Tambuling Batangas Publication December 05-11, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
December 5-11, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Gastronomaly
DEPARTMENT of Tourism (DoT) Secretary Bernadette “Berna” Romulo-Puyat may
be amiss of President Rodrigo Duterte’s marching order to cleanse the department of
corrupt officials when he appointed her to replace scandal-wracked Wanda Teo last
May over the airing of Philippine tourism commercials in her brothers’ TV show.
Launching an audit probe on the conflict-of-interest TV commercial that cost DoT
P60 million and canceling the anomalous P320-million Buhay Carinderia Redefined
(BCR) project of the Tourism Promotion Board (TPB) and the P120 million per year
Madrid Fusion Manila (MFM) culinary roadshows are just the first steps in ridding the
DoT of grafters and “commissioners.”
Puyat is duty-bound to hold accountable those who had more fun in spending away
DoT money in useless and non-bidded projects that benefited only the contractors
and agency fixers who facilitated approval of projects by higher-ups in exchange for
kickbacks. The DoT and the Ombudsman should initiate the filing of criminal and
graft charges against Teo, former TPB chief operating officer actor Cesar Montano
and his personal assistant, Marylindbert International president Linda Legaspi and co-
organizers of the equally anomalous MFM, former DoT chief Ramon Jimenez and
even celebrity vlogger and restaurateur Erwan Heusaff.
To date, all payments, advanced or otherwise, made by the DoT for the canceled
extravagant and illegal projects have not been returned nor refunded to the agency.
Puyat cannot just let millions in taxpayers’ money go to the pockets of DoT racketeers.
Even if these people already returned the project and talent fees that they didn’t deserve
getting, it doesn’t absolve them from violating the government procurement law.
Montano quit two weeks after Teo resigned in May when the Commission on Audit
(CoA) learned that the BCR did not pass through public bidding and the P80 million
budget for the first of four phases of the project was advanced to Marylindbert under
Legaspi weeks before it was launched on 11 April and before completion of the project
in December. Three LandBank checks were issued to the contractor: 19 March 2018
in the amount of more than P13.44 million, 20 March 2018 in the amount of P31.36
million and 17 April 2018 in the amount of P35.84 million.
Montano never questioned the cost nor breakdown of the P80 million BCR budget,
of which P60 million was for consultant fees with P19.7 million for miscellaneous
expenses, P150,000 for 10 crates of tinapa (smoked fish), P75,000 for 10 crates of
kangkong (water spinach), P42,000 for 1,000 kilos of NFA rice and P50,000 for
10 crates of banana. Any lowly carinderia cook can prepare a meal of fried tinapa,
adobong kangkong, ordinary rice and banana cue without charging millions for such
work.
The actor was not only negligent in not raising a red flag on the overpriced BCR and
the haste by which the contractor was paid. He is also liable for illegally spending P4.1
million for junkets during his short-lived TPB stint. Montano’s excessive travels were
illegal because his private secretary and executive assistant traveled and spent more
than he did in trips abroad, according to CoA.
Meanwhile, Heusaff was paid P1 million in talent fee for the service of vlogging local
eateries as part of the BCR project before it was canceled. Moreover, he was a bad
choice to promote carinderia menu as he and wife Anne Curtis Smith chose to get
married in New Zealand last year and serve Kiwi cuisine instead of Pinoy delicacies at
their reception. Puyat said Heusaff helped promote Filipino food in the trade shows of
the Department of Agriculture when she was still undersecretary there, but his services
were free. So, why pay him so much when he can volunteer again and promote himself?
Before leaving TPB to venture into movie directing, Montano washed his hands over
the BCR anomaly by pointing to Teo as the one who asked TPB to fund the project that
is not only redundant to the MFM started by Teo’s predecessor but also violated the
government procurement law.
MFM was the brainchild of Jimenez during the Aquino administration. He signed a
five-year contract with Madrid Fusion organizers in Spain that cost DoT P600 million.
The contract was given without public bidding, CoA found out.
Before his term ended, Jimenez reportedly extended the MFM contract by two more
years which Teo had to honor until Puyat canceled last week the fourth edition
scheduled for next year because of lack of funds. DoT spent P40 million as share in
holding each MFM event that promoted Spanish cuisine at the same time. That money
could have been used to organize an exclusively Filipino culinary roadshow abroad.
There’s a more serious issue than the midnight extension of the MFM contract. Based
on CoA’s audit, Jimenez and his team failed to account for the P240 million he gave
for the holding of the 2014 and 2015 MFM events. Also, CoA alleged that he never
submitted liquidation reports of the DoT’s P160 million subsidy since 2015.
It is unthinkable for a government agency like the DoT to be corruption-ridden. But
with the gastronomalous BCR and MFM, the agency is suddenly in the league of the
Bureau of Customs, Department of Public Works and Highways and the Bureau of
Internal Revenue in terms of notoriety. DoT’s practice of cooking up projects as a
modus to siphon off the agency’s multibillion peso annual budget and satiate greedy
officials may have been going on for as long as pork barrel scam queen Janet Lim
Napoles had been faking congressional projects in cahoots with kickback-hungry
legislators during the Arroyo administration.
Clearly, there are gluttons inside the DoT who are eating away its funds and no one
inside cares to blow the whistle. Puyat must have the initiative to contain some DoT
officials’ voracious appetite for corruption.
Ni Teo S. Marasigan
Tortyur at Iba pang Kalupitan
LAST PART
(4)
Naalala ko ang sanaysay ni Arendt dahil
tulad niya, nahaharap tayo sa naisiwalat
na mga lihim ng militar at gobyerno
natin – na ang isponsor ay ang militar at
gobyernong sinusuri niya. Tulad niya,
napapaisip tayo kung ano ang layunin
ng labis-labis na karahasang ito na
makabuluhang tawaging kalupitan.
Bagamat hindi lingid kay Arendt na ang
kontekstong ginagalawan niya noon ay
ang Cold War, hindi niya nilubos – sa
sanaysay na ito, hindi ko lang alam kung sa
iba pa – ang tinutungo ng mga sinabi niya.
Parehong nakadireksyon sa mga bansang
komunista ang mga kalupitang inilahad
niya: ang paggamit ng bomba atomika sa
Hiroshima, Japan para pigilan at paatrasin
ang Unyong Sobyet at ang paglulunsad ng
gerang agresyon sa Vietnam para pigilan
at paatrasin ang Tsina (at ang Unyong
Sobyet din na noo’y inaakala pang
sosyalista at kampi sa Tsina).
Natatawag samakatwid ang pansin
natin sa historikal nang kalupitan ng
mga tagapagtaguyod ng sistema kapag
kaharap ang mga komunista – totoo
man o pinaghihinalaan lang – at laban
sa kanila lalo na kapag itinuturing silang
malakas na banta sa isang panahon. Sa
unang tingin, nakakahikayat sabihing
ang gerang agresyon ng US sa Vietnam
at ang pagpapahirap sa mga kampong
pangtortyur ng militar ngayon ay pawang
paggamit ng labis na dahas para sa maliit o
di-mahalagang mga layuning kagyat. Pero
iyun ang punto ni Arendt: Iyun ang gusto
nilang ipakitang “imahen,” na kaya nilang
magpawala ng labis-labis na dahas sa mga
kalaban. Ano nga naman ang hangganan
ng kalupitan?
Kontra
kay
Arendt,
gayunman,
kailangang ihabol na mahirap paniwalaan
ang kongklusyong naglunsad ng gerang
agresyon ang US sa Vietnam para lang
patatagin sa pananaw ng buong mundo
ang imahen nito bilang superpower – lalo
na’t kung tinitingnan ito nang hiwalay
sa mga layuning geo-pulitikal at pang-
ekonomiya ng US. At para saan ang
imahen? Tiyak na may ganitong mga
interes na pinaglilingkuran kahit ang
pagpapatibay sa imahen ng superpower
ng mundo.
Pero napaka-pampubliko ng kalupitan ng
US sa gerang agresyon nito sa Vietnam –
alam ng buong mundo dahil sa pagsisikap
ng alternatibong mga naghahatid ng
impormasyon at nababanaag kahit sa
mainstream na mga tagapaghatid ng
impormasyon tungkol dito. Sa kabilang
banda, inilihim at patuloy na inililihim ng
militar at ng mga taong-gobyerno na may
alam nito ang kalupitan sa mga kampong
pangtortyur ng militar. Kinailangan pang
makatakas ng magkapatid na Manalo para
maisapubliko ang mga ito – bagamat, ang
totoo, kinumpirma lang ng mga salaysay
nila ang hinala at nababanaag na ng
marami.
Ano, kung gayon, ang posibleng layunin
ng militar at ng gobyerno sa pagpaparanas
ng kalupitan sa mga nasa kampong
pangtortyur nito? Bagamat tiyak tayong
naglilingkod ang layuning ito, anuman ito,
sa matagalang mga layuning pampulitika
ng gobyerno – at sa pang-ekonomiyang
mga layunin ng mga uring naghahari at ng
US – wala akong ibang masumpungang
hinalang kagyat na layunin ng ganitong
lihim na kalupitan kundi: ang ipagpatuloy
at patatagin pa nga ang kultura ng
kalupitan ng militar – para marahil sa
matagalang paglaban sa mga itinuturing
nitong komunista, totoo man o hindi.
Kaya nga hindi kataka-takang nangyari
ito sa pamumuno ni Hen. Jovito Palparan
at ng isang rehimeng may mga anti-
komunistang katulad nina Sek. Norberto
Gonzales at Padre Romeo Intengan SJ
sa pwesto. Di tulad ng ibang opisyal-
militar na “tumutupad lang sa trabaho”
o nagpepera lang sa pwesto, bukod-tangi
si Palparan na sinsero sa paglaban sa
itinuturing niyang banta ng komunismo –
bagamat hindi ibig sabihi’y hindi rin siya
nagpera sa pwesto. Itinawid ni Palparan,
sa bagong konteksto ng nagpapanggap
na “demokrasya,” ang kultura ng militar
na tumampok noong batas militar ni
Ferdinand Marcos.
(5)
Eh nabasa n’yo ba ang “Pagdakip
at Pagpapahirap sa Akin,” kolum ni
Elizabeth Principe sa Pinoy Weekly?
Basahin ninyo. Bukod sa naghahatid siya
rito ng impormasyong hindi lumalabas sa
midyang mainstream, inaarmasan niya
ang diwang palaban ng mga aktibista
at rebolusyunaryo sa napakagaan at
simpleng estilo ng isang chikadora –
hindi karaniwang talas sa karaniwang
pananalita.
Dito, may hindi karaniwang damdamin
o moda na inilahad si Gng. Principe. “Sa
unang sandali pa lamang na naisakay
ako sa van, alam ko nang nadukot ako at
tinanggap ko ang kamatayan. Hindi ako
natatakot mamatay, o tumagal at mabulok
sa bilangguan, sinabi ko ito sa mga
interogador. Sa dami ba naman ng na-
missingat na-extra-judicial killing, hindi
ko iniisip na maiiba ang aking istorya.
“Ang mga tula ni Jose Ma. Sison sa loob
ng bilangguan ang nagbigay ng lakas-
loob sa akin. ‘Mas mahirap ang naging
kalagayan niya pero nakaya niya, dapat
ko ring kayanin ito,’ kako. Dagdag
pa ang kuwento ng may karanasan sa
mga hulihan – na ang hindi natakot sa
kamatayan at tortyur ang hindi bumigay
sa interogasyon at hindi naipagkanulo
ang mga mamamayan. Sa kabilang panig,
kapag pinangangalagaan ang buhay, lalo
itong nawawala pati ang dignidad.”
Hawig nga ito sa isinalaysay ni Prop. Jose
Ma. Sison, sa libro niyang Rebolusyong
Pilipino: Tanaw Mula sa Loob [1987],
tungkol sa kung paano siya umalpas sa
grabeng pagtortyur ng militar noong
nadakip siya: “Ang pinakamahalaga sa
akin ay patuloy kong mapanindigan ang
aking rebolusyonaryong paniniwala at
mapanatili ang aking diwang mapanlaban.
Ang naramdaman ko’y galit sa halip
na takot. Nakatulong ang mag-isip na
kahiya-hiyang… magkanulo sa iba, at
isaalang-alang na sadyang nagsasara ang
utak pag di na matiis ang sakit….”
Pareho sa dalawa ang mulat na paglaban at
pag-ibabaw sa takot, katulad ng pagsigaw
ng mga raliyista kapag binabatuta at
tinutubig ng mga pulis ng “Makibaka,
huwag matakot!” Ang kaibahan lang,
mag-isa silang humarap sa mas matinding
kalupitan sa loob ng kulungan, hindi
kasama ang iba pa kaya lalong nakakabilib.
Tiyak na pareho nilang hinarap ang takot
sa kamatayan at isinalin ito sa galit sa
pagmamalupit ng militar at gobyerno sa
mga nakikipaglaban para sa pambansang
paglaya at pagkakapantay-pantay. Pareho
silang may ipinakitang dignidad na kaiba
sa tinukoy ni Gng. Principe. Dignidad
itong hindi na lang personal at pinaka-
akma nang bansagang “rebolusyunaryo.”
Kaugnay ng pangkalahatang buhay-
bilangguan, sabi ni Gng. Principe,
“Nakatulong sa akin ang pag-iisip [nang]
positibo para di lubhang ma-depress
sa bagong mundo ko.” Sabi naman ni
Prop. Sison, “Upang mapanatili ang
linaw ng isip ay sinadya kong balansehin
ang diwang mapanlaban at diwang
mapagbiro.”
Kaya naman nakakatuwa’t nakakatawa
ang napakaraming kwento ni Gng.
Principe. Tungkol sa akusasyon sa kanya,
ang sagot lang niya ay “Ngi! Hindi ko nga
alam na naganap [ang aksyong militar sa
Manila Peninsula] at hindi ko pa nakita
sa buong buhay ko si Sen. Trillanes at
mga kasamahan niya.” Akala mo artista
lang siya sa Tropang Trumpo. Sabi niya,
“Kahit nga si Cong. Satur Ocampo ay di
pinayagang makadalaw sa akin. (Dami pa
naman niyang dalang pagkain.)”
Ewan ko sa iba, pero magkahalong tuwa
at takot ang hatid ng kwento niyang
ito: Noong binulungan siya ng isang
malamang ay militar na nagbalik sa
kanya sa kulungan ng “Kung makatakas
ka o makalaya, ako ang papatay sa iyo,”
agad daw siyang sumagot ng “Bakit
ka nananakot?” Halata ang takot, pero
nilalabanan. At ito ang diwang palabang
ikinakatuwa at tinutugunan ng “Wagi!”
“Malupet!” “Panalo!” sabay palakpak sa
mga huntahan ng mga tibak.
06 Disyembre 2008