of Soil and Water Management (BWSM) ng Department of Agriculture (DA) sa isang turn over ceremony, February 21, upang maisulong ang agricultural productivity ng barangay. Ayon sa DA, layunin ng naturang proyekto na maipromote ang conservation at proper utilization ng soil at water resources ng bansa at bilang suporta sa mga magsasaka upang magkaroon ng sustainable productivity at profitable farming. Ang operasyon ng naturang equipment ay pangangasiwaan ng Association of San Agapito Fisherfolks. Ayon kay Engr. Pablito Malantac ng Office of the Provincial Agriculturist,ang San Agapito ang kauna-unahang barangay sa lalawigan ng Batangas na pinagkalooban ng nasabing proyekto. Magagamit din ang solar energy na ito sa mga itatayong waterworks projects dito Sinabi naman ni Assistant City Agriculturist Flora Andal na ang solar powered irrigation system ay sa ilalim ng Organic Agriculture Program kung saan 75% ng solar pump ay gagamitin sa tanim ng mga magsasaka habang 25% naman ay para sa household. Magsasagawa aniya ang Crops Division ng OCVAS ng series of training para sa mga residente ng barangay San Agapito hinggil sa organic vegetable production sa tatlong ektaryang lupain dito. Dumalo din sa para sa final inspection ng proyekto si Jerson Bagador ng BWSM. (PIO Batangas City) mula sa pahina 1 Solar irrigation project ibinigay sa San Agapito upang mapataas ang agricultural production PAGKATAPOS ng road widening na isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Batangas City, nananatiling hadlang sa magandang daloy ng trapiko ang mga poste na hindi pa inaalis ng mga public utilities sa mga kalsada kung saan ito ay pwedeng maging dahilan din ng aksidente kaya naman isang ordinansa ang ipinasa ng Sangguniang Panglunsod upang maaksyonan ang problemang ito. Sa regular session ng konseho noong February 18, ipinasa nila ang ordinansang “An Act Requiring Electric Power Distributors, Telecommunication Companies, Cable Television Service Providers and Other Similar Utility Companies to Relocate Service Poles From Inside Portions of Highways, National Roads, and Major Thoroughfares to the Outermost Side of the Road Right- of-Way”. Ayon sa may akda ng ordinansa na si Konsehal Gerry Dela Roca, maraming reklamo ang nakarating sa sanggunian at ito ang nagbunsod sa kaniya upang balangkasin ang nasabing ordinansa. “Kung mapapansin po natin, napakadami ng road widening projects ng DPWH subalit itong mga posteng ito ay hindi nagagalaw. Napaka-delikado po nito sa mga motorista. Bukod po dito, defeated ang purpose ng road widening sapagkat hindi naman nagagamit ang portion ng karsada dahil nga sa mga poste na halos nasa gitna na ng karsada. Sayang po ang budget,” sabi ni Dela Roca. “Kaya nag-akda po tayo ng ordinansa na mag-o-obliga sa mga kumpanyang ito na ilipat ang mga poste sa mga lugar na hindi makakaabala sa mga motorista. Kung hindi po sila susunod ay may nakalaan pong penalty na kailangan nilang tugunan everytime na hindi sila tatalima sa batas na ipinasa natin,” dagdag pa niya. Isang Technical Working Group ang binuo noon pang mga committee hearings upang tumulong sa pagpapatupad ng ordinansa. Kabilang dito ang chairman ng SP Committee on Engineering and Public Works, City Engineer’s Office (CEO), City ENRO, Association of Barangay Captains, District Engineer at mga kinatawan ng mga utility companies. Sa loob ng 30 araw mula sa effectivity ng ordinansa, ang grupo ang magsusumite sa Mayor ng plano kung saan identified ang mga apektadong kalsada at ang relocation project na gagawin base sa priority. Ang relocation project ay dapat matapos sa loob ng walong buwan, kasama na rito ang panahon ng preparation ng design, costing at pagkuha ng mga kailangang permit. Walang gastos ang mga consumers at ang city government sa gagawing pole relocation ng mga utilities. Kailangan ding ipaalam ng mga utilities sa kanilang mga consumers ang gagawin nilang pole relocation at gumawa ng paraan upang huwang ma inconvenience o maapektuhan ang serbisyo sa mga ito. Kung magkaroon ng damage sa mga government o private properties sa isinagawang relocation, ito ay irerepair ng utility at ibabalik sa dating kondisyon kung saan ang gastos ay sa utility subject sa specification at approval ng DPWH at CEO. Binigyang linaw din ni Dela Roca na sisiguruhin niya na lahat ng magagastos para sa relokasyon ay ang mga kumpanya ang gagastos at hindi maipapasa sa mga consumers. “Alam naman natin na ang malalaking kumpanyang ito ang kumikita sa mga business na ito. Kaya sana naman maging responsable sila lalo na’t kung ang safety ng mga mamamayan ang pinag-uusapan,” sabi niya. Bibigyan ng warning at order ng Mayor o kanyang awtorisadong kinatawan ng 30 araw ang mga violators upang makatupad sa ordinansa mula sa petsang matanggap ang warning at order. Kung hindi makatupad sa takdang panahon, papatawan sila ng multang P5,000 kada araw ng paglabag sa ordinansa. Public schools sa Batangas City lumahok sa 1st Nationwide Simultaneous Earthquake Drill BATANGAS CITY- Naging maayos ang performance ng dalawang public schools na lumahok sa 1st quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill noong February 21, bandang 2:00 ng hapon kung saan ang scenario ay 7.2 magnitude-earthquake. Ipinakita ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) ang kahandaan sa pamamagitan ng kanilang incident command system, pagkakaroon ng national disaster response plan signages at contingency plan. Seryoso ring ginawa ng mga estudyante ang duck, cover and hold sa kanilang paglabas papuntang evacuation center. Isa sa naging puna sa kanila ng mga evaluators na nagobserba sa kanilang earthquake drill base sa nakahandang template, ay ang kalayuan ng evacuation center na nasa batangas city oval field sa may coliseum. Kailangan ding gawan ng maraming exit gates upang madaling makarating ang mga tao sa evacuation area. Naging maayos din ang ginagwang earthquake drill sa Bagong Silang Elementary School. Katulong ng mga nasabing paaralan sa earthquake drill ang Bureau of Fire Protection, Philippine Red Cross Batangas Chapter, CDRRMO, PIO at City Social Welfare and Development Office.(PIO Batangas City)